Nina happy with her eight-year relationship, but no marriage plans yet: "Darating naman yun."

Nina is back in ASAP and working on her next album after her Diamond Award-winning album Nina Live!


Matipid man sa identity ng boyfriend ay ‘di naman itinago ng Soul Siren na si Nina na masaya at kuntento siya sa itinatakbo ng relasyon nila ng non-showbiz boyfriend.

Balitang may-ari ito ng isa sa pinakamalaking taxi business sa bansa sa ngayon.

May balak na ba silang pakasal lalo’t walong taon na rin ang relasyon nilang dalawa?

“Alam naman ng lahat ng tao na it’s a private thing for me, na ‘di ko siya pinag-uusapan kasi non-showbiz siyang tao.

“Eight years na kami. Hindi natin alam, darating naman yun.

“Pangit naman siguro sa eight years walang ganung pag-uusap.

"‘Ano ganito na lang tayo? Ano ito lokohan? Hanap na lang tayo ng iba.'

"Sayang naman yung isa pang taon na pagsasamahan namin kung wala rin naman palang pupuntahan.

“Di ko rin masabi, e. Any moment. ‘Di natin masabi yung bugso ng damdamin, ‘Tara na.’

“‘Di natin talaga masabi kasi baka bukas, puwedeng mamayang gabi.

“Siguro kung ikakasal o magkabalak na, mababalitaan ninyo naman yun.

“I’ll keep it private na lang siguro, mababalitaan at mababalitaan ninyo naman.

BACK TO ASAP. Samantala, marami ang natuwa na madalas ang guest appearance muli sa ASAP XX ni Nina.

Matagal-tagal din nang huling napanood ang singer sa ASAP kung saan kasama siya noon sa grupong Sessionistas.

Sa 'di malinaw na rason ay nag-lie low hanggang sa tuluyang umalis sa grupo si Nina.

Ayon naman sa Soul Siren, “Actually, 'di naman ako nawala, every now and then nagge-guest din.

"Siguro mas madalang lang nila akong makita nowadays.

“Bumabalik naman talaga ako sa ASAP, if schedule permits.

"Nag-uusap-usap naman sila, my manager, kung may schedule and guesting.

“Nakaka-miss yung jamming, pero every time naman in ASAP, lagi parang jamming, it’s always a pleasure singing with them.”

Isa si Nina sa mga singers na napagkalooban ng Diamond Award para sa album niyang Nina Live!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binalita rin ng Soul Siren na nag-iipon at pinipili pa lang daw nila ang mga kanta na isasama sa susunod niyang album.

“Ginagawa pa lang, kumukuha pa lang kami ng songs and mga producers na gagawa ng songs,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN