Maryo J. delos Reyes on Ozu Ong murder investigation: “Wala pa ring lead.”

Maryo J. delos Reyes, manager of Masculados member Ozu Ong, gives an update about the ongoing murder investigation: “As of now, wala pa ring bunga ang imbestigasyon. So far, the investigation and sa police is being handled by the sister, the eldest sister—si Jane Ong at saka si Maan Ong, yung younger girl.”


Isang linggo pagkatapos na mabaril ang miyembro ng Masculados na si Ozu Ong sa harapan mismo ng kanilang subdivision sa Antipolo, inihatid na nga ito ngayong araw sa kanyang huling hantungan.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang manager ni Ozu at Masculados na si Direk Maryo J. delos Reyes sa taping ng Pari ‘Koy sa San Jose Del Monte, Bulacan noong August 5.

Ayon kay Direk Maryo, “As of now, wala pa ring lead, wala pa ring bunga ang imbestigasyon.

“So far, the investigation and sa police is being handled by the sister, the eldest sister—si Jane Ong at saka si Maan Ong, yung younger girl.”

Apat na bata raw ang naulila ni Ozu—dalawang kambal na anak nito sa unang girlfriend at yung dalawa sa ikalawa at present girlfriend nito na si Vasia San Luis na may two-year old at two-month old daughter.

Ano ang plano nila?

Sabi ni Direk Maryo, “Hindi ko alam. I think, may mga kaibigan si Ozu. They own a bar and they want to raise some funds at mag-show ang Masculados at ibibigay sa family, to the children para meron naman konting suporta para sa eskuwelahan, sa gatas.”

HEARING THE SAD NEWS. Sobrang sakit daw sa kanilang lahat ang sinapit na kamatayan ni Ozu.

Kuwento pa ni Direk, “Very, very painful. Nag-iiyakan nga kami noong Linggo doon sa opisina, e.

“Kasi nagkita-kita kami, na-shock kaming lahat. Magkakasama kami hanggang alas-tres, nag-show sa Timog.

“Tapos ako naman, bumalik na ko sa Taumbayan kunsaan nagse-celebrate si Dingdong (Dantes) ng birthday niya.

“Sila naman, umuwi na kasi pagod na rin, nag-rehearsal ng umaga hanggang sa mabalitaan ko, alas-onse na. Gusto ko pa ngang bumalik sa tulog, kaso sinagot ko ang tawag ni Geleen Eugenio.

“Sabi ni Geleen, 'Hindi mo ba alam? Si Ozu binaril, pinatay.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I was shocked. Then I saw all the texts na si Ozu, binaril siya. Nagtawagan na kami ng Masculados. Sabi ko, gather tayo sa opisina. Yung iba, hindi na nakatulog.

“Nag-gather kami sa opisina, nagdasal kami. Bago kami nagpunta run, siyempre, guidance muna sa taas and we went to the morgue.

“Ano siya, bukas... ino-autopsy, e.”

NO CLUE ABOUT MURDER MOTIVE. May mga lumalabas na impormasyon na posible raw na kilala ni Ozu ang pumatay sa kanya dahil bumaba siya sa sasakyan. May anggulo rin na maaaring dahil din daw sa networking.

Sabi ni Direk Maryo, “Hindi ko alam. Hindi ko rin naman inaalis yung posibilidad na baka kakilala kasi. Bumaba siya, e.

“Bakit siya bumaba? Kasi palagi naman niyang sinasabi na ‘Wag kayong bababa kapag merong ganun.' Siya yung palaging nag-aano sa ibang Masculados.

“And then, meron daw sumusunod sa kanyang red car. Hinatid niya yung mga kaibigan niya galing sa bar kunsaan sila nag-perform. Binaba niya sa Robinsons sa Antipolo. Then, siya nang mag-isa papunta sa bahay.

“It was just in front of the subdivision. Narinig na lang nila merong baril. Nakita nilang umalis na raw yung sasakyan at merong car nga raw na nakasunod.

“Hindi makita ang sasakyan, kasama ang cellphone niya.”

Nagkataon daw na hindi na rin sakop ng CCTV ng lugar ang pinangyarihan ng krimen.

Ayon pa kay Direk, “Very private naman siya. Ni hindi ko nga alam na nanganak ang misis niya lately, hindi ko alam kasi.

“'Yang mga 'yan, itatago nila sa akin dahil ayaw nilang, siyempre, kukuwestuyunin, 'Sino ang babae mo na naman?'

“Siyempre ang prerequisite, walang babae na kasama sa rehearsal, sa show. That is a policy. Kung hindi, suspension ‘yan.

“Kasi if one does it, the rest will do it.”

Anim na taon din daw si Ozu na miyembro ng Masculados.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon pa lang naman daw na may nangyaring ganitong kalunos-lunos na krimen sa Masculados.

Sabi nga ni Direk, “Ang Masculados naman very disiplinado 'yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN