Jerald Napoles on calling Aicelle Santos "Mahal": “Kaya mahal ang tawagan namin kasi nagmamahalan kami talaga… bilang magkaibigan."

If Aicelle Santos is just a friend, why don't he try courting Cacai Bautista? Jerald Napoles's reply: “Okey na ako kay Aicelle, e. Huwag na isali si Cacai, ano ba?”


Gustuhin man ng actor-singer-comedian na si Jerald Napoles na lumalim pa ang pagkakaibigan nila ng Kapuso singer na si Aicelle Santos, hanggang friendship lang daw talaga sila.

Naging close sina Jerald at Aicelle dahil sa pagsasama nila sa musical na Rak of Aegis.

Dahil sa ilang beses silang nag-perform magkasama sa entablado, nauwi ito sa magandang pagkakaibigan.

Sa katunayan ay “mahal” ang tawag nila sa isa’t isa.

“Kaya mahal ang tawagan namin kasi nagmamahalan kami talaga… bilang magkaibigan.

“Kahit wala kaming something ni Aicelle, yun ang tawagan namin sa isa’t isa.

“Kahit sino naman puwede mong tawaging mahal, ‘di ba?” pahayag pa ni Jerald nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng My Faithful Husband last July 31 sa GMA Annex Building.

PURE FRIENDSHIP. Ang rason ni Jerald kung bakit hindi niya puwedeng ligawan si Aicelle ay dahil ayaw raw niyang may mabago sa friendship nilang dalawa.

“Ayoko kasing masira o magulo ang magandang samahan namin ni Aicelle.

“Kung hahaluan natin ng ligaw, baka may maiba.

“Mahirap makahanap ng mga tunay na kaibigan sa trabahong ito. Isa si Aicelle sa maituturing kong close na kaibigan.

"Na mapagsasabihan mo ng mga problema mo, tatawa sa mga jokes mo at makikipag-inuman sa iyo.

“Naku si Aicelle, ang lakas uminom niyan!” sabay tawa pa ni Jerald.

Biniro na lang namin si Jerald na kung ayaw niyang ligawan si Aicelle, ang isang kasama na lang nila sa Rak of Aegis ang pormahan niya--si Cacai Bautista.

Mabilis na sumagot si Jerald na friendship lang daw ang mao-offer niya kay Cacai.

“Okey na ako kay Aicelle, e. Huwag na isali si Cacai, ano ba?” malakas na tawa pa niya.

“Uy, love ko ‘yang si Cacai kaya nabibiro ko ‘yan. Hindi naman ako type niyan, e. Pasok ang beauty niya sa mga foreigners, lalo na sa mga taga-Thailand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi ko rin naman kay Cacai na hindi ang tipo niya ang type ko.

"Pang-afam din ako, mas mabenta din ako sa mga foreigners, e.”

Huling nakarelasyon ni Jerald ay isang French girl. Nakarelasyon na rin daw siya ng mga girls na Latina, American, at mula sa iba’t ibang bansa ng Europe.

“Ang hindi ko pa nasusubukan ay South African.

“Magaganda ang mga taga-South Africa, ‘di ba? Charlize Theron ang dating nila.

“Gusto kong ma-experience din ang makarelasyon ang mga Afro-Americans.

“Yung parang Halle Berry lang. Sexy at maganda ang mukha.”

LUCKY. Masuwerte si Jerald dahil dalawa agad ang bagong shows niya sa GMA-7.

Bukod sa teleserye na My Faithful Husband, mapapanood din siya tuwing Linggo sa Sunday PinaSaya.

Nakilala si Jerald sa paglabas niya sa mga indie films tulad ng Saan Nagtatago si Happiness?, Dagim, The Janitor, at English Only, Please.

Lumabas din siya sa ilang teleserye sa ABS-CBN na May Bukas Pa, Impostor, at Nasaan Ka Elisa?

Ang musical na Rak of Aegis ang naging daan para mapansin siya ng ilang mga bossing ng GMA-7.

“Marami pala sa mga bossing dito sa Kapuso network ang nanood ng Rak of Aegis.

“Nanood sila dahil nga kay Aicelle. Pero nakatuwaan nila ako.

“Pinagtanungan nila kung sino ang puwedeng kausapin dahil gusto raw nila akong kunin para sa isang show.

“Doon nagsimula ang lahat kaya sobra ang pasasalamat ko na ang tulad ko pala ay kapansin-pansin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN