Willie Revillame doesn't see himself settling down: "Hindi ako ready, e.''

Willie Revillame reveals why he doesn't see himself getting married anytime soon: "Mahirap na kasing mag-asawa sa sitwasyon ko ngayon, 'di ba? At saka, magiging kawawa din naman ang magiging babae, e. Kasi parang magiging unfair sa kanya. Dapat kasi, 'pag nag-asawa ka, talagang reding-ready ka na, e. Hindi ako ready, e. Tumatanda ka na, e."


Hindi ipinagkaila ni Willie Revillame na mayroon pang kakulangan sa kanyang buhay na gusto niyang punuan sa kabila ng kanyang pagiging matagumpay sa materyal at pinansiyal na aspeto.

Sa presscon ng kanyang Sunday game show na Wowowin noong August 1 para ianunsiyo ang bagong timeslot nito na nasa 2:00-3:15 p.m. mula sa original timeslot na 3:50-5:00 p.m., naging bukas ang loob ng TV host sa usaping ito.

Bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa ilang miyembro ng entertainment press, "Siyempre, wala kang... yung tunay na pamilya mo.

"Wala yung pamilya sa buhay mo.

"Yung mga pinagdaanan ko, ako lang mag-isa sa kuwarto, ipinagdadasal na...yung mga ganung bagay.

"If you read yung last issue nitong Yes! Magazine, nandun lahat, e. Sinabi ko lahat dun, yung mga pinagdaanan ko.

"Yung emptiness, lahat naman tayo, 'di ba?

"Pero sobrang blessed ako, yung ipinagkaloob ng Diyos sa akin – lahat, halos lahat na."

HAPPY WITH MERYLL'S REGULAR VISITS. Masaya naman daw siya na sa kabila ng pagiging solo niya sa buhay ay nasa paligid lang ang kanyang anak na si Meryll Soriano.

Natutuwa siya na dinadalaw naman siya nito sa bahay niya sa Tagaytay, kung saan madalas siyang namamalagi ngayon.

Aniya, "Pinupuntahan naman niya ako dun, e.

"Siguro, pag tanda mo, yun na yun, e.

"Siyempre, naghihintay ng mana mo 'yan. Hahaha!

"Yun talaga, e," pabiro niyang hirit.

NO PLANS OF SETTLING DOWN? Kaya nga raw, kung si Meryll daw ang tatanungin, mas gusto pa nitong huwag nang mag-asawa ang kanyang ama.

Ano ang masasabi niya rito?

Sabi naman ng 54-year-old TV host, "Mahirap na kasing mag-asawa sa sitwasyon ko ngayon, 'di ba?

"At saka, magiging kawawa din naman ang babae, e.

"Kasi parang magiging unfair sa kanya.

"Dapat kasi, pag nag-asawa ka, talagang reding-ready ka na, e.

"Hindi ako ready, e. Tumatanda ka na, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO TO PRE-NUPTIAL AGREEMENT. Kung sakaling mag-asawa siyang muli, kinu-consider ba niya ang isang pre-nuptial agreement, na ginagawa ngayon ng ibang sikat na celebrities na nagpapakasal?

Mabilis niyang tugon, "Ah, hindi ko gagawin yun, masakit naman yun.

"Gustuhin mo, minahal kita, kung ano ang pagmamahal ko sa 'yo, dapat kung ano ang meron ako, sa iyo na rin.

"Parang... pinagdaanan ko 'yan, e.

"Napakasakit na ang hirap ng feelng na, 'Kasalanan ko ba na naging mahirap ako? Kasalanan ko ba na ipinanganak na mahirap ang mga magulang, pero totoong-tao naman ako sa 'yo?'

"Parang unfair yun, e.

"'Pag mag-asawa ako, e di kung ano ang meron ako, kasama siya."

Pero may bawi si Willie.

Aniya na nakatawa, "Depende sa babae.

"Nakita niyo na, ha? Depende.

"Kasi parang ang feeling ko, wala pa yun sa akin, e."

FINDING HAPPINESS IN PEOPLE. Ano nga ba ang kaligayahan para sa kanya? Ano ang puwedeng magpasaya pa sa kanya?

Balik-tanong ng TV host-comedian, "Ang happiness ko? Tao talaga, sobra.

"Dito sa Wowowin, makikita mo naman. Kahit sa past shows ko.

"Yung everyday na...yun ang pamilya ko, e. Totoo 'yan.

"Dun ako nagsasalita, dun ako nagagalit, parang dun ako nag-aano ng mga hinaing ko.

"Dun talaga ako naglalabas ng ano ko sa show, kung napapansin n'yo.

Yun nga ang masakit, hindi mo nakakasama ang tunay mong pamilya."

NOT YET READY FOR CHARITY ADVOCACIES. Dahil sa mga tao nga siya humuhugot ng kaligayahan, gustong malaman ng publiko kung may plano si Willie na magkaroon ng foundation o magtayo ng institusyon para sa mga ito, lalo na sa mga elderlies.

Aniya, "Sa ngayon, wala pa.

"Hindi pa masyado kong naiisip, kasi puwede ka namang tumulong na wala kang ganun, e.

"Kaya siguro ako pinagkalooban ng Diyos, kasi sila yung pamilya mo.

"Masaya ako, kas marami akong napapasaya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dun lang, buo na ako, buo na ang pagkatao ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN