Jennylyn Mercado afraid to love again: "Mas nag-iisip na ako ngayon."

Jennylyn Mercado says being on the list of FHM's 100 Sexiest Women entails responsibility. "Gusto kong maging example sa mga kababaihan... hindi porke't nagkaroon ka na ng anak—isa, dalawa o tatlo—ay pababayaan mo na ang sarili mo. Mas dapat pa ngang i-try mo na mas meron kang confidence and beautiful, 'di ba?"


Marami ang nagsasabing ang pagiging sexy ngayon ni Jennylyn Mercado kumpara noon ang isa sa mga dahilan kung bakit bumalik ang interes sa kanya ni DennisTrillo.

Sina Jennylyn at Dennis ang mga bida sa bagong GMA primetime series na My Faithful Husband.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Jennylyn sa presscon ng teleserye nila ni Dennis last week, nahihiyang sumagot ang Kapuso actress kung tama ba ang hinala ng karamihan tungkol sa pagbabalikan nila.

Natatawang reaksiyon niya, "Ewan ko sa kanya, 'di ko alam!

"Siya ang tanungin niyo, ba't ako ang sasagot niyan?

"Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya."

Nang si Dennis naman ang tanungin dito, hindi rin direktang sumagot ang aktor, pero sinabi niyang "Love is lovelier the second time around."

Read: Dennis Trillo on ‘relationship’ with Jennylyn Mercado: "Love is lovelier the second time around."

Sa tingin ba ni Jennylyn ay mas guwapo ngayon ang kanyang leading man?

Mabilis niyang sagot, "Lagi namang pogi 'yan, e."

Hindi ba siya kinukulit ni Dennis na magkabalikan na sila?

Paiwas na sagot ni Jennylyn, "Siyempre 'di ko na ibubulgar sa mga tao kung ano ang isasagot ko, 'di ba?

"Relax lang, tayu-tayo na lang, at 'di ko alam.

"Wala pa talaga, wala po talagang exag [exaggeration].

“Araw-araw po akong nasa trabaho kaya hirap din akong sagutin ang mga tanong sa akin, e."


WISER IN LOVE. Sobrang busy raw si Jennylyn para asikasuhin pa ang kanyang lovelife.

Kaya nga raw maging ang kanyang anak na si Alex Jazz, 7, ay isinasama na lang niya sa trabaho.

"Dinadala ko na nga lang si Jazz sa trabaho, exag po talaga, umuuwi lang ako para lang maligo.

"Nag-start na kami ng Walang Forever [MMFF movie], 'tapos heto naman, three times a week.

"At saka si Jazz, hindi ko naman siya dinadala sa mga location shoots, yun mga ganito lang na tapings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya wala pa naman siyang tinatanong na kung anu-ano."

Pero wise na raw si Jennylyn pagdating sa pag-ibig

"Oo naman po, nakakatakot na.

"Kilala niyo naman kasi ako 'pag nagmahal, 'di ba, one hundred percent?

"Kaya after nung mga na-experience ko, mas ano nga ako ngayon... mas nag-iisip na."


ROLE MODEL. Muli naming pinansin ang kanyang kaseksihan.

Ayon kay Jennylyn, may mabigat siyang obligasyon nang tanghalin siya bilang FHM's Sexiest Woman ngayong taon.

"Siyempre, ma-pressure kasi ’di ako puwedeng magpabaya sa sarili ko, kailangan, e.

"Pero hindi ko talaga ini-expect yun, totoo yun!

"Mahirap 'to, ha, grabe talaga!

"Pero sapat ang pagkain ko, binabawi ko na lang sa workout."

Bukod sa workout, ano pa ang mga ginagawa niya para ma-maintain ang kanyang kaseksihan?

Ani Jennylyn, "Kahit ano, kinakain ko na.

"Kung anong meron diyan, kinakain ko na, basta kailangan ko lang siyang pagtrabahuan.

"Hindi naman porke't may anak na ay pababayaan na, hindi dapat ganun."

Dagdag pa niya, "Ako, gusto kong maging example sa mga kababaihan.

“Na hindi porke't nagkaroon ka na ng anak—isa, dalawa o tatlo—ay pababayaan mo na ang sarili mo.

“Mas dapat pa ngang i-try mo na mas meron kang confidence and beautiful, 'di ba?

"Hindi lamang para sa kanila, kundi para sa sarili mo rin.

"Para maging inspirasyon ka ng mga tao, sa asawa o boyfriend mo, 'di ba?

"Yung 'di ka pa rin nagbabago, meron effort talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN