Direk Mike Tuviera reveals how the AlDub phenomenon started: “It was all an accident.”

Direk Mike Tuviera recalls how the AlDub phenomenon started: “It was born from the moment that the staff found out that in real life, Yaya Dub has a crush on Alden. No one knew that. As a number one fan, I know the back story dahil nag-investigate talaga 'ko. You can see it in YouTube the first time it happened.”


Noong contract signing ni Alden Richards para sa APT Films na ginanap nitong nakaraang Huwebes, August 6, sa Victorino's Restaurant sa Quezon City, naikuwento ni Direk Mike Tuviera kung paano umusbong at tuluyan na ngang sumikat at nag-trending ang tinaguriang “hottest loveteam” sa kasalukuyan.

Ito ang tandem nina Alden Richards at ni Maine Mendoza, ang Internet sensation, Dubsmash Queen at pinakabagong miyembro ng Eat Bulaga na binansagan bilang Yaya Dub.

HOW IT ALL STARTED. Dahil sa dami ng followers nila sa social media, pati na rin ang milyun-milyong sumusubaybay sa telebisyon, masasabing “phenomenal” ang pagsikat ng AlDub loveteam.

Pero paano nga ba nagsimula ang lahat ng ito?

Ayon kay Direk Mike, wala raw silang ideya na ganito ang mangyayari.

Kuwento ng APT director, “Naikuwento lang sa akin ni Tatay [Eat Bulaga co-founder and APT boss Tony Tuviera] last Saturday, sabi niya sa akin, it’s been a while since they saw the size of the crowd outside Broadway Centrum.

“Palagi naman siyempre, of course, may fan base na ang Eat Bulaga. Palaging maraming tao.

“Unfortunately, not everyone in line can get into Broadway. So maraming nakapila ro'n.

“Kapag hindi nakapasok, unfortunately, uuwi na lang sila. Pero ngayon, walang umuuwi kasi hinihintay nilang tatakbo si Alden palabas.

“Ngayon, ang dami, batalyon ang nasa labas na hindi makapasok pero ayaw nilang umuwi. Paglabas ng mga producers, nakita nila na lahat daw, naka-placard na AlDub at Alden.

“Actually, sinumbong nga nila sa akin, they had to ask Alden who I think at that time was already finished with the segment.

“Sabi nila, 'Alden, can you please come out, kasi yung mga tao, walang umuwi, hinihintay nilang talaga. Pupuntahan nila si Yaya.'

“That specific day, walang planong lumabas si Alden but the producers asked very kindly, I think, pa-lunch na siya nun, e, 'tapos sabi, 'Alden puwede bang lumabas ka?' 'Tapos yun, naghiyawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, these are the kinds of things na hindi natin masyadong nakikita sa broadcast, e.

“Sabi nga, if you saw the guys in the studio sa Bulaga live when it happened, grabe, para siyang concert sa lakas ng hiyaw ng mga tao.

“Sayang nga kasi sa broadcast, hindi natin masyadong naririnig ang hiyawan ng mga tao but it’s really different when you’re there, lalo na kapag lahat ng mga tao nasa labas, we haven’t seen that for a long time. Grabe talaga.”

THE HAPPY ACCIDENT. Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi naniniwalang hindi pa nagkikita sina Alden at Maine.

Bukod sa si Alden mismo ang nagsasabi na ni dulo ng daliri ni Yaya Dub ay hindi pa niya nakikita, kuwento naman ni Direk Mike, marami raw “Lola Nidora” sa totoong buhay sa AlDub kaya hindi pa talaga nagkikita ang dalawa.

“On our side, in-terms of APT, Eat Bulaga, and TAPE, it was all an accident, really. Kami, we are really, really very thankful.

“Yung gratitude rin naman po na nararamdaman namin is overflowing.

“Kasi it was not planned. It was not planned at all.

“It was born from the moment that the staff found out that in real life, Yaya Dub had a crush on Alden. No one knew that.

“As a number one fan, I know the back story dahil nag-investigate talaga 'ko. You can see it in YouTube the first time it happened.

“Yaya already appeared, a few episodes already, so I asked, ano ba talaga ang nangyari behind the scene, they found out accidentally that Yaya in real life has a crush on Alden.

“Alden was already having lunch and he was done for the day kasi, nasa "Juan For All [All for One]" na.

“Noong nalaman nila yun, nilabas nila si Alden na kumakain, sabi niya, 'Sige po, sige po.' Nilagay nila si Alden sa front row, sabi nila, 'Diyan ka lang Alden, pa-guwapo ka, tingnan nga natin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Alden, yun na, nag-wave na siya. Nung in-insert na, tingnan nga natin ang reaksiyon, so that’s all. It was all an accident,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN