Ruffa Gutierrez wants her daughters not to rely on men in the future for their financial needs

Gusto raw maging “cool mom” ni Ruffa Gutierrez sa kanyang mga anak na sina Lorin at Venice. Hindi raw siya gagaya sa pagpapalaki sa kanya ng inang si Annabelle Rama.


Magiging “cool mom” daw si Ruffa Gutierrez sa kanyang dalawang anak na sina Lorin, 12, at Venice, 10.

Anak ni Ruffa ang dalawa sa dati nitong asawa, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Sa presscon ng Cosmo Skin Advanced Whitening Technology nitong Huwebes, August 6, natanong si Ruffa kung palalakihin ba niya ang kanyang dalawang anak kagaya ng pagpapalaki sa kanya ng inang si Annabelle Rama.

Sagot ng actress-TV host, “One thing na hindi ko gagayahin sa mommy ko is I want my children to treat me as if I’m their best friend, so nandiyan ang respeto.

“At the same time, ayokong matakot sila na magsabi sa akin ng mga prolema nila.

"Especially with the kids nowadays, di ba? They feel like they're alone, or there’s a generation gap.

“I just always want them to know that I’m always here for them whatever happens.”

Ano ang maipapayo niya sa kanyang dalawang anak na babae, paglaki ng mga ito, pagdating sa mga lalaki?

Sabi ni Ruffa, “Maliliit pa sila, siguro ang gusto ko lang sabihin sa mga anak ko, for me, I’ve made a lot of mistakes in my life, and I’m not perfect.

"But then again, I’m a survivor.

"And the most encouraging thing I can share with my kids, no matter what happens, I’m here, I’m taking care of them, na never rely on a man for your financial needs.

“Importante pa rin talaga na magtrabaho ka, and to be a leader and to be self-supporting.

"Kasi, in that way, hindi ka puwedeng balewalain nung mahal mo sa buhay.

"Kasi may sarili kang trabaho, hindi ka lang umaasa sa kanya."

Sinabi rin ni Ruffa na hindi siya natatakot tumanda, kundi kung paano niya bubuhayin ang kanyang mga anak.

Saad ng single mom, “It’s a fear I guess for all mothers, who have a husband… that’s a natural fear. What more kaya if you’re alone?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, I do have someone that makes me happy, pero hindi naman siya ang nag-aalaga sa mga anak ko.

"So I still have to take care of my kids and provide for them.

"So, at the end of the day, yun yung fear ko.

"Gusto ko silang bigyan ng magandang buhay habang buhay."

Mabuti na nga lang daw at patuloy pa rin ang pagdating ng mga biyaya sa kanya, kagaya ng mga trabaho at endorsements.

“Nagpapasalamat ako that I’ve been in this business since I was 13 years old, more than 20 years, and yet I’m still around.

"I still have two shows, I can be seen all over Asia, I have a lot of endorsements."

Kabilang sa current projects ni Ruffa ang sitcom na Misterless Misis sa TV5, ang reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez, at isang hosting stint sa E! Asia.

“I’m just so happy na ang daming dumarating.

"So, for me, if you just get rid of the all negativity and you just embrace the positivity, good things will come."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN