Former action star Jeric Raval reveals he used to work for Senator Lito Lapid

Former action star Jeric Raval narrates his brief Senate stint with Senator Lito Lapid: "Nagtrabaho ako sa Senate, sa office ni Senator Lito Lapid. I'm one of his consultants. Sa social affairs ako, at sa public service. Matagal din ako, limang taon din akong nag-office."


Balik-action movie si Jeric Raval na halos labindalawang taon ding hindi gumawa ng pelikula.

Ito ay sa pamamagitan ng pelikulang Manila's Finest na dinirek ni William Mayo.

Ang pinakahuling pelikulang sinamahan niya ay ang Lapu-Lapu noong 2002, kunsaan kasama niya ang isa pang action superstar na si Senator Lito Lapid.

Kahit lumalabas siya sa telebisyon paminsan-minsan, ang Manila's Finest ang masasabing comeback movie niya talaga.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media ang action star, ipinagmalaki nga niya ang hudyat ng pagiging aktibo niyang muli sa paggawa ng movie, lalo na sa larangan ng aksyon.

Bungad ni Jeric, "Oo nga, e. Pa-guesting-guesting lang ako ngayon sa TV, sa movie, matagal talaga.

"Ang sabi ko nga sa kanila, I'm excited, at masaya ako na nakatapos kami ng isang pelikula, sa kabila na ang movie industry ay hindi ganun kasigla partikular na ng pelikulang aksiyon.

"Hopefully, tangkilikin ito ng manonood."

HOPEFUL FOR RESURGENCE OF MOVIE INDUSTRY. Nalulungkot nga raw siya sa tila paghihingalo ng movie industry, hindi lamang para sa sarili niya kundi maging para sa mga taong naapektuhan nito.

Aniya, "Ah, oo, hindi lamang para sa mga katulad naming nagli-lead, kundi yung mga nagtatrabaho sa likod ng kamera.

"Lalo na ang action films, ang daming nagtatrabaho diyan—stuntmen, character actors, mga extra.

"So ma-imagine mo, kung ilang daan ang nawalan ng trabaho, may mga pamilyang nagutom.

"Kaya sana nga maibalik ulit ang sigla sa ating ndustriya."

Dugtong pa niya, "Sa TV naman pasundut-sundot lang ang shows na may action.

"Mas madali kasing gawin ang drama, hindi mabusisi, at hindi pagod.

"Naniniwala pa rin kami na yung nga viewers ng pelikulang aksiyon ay nandiyan lang 'yan sa paligid.

"Naghihintay lang at 'yan ay mabubuhay din natin 'yan."

Walang kaso raw sa kanya kung ang ilang sikat na mga action star noon ay lumalabas sa telebisyon na kung hindi nagda-drama ay nagku-comedy na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIGHTING PIRACY. Ang dalawang halimbawa nga rito ay ang tinagurian noon na "Bad Boy of the Philippine Movies" na si Robin Padilla, at si Raymart Santiago.

Ayon kay Jeric, "Sa tingin ko, hindi naman dahil ayaw na nilang gumawa ng action, kundi wala talagang pelikulang action ngayon.

"Pero si Robin naman, naka-ilang action movies din siya nito lang, 'di ba?

"Walang gumagawang action movies ngayon, dahil unang-una ang kalaban mo diyan, ay ang pirata, 'di ba?

"Ito talaga ang kailangang masugpo, pero wala namang nangyayari.

"Sobrang efforts na ang ginagawa ng nasa gobyerno, pero kulang pa 'ata, e. Ang hirap talagang sugpuin ang utak nito.

"May mga nakukumpiska, pero ilang linggo pa lang, nasa bangketa na ulit ang mga 'yan."

CONTRACT WITH VIVA. Sa ngayon, masaya nga siya a itinatakbo ng kanyang movie career.

Binigyan siya ng pagkakataon ng Viva Artist Agency (VAA) na maging isa sa mga contract stars nito, kunsaan limang taon na managerial contract ang pinirmahan niya kamakailan.

Saad niya, "Oo, kaya nga, pasalamat ako kay Boss Vic [del Rosario].

"Binigyan niya ulit ako ng pag-asa sa career ko.

"Kasi noon, akala ko ay wala na, lalo na nang mag-boom ang telebisyon.

"Ayaw ko naman kasing magda-drama, kasi pakiramdam ko, hindi ako yun, hindi ko linya.

"Kaya kung may mag-u-offer sa akin, may haharang kaagad, sasabihin nila, 'Wag na si Jeric, hindi naman tatanggapin niyan.'''

SENATE WORK. Noong mga panahong hindi siya aktibo sa showbiz, ano ang pinagkaabalahan niya?

Pahayag ng action star, "Nagtrabaho ako sa Senate, sa office ni Senator Lito Lapid.

"I'm one of his consultants. Sa social affairs ako, at sa public service.

"Matagal din ako, limang taon din akong nag-office."

Paano nga pala siya naging malapit kay Senator Lapid?

Balik-tanaw niya, "Nun kasi, gumawa kami ng pelikula, yung Pistolero.

"'Pag walang shooting, o pagkatapos ng shooting, punta kami sa bahay niya sa Pampanga, dun kami naging close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, taga-Pampanga ako, 'di ba?

"Sa campaigns niya, lagi akong kasama, 'tapos may pagkakataon pa na 'pag 'di siya puwede, ako ang dumadalo sa ibang okasyon.

"Kaya yun, nung manalo siya, kinuha niya ako.

"Masaya, ibang klaseng experience din yun sa buhay ko—mula sa pagiging action star, hanggang sa Senate office, iba rin talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN