Lovi Poe on future with Rocco Nacino: “Whether he’s for a season, a reason or a lifetime, it doesn’t matter, as long as he’s part of my life.”

Lovi Poe on what makes her relationship with Rocco Nacino special: “I think, we started as friends and we’re very supportive with each other. Never kaming napunta sa point na sinasakal namin ang isa’t isa. We lift each other up. I want him to grow. He wants me to grow even as an individual, not necessarily as a couple.”


Boyfriend ni Lovi Poe sa totoong buhay si Rocco Nacino, pero sa kanilang bagong GMA primetime series na Beautiful Strangers, ang kapareha ng aktor ay si Heart Evangelista.

May kissing scenes pa nga rito sina Rocco at Heart.

Natawa naman si Lovi nang tanungin kung talaga nga bang walang ilangan sa kanilang tatlo.

“What are friends for? Caring and sharing!” natatawang sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dugtong pa ni Lovi, “Sabi ko pa nga kay Rocco, 'O, babes, go for it! That’s Heart Evangelista you’re kissing.'

“So, ako pa ang na-excite for him. Kasi siyempre, ‘di ba?

"Tingnan mo si Ben [Benjamin Alves, their co-star], inggit na inggit, kasi hindi niya maki-kiss si Heart Evangelista rito kasi kapatid [ang role niya].”

Si Heart, hindi ba nailang kay Lovi, o si Rocco mismo?

“Hindi,” nakangiting sabi ni Lovi.

“Pagdating nila [tinanong ko], 'O, kumusta ang kissing scene n'yo?'

“'Hayun, nag-kiss kami.'

"Tawa nang tawa si Heart kasi hindi niya raw kaya.

"Tawa raw sila nang tawa ng few takes until, eventually, nagawa na nila."

STILL ENJOYING SINGLE LIFE. Ngayon ay happily married na si Heart kay Senator Chiz Escudero.

Wala bang nararamdamang inggit si Lovi sa kaibigan sa aspetong yun?

“No naman, I’m enjoying being single. Nandun pa rin naman ako sa chapter na yun ng life,” paglilinaw niya.

Ngayon lang talaga naging bukas si Lovi sa publiko pagdating sa relasyon niya, na palagi pa silang magkasama ni Rocco.

Pero ano sa tingin ni Lovi ang mayroon sila ni Rocco kaya nagtatagal at matatag ang relasyon nila?

Pag-aanalisa ni Lovi, “I think, we started as friends and we’re very supportive with each other.

"Never kaming napunta sa point na sinasakal namin ang isa’t isa.

“Parang it’s something na ayaw naming dalawa. We lift each other up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, may mga relationship na ayaw mong paangatin yung isa, kailangan dito lang tayo together, stuff like that.

“I want him to grow. He wants me to grow even as individual, not necessarily as a couple.”


FEELING SECURE WITH ROCCO. Nagseselos din ba sila sa isa’t isa?

“Wala, e, more on tawanan, parang joke time.

"Siya nagloloko-loko lang, pero ako hindi. Hindi na ako selosa.

“Dati noong bata ako, crazy! Noong younger days.

"Pero ngayon, dedma. I don’t care," sabi ni Lovi.

Bakit may kasabihan na kapag hindi nagseselos, hindi raw masyadong mahal?

Naniniwala siya rito?

Sagot ni Lovi, “Hindi, I just believe na you’re just as good as how you trust your partner.

"Siguro si Rocco kasi, he’s showing me na there’s nothing to be jealous about, and that’s good about him.

“Ganun naman talaga ang gusto ng mga babae sa lalaki, hindi tayo pinapaselos.

"Dapat sila ang magselos dahil inaalagaan tayo."

Nakikita na ba niya sa future na si Rocco ang makakasama niya?

Ani Lovi, I don’t know... we don’t know.

"But whether we end up together or not, naging malaking impact siya sa life ko and that’s what important."

Napag-uusapan naman daw nila ni Rocco ang lahat ng posibilidad pagdating sa relasyon nila ngayon.

“Well, you know, ako, I always think about this when I’m with someone...

“Whether he’s for a season, a reason or a lifetime, it doesn’t matter, as long as he’s part of my life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN