Senator Chiz Escudero confirms renewal of vows with Heart Evangelista on their first wedding anniversary

Senator Chiz Escudero on wife Heart Evangelista's paintings: “It shows in her artistic side perhaps, na maganda ang lugar na kinakalagyan niya. Hindi na madilim mga painting niya, maliwanag yung mga painting niya.”


Kinumpirma ni Senator Chiz Escudero na nakaplano na ang renewal of vows nila ng kanyang misis na si Heart Evangelista sa unang anibersaryo ng kanilang Balesin wedding sa February 15, 2016.

Nilinaw ni Senator Chiz na simpleng renewal of vows at hindi full-blown wedding ang inihahanda niya.

Susundan ito ng isang munting salo-salo sa bahay nila ni Heart sa Quezon City.

Special guests nila ang mga magulang ng aktres na hindi nakadalo sa kanilang Balesin wedding, anim na buwan na ang nakararaan.

“Simple lang ho na seremonya ‘yon. Kami-kami lang para may litrato kami na kapiling ang kanyang mga magulang,” pahayag ni Senator Chiz sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Ang simpleng renewal of vows nila ay magsisilbi ring pasasalamat para sa magandang relasyon sa pagitan ng kanilang mga pamilya matapos ang mga hindi pagkakaintindihan noon.

Ikinukumpara ni Senator Chiz sa isang fairy tale ang pagsasama nila ni Heart at, diumano, makikita ito sa mga painting ng kanyang asawa.

Saad niya, “It’s showing in her art.

“Nagpipinta si Heart, hindi lamang painting, pero sa bag na rin, sa damit.

“It shows in her artistic side perhaps, na maganda ang lugar na kinakalagyan niya.

“Hindi na madilim mga painting niya, maliwanag yung mga painting niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN