Yaya Dub faints on her supposed first meeting with Alden Richards; AlDub becomes top trending topic worldwide

Hindi pa tamang panahon para magkita sina Yaya Dub at Alden Richards, matapos totoong himatayin si Yaya Dub (Maine Mendoza) sa "kasal" nila ni Frankie (Jose Manalo).


Tila hindi pa tamang panahon na pagtagpuin sina Alden Richards at Yaya Dub.

Hindi natuloy ang una sanang pagkikita nang personal nina Alden at Yaya Dub—o mas kilala sa bansag na AlDub loveteam—sa Eat Bulaga! ngayong hapon, August 8.

Ito ay matapos himatayin ni Maine Mendoza, ang gumaganap na Yaya Dub sa "KalyeSerye" ng Eat Bulaga!, sa "kasal" nila ni Frankie na ginagampanan ni Jose Manalo.

Inasahan ng AlDub followers na pipigilan ni Alden ang "kasal" nina Yaya Dub at Frankie, na ginanap sa isang covered court malapit sa Broadway Centrum, ang studio ng Eat Bulaga!

Habang nagaganap ang "kasal" ay makikitang sumugod si Alden at sumakay sa van upang puntahan si Yaya Dub at pigilan ang kasal nila ni Frankie.

Pero bago pa man siya makarating ay nakita sa screen na biglang bumagsak si Maine sa tabi ni Jose.

Ang akala ng marami sa manonood ay parte ng script ang pagkahimatay ni Yaya Dub, pero makikitang nagsilapitan na ang staff ng show at pinaypayan si Maine.

Sa isang punto nga ay tinawag ni Wally Bayola, bilang Lola Nidora, si Maine sa tunay nitong pangalan.

Ilang sandali pa ay inilabas na si Maine sa covered court sakay ng stretcher.

Nang dumating si Alden ay wala na si Yaya Dub/Maine.

Ngunit pinatunayan ng involved sa programa na "the show must go on" dahil itinuloy pa rin nina Alden, Jose, at Wally ang kuwento hanggang sa natapos ang show.

Hindi na rin ipinakita kung ano ang nangyari kay Yaya Dub.

Napag-alamang hindi pa man nagsisimula ang Eat Bulaga! ay masama na ang pakiramdam ni Maine, base na rin sa kanyang tweet kaninang umaga:

Woke up feeling extremely weak today.. Pati yung system ko nawalan ng gana sa ganap mamaya 😪

— Maine Mendoza (@mainedcm) August 8, 2015

Pagkaraan ng ilang oras ay nag-tweet siyang muli:

Hilo pa more

— Maine Mendoza (@mainedcm) August 8, 2015

Lalong nakumpirma na totoo ang pagkahimatay ni Maine nang mag-tweet ng ganito si Alden:

Akala ko eto na yung tamang panahon. Get well soon @mainedcm. 👋🏻😞

— Alden Richards (@aldenrichards02) August 8, 2015

Patunay na inabangan ng napakaraming manonood, sa loob at labas ng bansa, ang unang pagkikita sana nina Alden at Yaya Dub dahil naging No. 1 trending topic ang #AlDubWeBelongTogether nationwide at worldwide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At this writing ay mayroon nang more than 470,000 tweets ang #AlDubWeBelongTogether.

UPDATE: Ibinalita ni Alden sa live guest appearance niya sa Startalk ngayong hapon na maayos na ang kalagayan ni Maine matapos maisugod sa ospital.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN