Pregnant Mariel Rodriguez denies she went through in vitro; advised by doctor to take complete bed rest

Mariel Rodriguez on being pregnant with triplets: “I seriously can’t believe it. Oh my gosh!!! Because we didn’t do IVF… We didn’t take special medicine to produce more eggs… It’s all GOD’s gift!!!! I’m so happy!!!!!”


Pinabulaanan ni Mariel Rodriguez ang espekulasyong nagdalantao siya matapos sumailalim sa in vitro fertilization (IVF).

Noong Lunes, August 3, unang inihayag ng mister ni Mariel na si Robin Padilla ang tungkol sa posibilidad na triplets ang ipinagbubuntis ng TV5 host.

Dito ay nabanggit din ng celebrity couple na balak nilang pangalanang Juan, Maria, at Gabriella ang tatlo nilang magiging anak.

READ: Robin Padilla updates on Mariel Rodriguez's pregnancy; triplets on the way?


NATURAL CONCEPCION, NOT IN VITRO. Sa comments thread ng Instagram post ni Robin, may ilang fans ang nagtanong kung sumailalim ng IVF si Mariel sa loob ng mahigit isang buwan nilang pagbabakasyon sa Spain.

Ngunit binigyang-linaw mismo ni Mariel na hindi siya sumailalim sa anumang medical procedure upang mabiyayaan sila ng anak.

“No, this is not IVF,” sagot ni Mariel sa mga nagtatanong na Instagram followers ni Robin.

Sabi pa ng TV5 host sa isang hiwalay niyang sagot sa fans, “I seriously can’t believe it. Oh my gosh!!!

“Because we didn’t do IVF… We didn’t take special medicine to produce more eggs…

“It’s all GOD’s gift!!!! I’m so happy!!!!!”

“FIGHTING FOR SURVIVAL.” Samantala, muling hiniling ni Robin sa kanyang Instagram followers na patuloy na ipagdasal ang pagbubuntis ng kanyang misis na si Mariel.

Lalo pa’t tila kritikal ang kundisyon ng isa sa tatlo nilang supling, na plano nilang pangalanang Gabriella.

Sabi ni Robin sa kalakip na caption ng kanyang Instagram post noong Biyernes, August 7: “@marieltpadilla is stable, pls continue praying for the youngest sac [Gabriella or El Cid]."

Sa kasalukuyan, pinayuhan ng doktor si Mariel na manatili sa bahay at magkaroon ng complete bed rest.

Todo naman ang suporta ni Robin na nagpaabot pa ng sweet message para kay Mariel na nagdiriwang ng ika-31 nitong kaarawan ngayong Lunes, August 10.

Sabi ni Robin kay Mariel, base sa Instagram post ng aktor kagabi, August 9: “Your past 30 years brought you life of happiness and adventure...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I pray to the Almighty Creator to continue blessing you with his mercy and compassion on this very critical stage of your ultimate dream of being a good mother.

“You are right, whatever is the size of the third sac, she needs our parenthood now more than when she comes out because right now she is fighting for her survival....

“Happy birthday mom @marieltpadilla.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN