Sofia Andres reacts to bashing by Julia Barretto-Iñigo Pascual fans: "Siyempre nahe-hurt ako."

"Kasi sinimulan namin, e. I’m still hoping na someday… umiikot lang naman ‘yan, e," says Sofia Andres about her love team with Iñigo Pascual, which was cut short when Julia Barretto was paired with him.


Tumanggap na kabi-kabilang pamba-bash sina Sofia Andres at Iñigo Pascual nang mag-post sa Instagram ang aktor ng larawan nila ni Sofia nang magkasabay sila ng guesting sa ASAP XX.

Sa pinost na larawan ni Iñigo ay naglagay ito ng caption na, “It was so awesome seeing and being able to share the stage with you again…@iamsofiandres Guys chill lang okay? Wag po tayong mam-bash please. If you have nothing but rude things to say, please wag na lang po ninyong icomment. Lahat kami ay magkakaibigan.”

Pero sa kabila ng pakiusap na ito ni Iñigo ay tumanggap pa rin sila ng pamba-bash mula sa mga tagahanga ng tambalan nila ni Julia Barretto.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal ) at Cinema News kay Sofia nung nakaraang Lingo sa ASAP XX, aminado ang aktres na nasasaktan siya sa mga masasakit na nababasa sa social media.

Siniguro naman nito na naiintindihan niya ang nararamdaman ng ibang mga tagahanga kung kaya’t nagagawa nilang mam-bash ng ibang mga artista.

“Siyempre nahe-hurt ako dun, pero siguro nadadala sila ng emotions nila kasi hindi loveteam nila yung pinost.

“Ganun lang talaga siguro kasi sinu-support nila ang Julñigo [love team nina Julia at Iñigo], I have to accept it.

“Kani-kaniyang gusto, you can’t please everyone.

“Sana lang maintindihan nila I’m just working, I’m doing my job and I respect all their opinions.”

FRIENDS. Sinabi rin ni Sofia na wala silang problemang tatlo at kahit na sila mismo ni Julia ay magkaibigan dati pa.

“Oo naman, okey naman kaming tatlo, but the fans lang are making issue, ‘di ba?

“Friend kami ni Julia… I even attended her debut.

“Noon nagkaka-text kami, nagkakausap kami, kaya lang siguro busy siya ngayon.

“Marami siyang pinagkakaabalahan kaya 'di na gaya ng dati.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa interview kay Iñigo ay nabanggit nito na ang pinakamahalaga para rito ay maprotektahan sina Julia at Sofia.

Reaksyon ni Sofia, “Opo, kaya lang 'di maiiwasan yun kasi dalawa kaming girls, nag-iisa siya.

"Mahaba ang hair niya," bitaw na biro ni Sofia dahil nga tila pinag-aagawan nila ni Julia si Iñigo.



MU. Madalas na nakikitang magkasama pa rin sina Iñigo at Sofia sa ilang events kung kaya’t marami ang nag-iisip na mukhang walang nabago sa espesyal na relasyon ng dalawa.

Matatandaang inamin nila sa presscon ng Relaks It’s Just Pag-ibig na mag-MU [mutual understanding] sila.

Agad namang nilinawni Sofia n a sa ngayon ang focus niya ay ang kanyang trabaho.

“We’re good, we’re still friends. Wala namang nagbago, wala naman.

“I think we’ll just have to focus on our work, malabo yun, malabong usapan, e.

“Special… kasi isa siya sa pinagkakatiwalaan ko na guy.”

Inamin din noon ng aktres na nanghihinayang siya na agad ay binuwag ang tamabalan nila ni Iñigo at pinareha ito sa iba.

“Oo naman kasi siyempre sinimulan namin, e.

“I’m still hoping na someday… kasi umiikot lang naman ‘yan, e.

EXCITED OVER KRIS. Naging vocal din si Sofia sa pag-amin na sa local showbiz ang crush niya ay si Gerald Anderson.

Nagustuhan nga raw niya si Gerald, “Kasi kamukha niya si Zac Efron and I really love him. Charming, sarap titigan ng face niya.”

Sa ngayon ay regular na napapanood si Sofia sa ilang shows ng ABS-CBN. Excited din siya na kasama siya sa pelikula nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista na isa sa entries ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival.

“Luv U, Wansapanataym, Chillout and photoshoots. Serye? Maybe next year.

"But I have movie with Kris and Mayor Herbert under Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Di pa kami nag-i-start kasi may nauna siyang [Kris] movie, yung Etiquette for Mistress.

“Excited ako to work with her kasi ngayon ko lang siya makakatrabaho and nakakanerbiyos din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN