Melissa Mendez uses painting to overcome depression caused by offloading incident; reconciles with husband

Isa raw sa magandang nangyari pagkatapos ng kinasangkutang offloading incident ni Melissa Mendez ay ang pag-uusap nilang muli ng asawang si Eric Gobencion, hanggang sa nagkabalikan sila. Sabi ni Melissa, "Parang divine intervention. Because of what happened, I was restored to my husband. Nagkaroon kami ng family restoration, nagkabalikan kami dahil dun sa nangyari."


Pormal na binuksan ng Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) ang bago nilang proyektong Harrington’s Celebrity Lifestyle Auction and Art Exhibit noong Sabado, August 8, sa HMR, Pioneer St., Mandaluyong City.

Kasali rito ang mga artistang nagpipinta na kasapi sa Artists as Artists.

Magkakaroon ng exhibit at auction ng kanilang paintings sa August 15 sa Harrington’s Auction House, sa Sucat, Parañaque.

Isa si Melissa Mendez sa mga artistang dumalo sa press launch, at nagdala siya ng ilang paintings niya.

Ayon sa aktres, nung dumaan siya sa depression dahil sa offloading incident na kinasangkutan niya noong Marso, idinaan niya ito sa pagpipinta para makapag-move on.

Saad ni Melissa, “Therapeutic siya, e.

“Nung nangyari sa akin yung plane incident, I was traumatized, I was depressed.”

Kinumbinsi raw siya nina Evangeline Pascual at Maria Isabel Lopez na ituloy ang pagpipinta bilang release na rin sa depression na pinagdaanan niya.

Kuwento ni Melissa, “I thought na rin na, sige, I needed it as a tool for me to get away from that sadness and trauma, the depression, na malagpasan ko.

“It became an encouragement and inspiration to me.”

Marami na raw siyang naipinta, ilan sa mga ito ay may mga clouds.

TOGETHER AGAIN. Isa raw ito sa magandang pangyayari sa kanya, at naging normal na ang takbo ng buhay niya.

Pero ang pinakamagandang pangyayari raw sa buhay ni Melissa pagkatapos ng kinasangkutang kontrobersiya ay ang pagbabalikan nila ng asawang si Eric Gobencion.

Tatlong taon na silang kasal ni Eric ngunit nagkahiwalay sila.

Kasama ni Melissa si Eric nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk ang aktres, pero tumanggi itong magpa-interview.

Sa tingin ni Melissa ay ipinag-adya rin ng Diyos na masangkot siya sa gulo nila nina Rey Pamaran at Andrew Wolff sa loob ng eroplano ng Cebu Pacific.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay dahil nagkaroon ng pagkakataong mag-usap silang mag-asawa hanggang sa nagkabalikan.

Pahayag ng 51-anyos na aktres, “Parang divine intervention.

“Because of what happened, I was restored to my husband.

“Nagkaroon kami ng family restoration, nagkabalikan kami dahil dun sa nangyari.

“Nang nalaman niya, I decided not to keep in touch with him.

“Pero he never gave up on me, until such time when he found out that I was having depression nga.

“Sabi ng mother ko, ‘Why don’t you call your husband, he’s always there naman. He never gave up on you.’

“Nag-usap kami, and that was the turning point.”

Ayon kay Melissa, mas masaya sila ngayon at dito niya naramdamang si Eric na nga ang lalaking makakasama niya habang buhay.

“Stronger, more romance, tapos mas masaya, and we understand each other better.

“And si God talaga answers prayers,” sambit niya.

NO MORE TRAUMA. Masasabing tuluyan nang nalagpasan ni Melissa ang trauma na pinagdaanan niya.

Nakasakay na siya uli sa eroplano ng Cebu Pacific at hindi naman daw siya na-ban.

“Hindi ako nahirapan at all, although pagsakay ko sa eroplano, may konting fear. I just look at the clouds,” nakangiti niyang sabi.

Wala na rin daw siyang balita tungkol sa reklamong inihain laban sa kanya ni Rey Pamaran, dahil wala siyang natatanggap na subpoena o anumang notice kaugnay sa kaso.

“Wala na akong balita. Alam ko okay na, e. Wala na yatang problema.”

Pero maingat na raw si Melissa sa pagsakay sa eroplano dahil ayaw na niyang maulit ang nakakahiyang insidenteng kinasangkutan.

Ano ang natutunan niya sa karanasang iyon?

Saad ni Melissa, “You must follow kung saan ka talaga nakaupo.

“Huwag ka na humingi ng favor, kung ano ang designated seat mo, you seat there.

“Kung talagang maluwag at mabait naman ang tao, humingi ka ng favor, why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa ngayon, ayoko na mag-ask ng favor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN