Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub says fainting incident not scripted; gives update on her condition

Maine Mendoza, more popularly known as Yaya Dub, gives an update on her condition after fainting incident: "None of it was scripted. I was immediately rushed to the hospital so I can have myself checked. But nothing to worry, they said it's all because of over fatigue."


Taliwas sa inaakala ng ilan, hindi scripted ang pagkawala ng malay ni Yaya Dub, o Maine Mendoza, sa Eat Bulaga! kanina, August 8.

Nasaksihan ng maraming manonood nang himatayin si Yaya Dub sa "kasal" nila ni Frankie (Jose Manalo) sa episode ng "Kalyeserye" nila kanina.

Dapat sana ay iyon ang magiging unang pagkikita nina Alden Richards at Yaya Dub—o mas kilala sa bansag na AlDub—ngunit hindi natuloy dahil sa biglang pagkahimatay ni Maine.

Read: Yaya Dub faints on her supposed first meeting with Alden Richards; AlDub becomes top trending topic worldwide

Marami nga ang nag-akala na scripted ang nasabing eksena, ngunit kinumpirma mismo ng mga taga-Eat Bulaga! na totoong nahimatay si Maine.

Kuwento pa nga ni Jose sa nangyari kay Maine, "Bumulong siya ng 'kuya.' Tapos humawak nang mahigpit... Yun na, nawalan na ng malay."

Pero ngayon ay maayos na ang kalagayan ni Maine.

Mensahe ng Eat Bulaga! sa kanilang Facebook page: "Para sa mga Dabarkads, ok na po ang kalagayan ni Yaya Dub.

"Dinala po siya kanina sa Cardinal Santos Medical Center.

"Wala po tayong dapat ipag alala. Konting pahinga lang po ang kailangan.

"Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at pagsuporta sa kanya. Maraming salamat sa mga nagmamahal sa AlDub."

ALIVE AND STILL KICKING. Nag-post din si Yaya Dub ng kanyang larawan sa Instagram habang nasa hospital, ngunit nakakatawa pa rin ang kanyang pose.

Bungad niya, "Alive and still kicking!"

Ipinaliwanag din ni Maine na masama na ang kanyang pakiramdam noong umaga pa lang.

Sabi pa niya, "We're too busy preparing for the segment that I forgot to take my meds.


"That's probably the reason why I passed out during our cue."


Giit ni Maine, "None of it was scripted.


"I was immediately rushed to the hospital so I can have myself checked.


"But nothing to worry, they said it's all because of over fatigue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Super appreciate all the love and concern from everyone! Rampa na ulit si Yaya Dub!"


Sabi pa ni Maine sa huli:


"Good news: Hindi natuloy ang kasal


"Bad news: Hindi pa din kami pinagtagpo..... ng tadhana 😟"

Samantala, nag-alala naman si Alden sa kalagayan ni Maine at nanghinayang na hindi natuloy ang unang pagkikita sana nila ni Yaya Dub.

Akala ko eto na yung tamang panahon. Get well soon @mainedcm. 👋🏻😞

— Alden Richards (@aldenrichards02) August 8, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN