Tessie Tomas on 'defocused' young stars: “Some of them don’t even study their lines... lagi na lang hawak yung mga laptop nila."

Tessie Tomas is enjoying her villainous character in Buena Familia, "Kasi mayaman ako dito… ang gaganda ng mga damit, ang sarap," and makes a joke out of it, "Parang masarap ding mang-api.”


Pangatlong pagkokontrabida na ng veteran actress-comedienne na si Tessie Tomas ang papel niya bilang Alicia Agravante sa Buena Familia.

Dito ay kasama niya ang young stars na sina Kylie Padilla bilang si Celine Buena; Martin del Rosario bilang si Harry; Julian Trono bilang si Edwin Buena; Jake Vargas bilang si Kevin Acosta; at Julie Ann San Jose bilang si Darling Buena.

Sa tagal na ni Tessie sa showbiz, ano ang maikokomento niya tungkol sa mga kabataang artista ngayon?

Aniya, “Ano naman sila, siyempre ano... ibang-iba na sila sa amin, ‘di ba?

“Parang with the advent of social media, lagi na lang hawak yung mga laptop nila, ganun.”

Pero pinuri naman niya ang co-star na si Kylie.

“I’m very impressed with her acting.

“‘Pag sinabing ‘Lights, camera, action,’ bago pa kunyari kailangan siyang umiyak, nangingilid na yung luha niya.

“Ano siya, organic actress, nakaka-prepare siya kaagad for the emosyon, which is like Eula Valdes, parang mga ganyan.

“Maganda, malalim ang hinuhugot niya… malalim ang pinagkakahugutan.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga kabataang artista na tila hindi passion ang pag-arte?

Saad ni Tessie, “Hindi ko na lang sasabihin... ang term ko siguro dun, defocused.

"Their heart is not in their job, some of them, not all.

“Some of them don’t even study their lines or parang dun na lang.

“Tapos half of the time, they’re on the computer or cellphone, parang ganun.”

Mayroon din bang hindi marunong bumati o magbigay-galang sa veteran stars?

“Hindi ko ‘yan na-experience, hindi, all of them are very respectful sa kahit anong channel, so far,” sabi ni Tessie.


KONTRABIDA. Ano ang naramdaman ng beteranang aktres nang nalaman niyang kontrabida ang kanyang papel sa Buena Familia?

“Ninerbiyos, nung una parang ayaw ko,” pakli niya.

Ninenerbiyos pa ba siya sa ganitong klase ng papel?

“Oo naman, pag hindi ka ninenerbiyos, hindi ka magaling umarte, kailangang may nakakapagpa-excite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mahirap kasi sa kontrabida, yung maging de-kahon ang acting.

“Siguro I just need to see more of the mga kontrabida, maski foreign films, na parang pailalim.

“Yung underacting, pero nakakamuhi.

"Iyon ang mahirap sa kontrabida roles, sa tingin ko lang."

Ano ang mas gusto niyang papel, mabait o salbahe?

“Ngayon, mas gusto ko na ito kasi mayaman ako dito [sa Buena Familia]… ang gaganda ng mga damit, ang sarap!” tawa niya.

Inaapi o nang-aapi?

“Parang masarap ding mang-api.”

Sa Buena Familia raw ay nakatikim na ng pang-aapi niya sina Bobby Andrews bilang si Arthur Buena at Angelu de Leon bilang si Bettina Buena.

“Si Angelu mahirap lang kaeksena kasi bungisngis!

“Konting patawa mo lang on the side, after an eksena or before an eksena para mag-relaks… tawang-tawa na siya kaagad.

“Paminsan natawa siya in the middle, na- cut,” nakangiting kuwento niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN