April 'Congratulations' Gustilo thankful to Willie Revillame: "Kung hindi dahil sa kanya hindi ko maaabot lahat ng mayroon ako ngayon."

April Gustilo wants to pay it back, "Iyon din naman ang gusto kong mangyari sa life ko, na makapag-serve sa maraming tao sa pamamagitan ni Kuya Wil at saka ng show na Wowowin. Kaya I’m so happy na naging part ulit ako ng show kasi at least parte rin ako ng isang show na tumutulong sa maraming tao.”


Nakilala ang isa sa W.Girls dancer ng Wowowin na si April Gustilo bilang “Congratulations” nang bigyan siya ng break ni Willie Revillame bilang tagabigay ng premyo sa mga contestants simula pa noong noontime show ni Willie na Wowowee sa ABS-CBN.

Ito ang naging taguri sa kanya dahil sa energetic na pagbati niya ng congratulations sa mga nananalo sa naturang variety show.

Sumama siya sa paglipat ni Willie sa TV5 para sa mga programang Willing Willie, Wil Time Bigtime, at Wowowillie.

At hanggang ngayon nga sa Wowowin ay bitbit pa rin ni April ang tawag sa kanyang “Congratulations.”

Kaya naman tinatanaw niyang malaking utang na loob sa kanyang Kuya Wil kung anumang magandang buhay at career mayroon siya ngayon.

Kuwento niya, “Mga almost five years na rin po akong kasama ni Kuya Wil, I stopped lang kasi I studied and then bumalik ulit ako.

“Ever since sobra ang laki na nang naitulong ni Kuya sa akin, especially sa pamilya ko, kung hindi dahil sa kanya hindi ko maaabot lahat ng mayroon ako ngayon.

“Dati kasi simpleng tao lang ako, simpleng dancer. But ngayon I have my own business, I have my own house.

“Naibibigay ko rin lahat ng gusto ng parents ko, pati yung mga pamangkin ko napag-aaral ko... ang laking naitulong sa akin ni Kuya.

"Lagi rin kaming binibigyan ng advice ni Kuya kung ano ang dapat gawin namin sa perang kinikita namin.

“At saka utang na loob ko sa kanya na nakilala ako ng mga tao bilang si ‘Congratulations.’

“Kung hindi po dahil sa kanya hindi po ako makikilala ng mga tao, so nagpapasalamat po ako sa kanya.

“And siyempre bilang ako na nagpapa-thank you sa kanya, kailangan ko rin siyempreng gandahan yung performance ko, para rin sa mga taong nanonood sa amin.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si April sa presscon ng Wowowin noong Agosto 5 sa 17th Floor ng GMA Network. Bukod kasi kay Willie ay dumalo rin sa presscon ang W.Girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUCCESS. Kapag wala na siya sa studio ng Wowowin, may mga tumatawag ba sa kanya na "Congratulations"?

“Yes, kahit saan ako pumunta, kahit sa ibang bansa, may nagpapa-picture na mga Pinoy, which is nakakatuwa, ‘di ba?



“Kasi achievement mo iyon sa buhay, e. Bihira yung mga taong mabigyan ng ganung achievement sa buhay.

‘So thankful ako and super blessed ako na nabigyan ako ng chance ni Kuya na maging ganun.”

Nao-overwhelm ba siya sa tinatamasa niyang tagumpay at kasikatan ngayon bilang si Congratulations?

“Sobrang nao-overwhelm po, and alam mo yung tuwa, kahit na pagod na pagod ka na.

“Kunwari may show ka sa labas, 'tapos ikaw na yung magpe-perform, grabe yung palakpakan ng mga tao.

“Alam mo yung bumiyahe ka pa, pagod ka na, pero nawawala lahat ng pagod mo kasi yung palakpakan ng mga tao kakaiba.

“‘Oh, my God, this is it! This is for them!’ parang ganun yung feeling.”

Ano ba ang mayroon kay Willie kaya through thick and thin ay hindi niya ito iniiwanan?

“Kasi nga si Kuya yung tipo ng taong matulungin, e.

“Gusto niya lang tumulong, kahit yung tipong pagod na pagod na siya, or walang-wala na siya, gusto pa rin niyang tumulong.

“So, iyon din naman ang gusto kong mangyari sa life ko, na makapag-serve sa maraming tao sa pamamagitan ni Kuya Wil at saka ng show na Wowowin.

“Kaya I’m so happy na naging part ulit ako ng show kasi at least parte rin ako ng isang show na tumutulong sa maraming tao.”

LOYAL. Sa paanong paraan naman siya bumabawi kay Willie sa mga naibigay nito sa kanya?

“Siguro iyong pagiging loyal ko kay Kuya and sa pagseserbisyo ko rin sa kanya bilang dancer.

“Lagi ko ring sinasabi na I’m always here for Kuya. Whatever, anuman yung mangyari sa kanya.

“Anuman yung mga challenges sa buhay na dumating sa kanya, nandito lang kami para sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami nang naibigay si Willie sa kanila, nagkaroon ba ng pagkakataon na nabigyan niya ng regalo si Willie?

“Of course, lahat kami nagbibigay kami kay Kuya.

“Siyempre iba yung pakiramdam na napasaya namin yung taong tumutulong sa amin, e.

“Ang nakakatuwa kasi kay Kuya, kahit simpleng bagay lang, kahit maliliit na bagay na ibinibigay namin sa kanya, makikita mo sa bahay niya, itinatago niya.

“Mayroon siyang room para sa mga regalo naming ibinibigay sa kanya. Nakakatuwa, ang sweet niya.”

LIKE A FATHER. Hindi ba sila pinagbabawalan ni Willie na magkaroon ng boyfriend?

“No, open kami kay Kuya, para namin siyang tatay, lahat kami.

“Kung anuman yung problema namin sa family, sa lovelife, ino-open namin kay Kuya.

“Siya yung nag-a-advise sa amin ng tamang bagay na gagawin namin or right way na gagawin namin sa isang desisyon na gagawin namin sa buhay.”

May boyfriend siya ngayon?

“Yes, I have a lovelife, at alam iyon ni Kuya.”

Alam ba nila na muntik nang mawala sa ere ang Wowowin dahil nga sa laki ng nalulugi sa kanya bilang producer din ng show?

Nakiusap lang ang GMA kay Willie na ituloy ang show.

Lahad ng dancer, “Noong una, wala pa kaming idea kasi hindi pa kami nai-inform ni Kuya, ‘tapos miniting niya kaming lahat.

“May bad news, but after ng bad news may good news naman daw.

“So nung sinabing bad news nag-iiyakan na yung iba sa amin, nalulungkot na rin kami, pakiramdam namin mawawala na naman yung Wowowin.

“Nung mawala yung Wowowee, parang ganun ulit yung pakiramdam.

“So nung sinabing mayroon pang good news, ayun na, nagpalakpakan na lahat, tuwang-tuwa.

“Super good news talaga kasi nabigyan kami ng magandang timeslot, back to back pa sa Sunday PinaSaya.

“Simula sa Sunday [August 9], 2 pm to 3:15 pm na kami pagkatapos ng Sunday PinaSaya, so thankful kami sobra.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May wish ba siya para kay Willie?

“Sana magtuluy-tuloy na iyong show niya at marami pa siyang mapasayang tao, kasi alam namin na doon din siya sasaya.

“At sana matupad iyong gusto niya na maging daily ang Wowowin.

"Kasi alam ko na iyon din ang isa sa mga wish ni Kuya para mas maraming mapasayang tao sa araw-araw.

“And good health kay Kuya and more blessings to come. Basta mahal na mahal namin siya.”

Handa rin daw suportahan ni April si Willie kung anuman ang magiging desisyon ng Wowowin host kaugnay sa inamin nitong may mga partidong lumalapit sa kanya at kumukumbinsing tumakbong senador sa 2016 elections.

Pinag-iisipan at pinag-aaralan pa raw ito ni Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN