Jolina Magdangal on bashing from Claudine Barretto fans: "Ang tagal ko na sa industriya para ma-hurt ako... mayroon talagang mga ganun.”

Jolina Magdangal says bashers are normal and expected in show business: “Wala kang ginagawa na-bash ka, may ginagawa ka na-bash ka."


Umiwas nang sagutin ni Jolina Magdangal ang mga tanong tungkol sa pamba-bash ng fans ni Claudine Barretto sa kanya at sa balitang masama ang loob nito sa pag-amin ni Jolina na hindi naging maganda ang karanasan niya nang minsang magkasama sila sa isang serye.

Paliwanag ni Jolina, “Ayoko na ‘yang sagutin kasi baka mayroon na naman ‘yang something.

“Wala namang gulo, saka ayoko nang magsalita kasi feeling ko 'pag may sabihin na naman ako, iba na naman ang maging dating.”

Pagdating naman sa bashers ay ‘di na raw naaapektuhan dito si Jolina.

“Yung mga bashers, para sa akin kasi expected ko na ‘yan sa show business… parang part na siya.

“Wala kang ginagawa na-bash ka, may ginagawa ka na-bash ka.

“So hindi na, ang tagal ko na sa industriya para ma-hurt ako. Kabisado ko na, na mayroon talagang mga ganun.”



EXTENDED. Samantala, masayang ibinalita ng aktres na extended muli ang Flordeliza kung saan nagkapareha sila uli ng dating ka-loveteam na si Marvin Agustin.

“Happy ako dahil na-extend na naman. Hindii ko alam kung puwedeng sabihin kung anong month, pero extended siya.

“Happy kami nila Direk Wenn [Deramas], parang yung blessings tuluy-tuloy talaga.

“‘Tapos iniisip nila yung istorya, paano uli gagawin.

“Sabi nga namin, alam natin three months lang ito, pero ngayon si Pele [baby niya] naglalakad na.

“Nakagawa na ako ng isa pang show, yung Your Face Sounds Familiar, ’tapos may pumapasok na nga na Written In The Stars.

“Pero ito pa rin... talagang matibay ang Flordeliza team.”

NEW SHOW. Hindi rin tinago ni Jolina ang excitement na makatrabaho sa kauna-unahang pagkakataon ang mga makakasama naman niya sa Written In The Stars gaya nina Piolo Pascual, Sam Milby, at Toni Gonzaga.

“First time ko silang makaka-work, si Piolo nakasama ko na siya sa ASAP dati pero ngayon ko siya makakasama sa acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa, kasi feeling ko 'di ko pa man sila nakaka-work, kilala ko na sila, napapanood ko sila.

“Ano na lang ito, matter of conversation, kuwentuhan on the set, honored ako na professionals ang mga makakatrabaho ko.

“Magagaling ding umarte, romcom, drama, hosting, lahat na kaya nilang gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN