Mart Escudero: “Matagal nang 'di tumitibok ang puso ko.”

Mart Escudero on staying single, “Naging wise lang din ako kasi investment siya, e. Ayaw naman nating mag-invest nang wala namang mapapala.”

Mart is dressed as a girl in this photo for his character in Wattpad Presents: Pristine Academy.


Hindi na ba sanay si Mart Escudero sa pagpapakilig sa telebisyon?

Sa press conference ng pagbibidahan niyang TV5 Wattpad series, ang Pristine Academy, kahapon, August 7, nabanggit niya na mas nadalian siyang umarte bilang nagpapanggap na babae kaysa magpakilig.

“Alam mo kasi, matagal nang 'di tumitibok ang puso ko. Hindi na tayo sanay sa ganun,” natatawang sabi ni Mart.

Mabuti na lamang daw at si Yana Asistio ang kapareha niya sa week-long romantic series dahil mas napadali ang paggawa nila ng kilig scenes.

Anim taon na rin nang huling magkaroon ng karelasyon si Mart. At sa ngayon, hindi pa rin daw ito ang una sa kanyang mga priorities.

“Siyempre, choice ko 'yon kasi marami pa rin akong inaasikaso.

“Kapag nabawas-bawasan na, saka tayo ulit magdagdag ng responsibilidad,” sabi ng Kapatid actor.

Kung sakali ba ay may chance sila ni Yana, na umaming celebrity crush niya si Mart?

“Siyempre, hindi naman tayo magsalita nang tapos,” sagot ng binatang aktor.

“Hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari sa future.

“Ewan ko kung papayag ang mga magulang niya or ate niya sa akin. Kasi, close naman talaga kami ng mga Asistio.”

Si Yana ay isa sa mga dalagang anak ni Nadia Montenegro at nakababatang kapatid ni Ynna Asistio.

Ang pagsasama nina Mart at Yana para sa Wattpad Presents: Pristine Academy ay mapapanood ngayong linggo simula August 10 sa TV5.

FOR KEEPS. Bagamat walang karelasyon, inamin ni Mart na nakikipag-date naman siya paminsan-minsan.

“Siyempre, minsan lumalabas din tayo,” sabay ngiti si Mart.

Pero inulit niya na hindi pa siya seryoso sa pakikipagrelasyon, “Marami rin akong pinagkakabalahan din, e. Bukod sa trabaho, may school, may pamilya, at may hobbies din ako.”

Dagdag pa niya, “Kasi, parang gusto ko kapag pumasok ako sa relasyon, 'yon na ang huli, ituluy-tuloy na natin hanggang magkapamilya.

“Siyempre, nakakapagod din 'yong manliligaw, magbi-break, heartaches.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masakit, e. Joke lang, okey lang.”

Diin pa niya sa huli, “Kumabaga, naging wise lang din ako kasi investment siya, e. Ayaw naman nating mag-invest nang wala namang mapapala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN