Joshua Garcia relates his hard-luck story: "Iniwan ako ng nanay ko sa tito kong pari. Hindi raw niya kaya ang gastos... ang papa ko kasi, talagang sobrang hirap."

Joshua Garcia maybe considered one of ABS-CBN's rising teen stars, given his popularity in the teleserye Nasaan Ka nang Kailangan Kita? He has in fact two loveteams in the show, with Jane Oineza and Loisa Andallo.


Aminado ang young actor na si Joshua Garcia na malaki ang naitulong sa kasikatan niya paglabas niya ng Pinoy Big Brother ang afternoon teleserye na Nasaan Ka nang Kailangan Kita? sa ABS-CBN.

Isa na ngayon si Joshua sa mga sikat na teen actors sa Kapamilya network.

Unang nakilala si Joshua bilang isa sa mga housemates sa Bahay ni Kuya noong PBB All In season at tinawag bilang “Tatay’s Boy ng Batangas.”

“Noong una po wala akong interes pumasok sa showbiz, ‘tapos nag-audition po sa ako sa PBB, sixteen pa lang po ako noon.

“Ngayon po, mag-e-18 na po ako sa darating na October 17,” bungad ni Joshua noong makausap naming sa thanksgiving presscon ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Taga-Baun, Batangas, si Joshua pero dinayo niya ang Marikina Sports Center para mag-audition.

“Meron pong taga-Batangas, sa Baun po. Nabasa ko po sa Internet na may audition sa Marikina on that date.”

Nasa 14,000 daw ang nag-audition noon, at nasa 3,000 ang number ni Joshua. Paano siya napili?

“Ah, kasi ano, e, totoo nga na i-give mo lang ang best mo, so ginawa ko lahat nang nalalaman ko…

"Ako po yung nag-folk dance,” proud na sagot niya.

A BOY’S STORY. Hiwalay raw ang parents ni Joshua, “Iniwan ako ng nanay ko sa tito kong pari.

“Hindi raw niya kaya ang gastos, dalawa po kaming anak niya. E, wala po siyang trabaho.

“Ako lang ang iniwan niya, yung kapatid ko kinuha ng nanay ko, nasa sa kanya po.

“Ang papa ko po noong time na yun, nasa Tanauan kasi yun, iniwan ako.

“Nasa Bauan lang ang papa ko…ang papa ko po ang lulutu-luto kapag may fiesta or sa may pa-birthday.”

“Ang daming kwento ng buhay ko,” nailing na sabi ni Joshua.

Nagkikita pa rin sila ng nanay niya ngayon?

“Ang mama po, hindi na masyado pero nagkaka-text naman po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang papa po, kasama ko sa bahay ngayon, sabi po nila, daddy’s boy ako.

“Kaya hayun po ang pangalan ko sa PBB, 'Tatay’s Boy ng Batangas'.”

Ano’ng reaksyon ng papa niya ngayong sikat na siya?

“Siyempre po sobrang saya ng papa ko kasi dati talaga ano, mahirap ang buhay niya.

“Hindi ko ma-explain pero talagang sobrang hirap, at sobrang saya niya ngayon na naging okey ako.

“At mas sasaya pa kapag okey na okey ako.”

Nasaan na ang nag-iisa niyang kapatid na babae?

“Nabuntis po siya, siya po ang dahilan kaya ako pumasok sa PBB, hindi nakatapos kasi nabuntis ang ate ko.

“Pero nasa bahay na ng asawa niya ngayon nakatira ang kapatid ko.

“Ikakasal na po sila sabay binyag ng pamangkin ko, tito na po ako.”

Ano ang pagkakaiba ng kabataang lumaki sa pangangalaga ng pari na gaya niya?

“Madisiplina, may takot sa Diyos. Mapagbigay din po,” lahad niya.

FOR FAMILY. Marami na ngayon ang sumasalubong sa kanya sa Bauan, Batangas?

“Opo, sobra,” proud na sabi niya. “Sa family ko po, talagang masaya sila na nakikita nila akong dumarating sa amin.

“Pero hindi naman po maraming-marami na kalugar namin ang dumudumog sa akin.

“Feeling ko mga sawa na rin yung mga kababata ko doon kasi matagal ko na silang kasama.”

Since taga-Batangas siya, sinuportahan ba siya ng Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos noong nasa loob siya ng PBB?

“Opo, sinuportahan po niya ako, siya ang nagpagawa ng tarpaulin.

"Nandoon po yung picture niya at picture ko sa tarpaulin, pero hindi pa kami nagkikita.

"Buong Batangas po 'ata nagsuporta sa akin, e,” nakangiti niyang lahad.

Dagdag pa niya, “Nung sumali po ako sa PBB, ang intension ko po makuha yung price na P1 million.

“Noong nasa PBB na po ako, unti-unti akong nagkainteres na umarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkainteres po ako nung may mga pinapagawa na silang task sa amin.

“Kasi noong una po talaga ayaw kong mag-showbiz.”

GOING TO COLLEGE. Nakailang girlfriend na siya?

“Ah, tatlo po,” pag-amin niya. “First time po nung grade six ako, mga puppy love lang po yun.

“‘Tapos nung first year high school, yung huli po third year high school ako.

“Bale dapat first year college na ako kaya lang bumalik ako ng third year.

“‘Tapos nung bumalik ako nung third year, tumigil naman po ako.

“Pero ngayon nagti-take ako ng ALS [Alternative Learning School] para accelerated na.

“Ngayon, naipasa ko po yung test, top six pa ako, kaya pwede na akong mag-college.

“Inabot po kasi ako ng K-12, pero parang sa trabaho ko ngayon, kaya naman po. Ayaw kong maiwan ang pag-aaral ko.”

Anong course ang gusto niyang kunin?

“Business po. Next year na po ako mag-e-enroll, gusto ko po kasing mag-handle ng business, restaurant po para sa papa ko.”

May girlfriend ba siya ngayon?

“Wala po,” sagot niya. “Kawawa naman yung girlfriend ko kung sakali dahil sa schedule ko ngayon, walang time.”

FANS. May mga nagsasabi na malaki ang pagkakahawig niya sa mga aktor na sina John Lloyd Cruz at JM de Guzman. Sino ba ang favorite actors niya?

“Si Coco Martin at John Lloyd Cruz,” mabilis na sabi niya.

First show raw niya ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? paglabas niya sa PBB at kasama nga niya rito ang kasabayan niya sa Bahay ni Kuya na si Jane Oineza.

Ginagampanan ni Joshua ang role bilang si Joel na kababata ni Cecilia (Jane) at Bea (Loisa Andallo).

Nagkaroon ba sila ng relasyon ni Jane noong nagkasama sila sa PBB?

“Hindi po. Hindi po talaga,” paulit-ulit niyang tanggi. “Pero sa teleserye po namin type na type ko siya sa show namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman sila ni Loisa na pini-pair sa kanya as his screen partner sa show nila?

“Okey naman po, okey kaming lahat kasi magkakaibigan na kami sa show.”

May plano ba siya na lligawan si Loisa?

“Wala pa,” sabay ngisi niya. “Wala pa naman, focus muna sa work.

May pelikula na ba siya?

“Opo, yun po’ng Bloody Crayons, soon po. Malapit na rin po magsimula.

“Naghahanap lang ng tamang time para sa shooting ng movie, kasama ko rin po sa movie si Jane.”

May fans club ba sila ni Jane?

“Ah, meron na rin po, meron din po kay Loisa… yung Loishua at yung Joshane.

Masaya po ako na nandyan sila na nakasuporta sa akin at hindi nila ako iniiwan. Masaya po ako.”

Masaya raw sila na na-extend ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

“Season three na po kami, sobrang thankful ako kay Lord na humaba yung show namin at sa lahat nang nanonood sa teleserye namin,” tapos ni Joshua


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN