Jaya says mom Elizabeth Ramsey's medical condition now stable after three-hour seizure

Jaya posted an update on Facebook regarding her mom Elizabeth Ramsey's medical condition: “Mama Beth Ramsey did NOT have a stroke. Instead, (she had) a seizure due to diabetes/hyperglycemia. She is moving and is recovering fast and communicates constantly.”


Nagkuwento na ang Soul Diva na si Jaya tungkol sa nangyari sa kanyang ina, ang veteran singer and comedienne na si Elizabeth Ramsey.

Taliwas sa naunang balita na inatake ng stroke ang beteranang singer/comedienne, inatake pala ito ng hyperglycemia o ang pagtaas ng glucose sa dugo na naging dahilan ng pagkakaroon ni Mama Beth ng seizure noong August 6.

Read: Veteran singer-comedienne Elizabeth Ramsey suffers stroke; daughter Jaya asks for prayers

Itinakbo agad si Elizabeth sa Philippine Heart Center at inilagay sa Intensive Care Unit (ICU).

Ayon sa interview kay Jaya sa 24 Oras Weekend, tatlong oras daw na nag-seizure ang kanyang 83-year old na ina.

“Imaginin mo na ganyan ka, half of your body, including your head, maano ang oxygen mo… made-deplete 'yan.

“Kaya nakalaan kami doon sa pagtigil nito… malamang 'di siya magising o 'di na siya huminga.

“Kasi pagod ka, e. Imagine three hours kang nagsi-seizure.”

PREPARED FOR EVENTUALITY. Inamin ng singer na muntik na raw siyang mawalan ng pag-asa dahil sa nakita niyang paghihirap ng kanyang pinakamamahal na ina.

“Akala ko nga, su-surrender na ako, magbe-breakdown o magagalit ako sa Diyos.

“But I am so prepared for this,” diin pa niya.

THANKFUL. Unti-unting tumigil ang seizure ng ina pagkatapos pinost ni Jaya sa kanyang Facebook account na humihingi siya ng dasal para sa ikabubuti ng kalagayan ni Elizabeth.

“I heartfully thank everyone.

“So umpisahan natin doon dahil na-overwhelm talaga kami,” ngiti pa ni Jaya.

STAYING WITH JAYA. Dahil nasa stable na kalagayan na si Elizabeth, ilalabas na raw ito sa ICU. Pero mananatili pa rin ito sa ospital para maobserbahan ang kalagayan nito.

Kapag okey na raw na ilabas ng ospital ang singer-comedienne, kay Jaya na raw ito titira para mas matutukan ng anak ang kalusugan ng ina.

“I will make sure she is loved.

“Basta dito na siya sa akin titira,” paniguro pa ni Jaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEIZURE, NOT STROKE. Sa latest post ni Jaya sa Facebook, nilinaw niya na hindi na-stroke ang kanyang ina at nakakakilos at nakakapagsalita na raw ito.

“Praise God for His mercy. Mama Beth Ramsey did NOT have a stroke. Instead a seizure due to diabetes/hyperglycemia. She is moving and is recovering fast and communicates constantly. AYAW NA RAW NYA SA OSPITAL!!! Thank you all very much for all the prayers. God bless you Mama and all of you who sent love and hugs!!! We love all of you!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN