Willie Revillame reveals his most fervent wish: “Basta ako, ang sa akin, ang kayamanan ko, gusto ko...yung araw-araw akong nakakapagbigay ng saya.”

Willie Revillame shares what matters most to him: “Wala na akong ibang gusto, daily show lang talaga. Para tuluy-tuloy na ang saya. Ang happiness ko lang, paglabas ko sa studio, makita ko lang na masaya lahat, nakapagbigay ka ng tulong.”


May mga nagkomento agad nang negatibo nang mabalitang mawawala na ang Wowowin pagkatapos ng ilang buwan pa lang halos mula noong umere ito noong Mayo sa Kapuso network.

Nandiyang may nagsabi na hindi rin siya magtatagal, at wala na nga raw si Willie Revillame.

Pero lahat ng nagpauna ng mga negatibong komento ay napatunayang mali dahil ngayong araw na ito, August 9, ang pilot episode ng Wowowin sa bago nitong time-slot na 2:00-3:15 p.m., mula sa original timeslot na 3:50-5:00 p.m.

Pagkatapos ng bagong Sunday comedy-musical variety show na Sunday PinaSaya, mapapanood na muli ang Wowowin sa GMA-7.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Willie kung ano ang nararamdaman niya tungkol sa mga kritismo na lumabas sa pag-aakalang tuluyang pagkawala ng Wowowin.

“Hindi ako apektado sa ganun, e,” saad ni Willie sa ginanap na presscon ng Wowowin sa 17th Floor ng GMA-7 noong August 5.

Ayon pa kay Willie, “Unang-una, ang cellphone ko, walang Instagram, walang internet. Hindi ako nagbabasa.

“Ako, ang sinasabi ko sa kanila, ang nilalagay ko sa isip ko, ayoko ng may negative sa buhay.

“Magpasalamat tayo sa Diyos na buhay tayong lahat, nakakakain tayo ng masarap.

“Even then, walang nakasimangot, nagtatrabaho tayo, nagpapasaya tayo. Tapos makikita ko silang nakasimangot, naapektuhan ako.

“Kaya minsan, humihingi ako ng pasensiya sa inyo kung nakikita niyo 'ko sa TV na nagagalit.

“You have to understand, nanggaling ako sa mga pagsubok, stampede, pinagdaanan ko lahat 'yan.

“Kunwari, isa kang staff, nagtatrabaho ka sa noontime show for twenty years, magkakamali ka pa ba?

“Kaya inaaral naming mabuti. Naiintindihan nila, minsan nakakapagmura ko.

“I’ll be honest, nakakapagmura ka, nagagalit ka. Kasi ginawa na natin ‘to kagabi, nagkakamali pa kayo?

“Ibig sabihin, hindi n'yo minamahal ang trabaho n'yo. Bakit ako, hindi ba ako ang nag-iisip, ako lahat, ako nasa TV, pati ba naman paglinis ng kubeta, ako pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Totoo 'yan. Gusto ko, pagpasok ng mga tao rito, V.I.P. silang lahat. Ayoko nang magagalit ang mga guwardiya, bisita ko ‘yan. Treat them as my visitors.

“Yun ang sinasabi nga... actually, itong mga dancers, Wowowee pa lang, nandiyan na ang iba riyan.

“Solid sila, fifteen, sixteen years old pa lang ang iba diyan noon. Magkano lang ang kinikita ng mga ‘yan dati, P400? Hanggang ngayon nandiyan pa rin sila.

“Sumikat na ang iba riyan, si Luningning, Mariposa. Congrats, nagkapangalan sila. Kaya sa opening namin, sinama ko rin sina Luningning at Mariposa, parang reunion.”

NOT KEEN ON SOCIAL MEDIA PRESENCE. Tinanong pa rin namin si Willie kung wala ba siyang planong magkaroon din ng social media accounts na siyang “in thing” ngayon, lalo na sa mga celebrities gaya niya.

Sabi niya, “Wala... hindi ako nagbabasa ng negative at saka, bawal akong i-text ng negative.

“Kasi, kung hindi rin lang naman maganda ang sasabihin o ite-text n'yo sa akin, huwag n'yo ng sabihin sa akin.

“Sa mga 'yan, sabi ko, hindi ko kayo ibibili ng bag, hindi ko kayo bibigyan ng bonus.

“Kabibili ko lang ng bag sa mga 'yan. Kasi gusto ko, nakikita ko kasi silang hardworking, so binibigyan ko sila ng incentives.”

Hindi niya nararamdaman yung tipong kailangan niyang updated din pagdating sa social media?

“E, ang hirap naman kung ang babasahin mo puro pagkukutya sa yo, ‘di ba? Bakit pa ko magbabasa?

“Mas masarap basahin yung maganda ang nababasa mo, nai-inspire ka, wala ka namang ginagawang masama.

“Ako, ang feeling ko, paglabas ko ng bahay, gusto ko mas marami akong kaibigan kesa maging kaaway.

“Yun ang ano ko ngayon, tama na... matanda ka na, binigay na sa yo ng Diyos ang gusto mo, makikipag-away ka pa ba? Heto na, e. Binigay na sa yo ang lahat, magpasaya ka na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHARING HIS INVESTMENTS. Pagdating sa kayamanan, walang duda na napakayaman na nga ni Willie.

Pero sa kabila ng lahat ng meron siya ngayon, may “emptiness” pa rin ba siyang nararamdaman?

“Wala namang perpekto sa buhay,” lahad niya.

“Palaging may kulang. Pero masaya ko because I’m so blessed. Mahirap yung wala na na ngang nagmamahal sa 'yo, wala ka pang na-invest, wala ka pang pera.

“Basta ako, ang sa akin, ang kayamanan ko, gusto ko yung programa. Yung daily show, yung araw-araw akong nakakapagbigay ng saya.

“Lahat naman ng investment ko, galing ‘yan sa programa, utang ko sa ABS. Yang mall na 'yan, nabili ko dahil sa ABS.

“I’ll be honest, nagwa-Wowowee ako noon, sobra akong nag-invest.

“After nun, TV5, nag-invest din ako sa TV5. Binigyan din ako ni M.V.P. (Manny V. Pangilinan) ng pagkakataon sa buhay. Nakabili ako ng eroplano, yang mga hotel na 'yan.

“Dito (GMA 7), wala pa akong nabibili kasi, lugi pa,” natawa niyang sabi.

Baka naman maubos?

“Hindi mauubos dito kasi alam ko, one day, kapag nag-daily show na, tuluy-tuloy na. Yung kinikita naman ng programa, binibigay rin naman, sine-share rin, hindi naman pinagdaramot.

“Kung anuman ang naipon ko, puwede kong ibalik sa mga nagmalasakit sa akin.

“Kapag wala ka na rito, lahat ng kayamanan mo na 'yan, wala na 'yan.

“Sinong maiiwan, mga anak mo? Kapag hindi na kayang i-maintain, ibebenta rin ‘yan. Kaya ako, hangga’t kaya kong maituloy ang programa, I’ll do that.”

SIMPLE WISH. Sabi nga, lahat gusto kapag nasa itaas ang tao. Kapag nasa baba na, kadalasan, nawawala ang mga kasama sa itaas.

May takot din ba si Willlie sa bagay na yun, sa kabila ng lahat ng lahat na naipon niya at napakaraming investment?

“Wala na akong ibang gusto, daily show lang talaga. Para tuluy-tuloy na ang saya. Hindi ko naman sinasabi sa GMA, kung wala talagang timeslot, wala tayong magagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yun lang talaga ang hinihiling ko, a TV show everyday na makapagbigay ng saya.

“Ang happiness ko lang, paglabas ko sa studio, makita ko lang na masaya lahat, nakapagbigay ka ng tulong.

“Pag-uwi mo, ang sarap ng tulog dahil nakapagpasaya ka. Fulfillment. Iba talaga kapag nakapagpasaya ka.”

NEVER DISCOURAGED. Ano ang naglalaro sa isipan ni Willie nang mawawala muna ang Wowowin at bago ialok ng GMA-7 ang timeslot sa kanya pagkatapos ng Sunday PinaSaya?

Naisip ba niyang magpahinga muna or lumipat ng ibang network?

“Ah, hindi ko naisip yun. Kakausapin ko ang mga staff ko, bibigyan ko na sila ng separation sa akin na mag-move-on na kayo at ako naman, magku-concentrate na ko sa five-star hotel ko sa Tagaytay.

“For the past weeks, nandun ako talaga.

“Ako nag-arkitekto, nag-asikaso kasi, bumili ko ng almost five hectares na kitang-kita na ang Taal Volcano, napakaganda ng lugar na yun, doon muna ko talaga kung talagang wala, e.

“But then, Joey Abacan (GMA Network's Vice President for Program Management) called me nga. Ang ganda ng opening niya, e, very positive. Sabi niya, 'Hindi mo kami iiwan at ayaw naming iwanan mo kami. Gusto namin dito ka.'

“Nag-iba na naman ang isip ko. Ginanahan ako. Kasi, I’ll be honest, noong nagti-three-thirty ako, hindi ako nag-iisip ng idea. Gumagastos ako ng milyun-milyon, wala, tamad talaga 'ko.

“Pero ngayon, very strict ako sa kanila sa rehearsal. One minute late, pinapauwi ko na. Kasi, gusto kong mag-concentrate, maibalik ang dati at pati pagmamahal ng tao sa Wowowee.

“At binago ko na rin yung games. Mas madaling manalo ng jackpot. Lahat inayos ko, pati sayaw nila, lahat. Sabi ko nga, pati pabango sa C.R. pinapakialaman ko, toilet paper. Lahat ngayon, gusto ko maayos.

“Palagi kong sinasabi sa kanila, gusto ko professional. The word is professionalism. Pero kung hindi ako tinawagan, yun na talaga ang balak ko, doon na lang muna ko sa Tagaytay, sa hotel. Kasi, nag-eenjoy naman ako, mag-isa ko, masaya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SCOUTING FOR BIGGER STUDIO. Sa isang banda, kung sakali at magiging daily show na rin daw ang Wowowin, pinaghahandaan na rin ito ni Willie sa paghahanap ng mas malaking studio.

Sa ngayon kasi, maliit ang ginagamit nila kung ang pagbabasehan ay ang mga taong gusto talagang makapasok, makapaglaro at manood.

Ayon kay Willie, “I think ang capacity namin, almost 600, ginagawan nila. Siguro in the future. Actually, naghahanap na sila, yung studio na kumportable ang mga tao.

“Alam n'yo, bago ako mag-show, dumadaan ako, may mga truck doon, I think galing ng ibang lugar. Kaya dapat talaga yung kumportable sila.

“Well, actually, nagpapahanap na ako ng studio na mas malaki especially kung magiging daily show 'to.”

Sabi nga namin, dati may mga natutulog na talaga sa labas ng studio para makapasok.

“Oo, dati ganun ang nangyayari, lalo na kung galing sa malayong lugar. At saka, napapansin ko, nag-aambag-ambagan sila, tigpa-five hundred each kaya binibigyan ko ng pera.

“The fact na magbigay ka ng five hundred, tapos rerentahan mo ang van, bibigyan ko ng ten, twenty thousand, nakakatulong yun kahit paano.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN