Aiko Melendez in conflict with brother Jam over his drug addiction: "I’m for rehab, pero ang gusto lang nilang mangyari is bigyan ko ng money."

Aiko Melendez is thankful to be getting calls every day about acting projects. She says, “Parang it’s a new chance for me to make things better... God is really good, super good to me."


Aminado si Aiko Melendez na mabigat sa kalooban niya ang nangyayari ngayon sa kanyang half-brother na si Jam Melendez.

Sina Aiko at Jam ay magkapatid sa ama; ang kanilang ama ay ang yumaong aktor na si Jimi Melendez.

Lulong sa droga si Jam at ayon kay Aiko, grabe na ang sitwasyon nito dahil umabot na sa puntong sinasaktan ni Jam ang sarili nitong ina na si Deborah Sun.

Kuwento ni Aiko, “Nang namatay ang tatay namin, I took the responsibility of taking care of Jam.

"I love my brother... kahit half-brother ko iyan, kapatid is kapatid.

"Pero hindi ko matutulungan ang isang taong ayaw tulungan ang sarili niya.

“Ako, I’m for rehab, pero ang gusto lang nilang mangyari is bigyan ko ng money.

“There was a time I gave Jam money, what he did was he bought drugs.

“Ang ginawa ko, binago ko ang style ko, pinadalhan ko ng grocery, ibinenta yung grocery.

“So, saan ko ngayon ilalagay ang sarili ko?”

Pagpapatuloy ng aktres, “Ngayon, my brother thinks na wala akong kuwentang kapatid.

“Wala bang kuwentang kapatid iyong isipin na gusto kong i-rehab ang kapatid ko?

"Ang gusto kong solusyon is long-term, hindi iyong panandalian lang.

“Ang gusto nila, dalhin ko sila sa Bicutan, e, hindi iyon yung rehab na naniniwala ako na makakabuti sa kanya.

“Ang gusto kong rehab ay iyong malayung-malayo, yung wala na siyang kakilala para paglabas niya, e, di matino siya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa launching ng pelikulang Balatkayo (An OFW Story) ng BG Productions International, na ginanap sa New Horizon Hotel, Mandaluyong City, noong Linggo, August 9.


NOT HIMSELF. Nabanggit din ni Aiko ang concern niya sa pananakit ni Jam sa sarili nitong ina.

“My brother is not really good now, he’s not really sane for him to hurt his mom like that, physically. I feel bad for Tita Deborah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I hope Tita Deborah would understand na may anak din ako, kailangan ko ring mabuhay.

“Paano kung saktan din ako ng kapatid ko, kanino naman aasa iyong dalawang anak ko?”

Ganun na kalala na nananakit na si Jam?

“Yes, two weeks ago, nakita ko si Gorgy Rula [PEP contributor] at sinabi niya na ganito ang sitwasyon.”

Idinagdag pa ni Aiko na hindi ito ang unang beses na sinaktan ni Jam ang sarili nitong ina.

“I was told before na sinakal niya ang mommy niya, sinapak niya ang mukha, I got alarmed.

“The second time, I was told by Gorgy na ganoon din so, siyempre, bilang tao, haharap pa ba kayo?

"Iyong nanay nga niya na ganoon niya, e, ako, kapatid lang.”

Matagal na raw niyang alam na nagda-drugs ang kapatid.

Lahad ni Aiko, “Kaya nga there was a time na tinuruan ko ng leksiyon iyan, e.

"Sabi ko, ‘Hindi kita susuportahan kasi drugs iyan, e.’

“Susuportahan ko siya kapag sinabi niya sa akin na, ‘Ate, gusto kong mag-sports.’

“Puwede iyan, ipangungutang ko iyan, promise, kapatid ko iyan.

"Pero iyong bibigyan kita ng pera na ako rin naman may sariling pamilya at gagamitin mo lang iyan sa droga, hindi ko kaya iyon.”

Binigyan-diin pa ni Aiko na nag-aalala siya dahil maraming insidente ngayon ng krimen na ang pinag-ugatan ay droga.

“That’s exactly my point, many times I bailed out my brother.

“Nang nagpaputok siya [ng baril] sa Las Piñas, nakulong siya at ako ang nag-bail out sa kanya.

“Madami na, e, na kailangan niya ng pera, I’m there only to find out na nakikipag-away siya at binibili niya ng droga…

“Gusto ko siyang turuan ng leksiyon na hindi lahat ng tulong ay kailangan ng pera.

“Sana ay maintindihan din ni Jam na ipinagdadasal ko siya, na sana maintindihan din niya na ang gusto ko ay rehab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Rehab sa lugar na walang koneksiyon-koneksiyon.”


UNFAIR. Nasaktan daw si Aiko sa usap-usapang pinabayaan niya ang kanyang kapatid.

“Nakakasakit, alam kasi ng mga tao iyon, I did the best that I know na yun yung best para sa akin sa paningin ko.

“Kung sa ibang tao at sa pananaw niya ay hindi iyon ang best at ‘di niya naa-appreciate, wala akong magagawa.

“Lagi niyang minamasama yung gusto kong gawing maganda para sa kanya.

“Ang ikinasasama pa ng loob ko, lagi lang nila akong naaalala kapag worst na yung scenario.

“Na parang, bakit noong mga happy days ninyo, iyong may mga magagandang nangyayari sa inyo, bakit hindi ninyo ako balitaan? ‘Ate, ang ganda ng nangyari sa akin, huminto na ako sa pag-inom.’

“Naaalala lang nila ako kung kailan worst na, yung wala akong magawa, helpless ako.

"Parang unfair naman," himutok pa niya.

Sa tingin ni Aiko, bakit nagkaganun ang kapatid niya?

Saad niya, “Feeling ko, ako, I came from a broken family.

“My brother has always been complaining na hindi niya nakasama nang matagal ang tatay ko.

“Ako rin naman, e, pero choice mong pagandahin o papangitin ang buhay mo.

“So, I will not resort to drugs, I never resorted to drugs.

“I do not buy his excuse na malungkot siya kaya siya nagda-drugs, maraming paraan iyan, e.

“Ako malungkot ako, nagdasal ako, kaya matibay ako ngayon.

“Hindi niya makuha yung logic ko na iyon, na feeling niya ay isa akong kontrabida sa buhay niya.

"So, paano ko tutulungan ang isang tao na ang tingin sa akin ay masama?

“Sana, he comes out… you know, I only hope for the best.

“As a sister, as an older sister to him, who wouldn’t want the best for your brother, hindi ba?

“So, lagi kong ipinagpe-pray iyan. Ipinagdadasal ko iyan nang sobra.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN