Empress Schuck and Vino Guingona excited for the arrival of their baby girl

Empress Schuck on marriage plans with boyfriend Vino Guingona: “Para sa akin kasi, bata pa kami. Hindi naman namin naplano ‘to. Ang marriage naman napapag-usapan ‘yan. Sana this time, maplano namin. Siyempre yung marriage, hindi naman basta papasukin, kasi it’s another big responsibility. Gusto ko sana, this time, nakaplano.”


Malaki na ang idinagdag sa timbang ng aktres na si Empress Schuck nang nakausap ng PEP.ph at Startalk sa ibinigay sa kanyang baby shower noong Linggo, August 9, sa Makati Sports Club.

Walong buwan na ngayon ang dinadala ni Empress.

Kasama ni Empress sa pag-iistima sa mga dumalong bisita ang kasintahan at ama ng kanyang ipinagbubuntis na si Vino Guingona.

Medyo malusog na rin si Vino dahil sinasabayan daw niya si Empress sa pagkain.

Nung naglilihi raw si Empress, parang naglilihi na rin siya dahil kailangang kasama siya sa pagkain sa mga gustong kainin ng aktres.

Kuwento ni Empress tungkol sa kanyang pagdadalantao, “Hindi na ako makapaghintay, kasi galaw na siya nang galaw!

“Parang gusto na niya talaga lumabas.

“At the same time, kinakabahan na rin ako kasi first time ko, hindi ko alam kung ano ang mangyayari.

“Sana lang safe talaga. Sana normal ang lahat.”

Pahayag naman ni Vino, “I’m so excited talaga kasi it’s my first time also to be a dad, and I’m just excited lang and ready to face challenges in life.”

BABY GIRL. Ang tinitiyak lang ni Vino ay magiging seloso at mahigpit na daddy raw siya dahil baby girl ang magiging anak nila.

Saad niya, “I think magiging spoiled talaga.

“Kasi sa family namin, lahat girls. I have three sisters, I’m the only son.

“Kaya gusto ko sana boy, para magka-boy naman sa family members.

“Pero it’s a girl, magiging spoiled talaga ito.”

Dagdag naman ni Empres, “Lahat ng friends and relatives, gusto nila girl daw.

“Kasi cute, malambing saka maganda daw.

“So, parang na-appreciate na namin na, sige, gusto na rin namin ng girl talaga.

“Ang reaction pa niya [Vino], ‘Naku, ipapa-turtle neck ko talaga ‘yan every day.’”

Ang napagdesisyunan daw nilang ipangalan sa kanilang baby girl ay Athalia—isang Hebrew name na ang ibig sabihin ay "God is Great."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Empress, “Yun ang naisip namin, kasi sa gitna ng mga pinagdaanan namin, God is always there.

“Para pati sa pangalan ni baby, hindi namin kinalimutan si God.”

NEW LIFE. Ang ikinalulungkot lang ni Vino ay sumakabilang-buhay na ang kanyang ama nung nakaraang buwan.

Medyo hirap daw siya nung panahong nagluluksa ang kanilang pamilya dahil hati ang atensiyon niya sa pag-aalaga kay Empress.

“It was so hard for me, especially nung time na she’s pregnant, divided yung time ko.

“Pero she went with me to Zamboanga.

“Medyo masama ang pakiramdam ko dahil hindi naabutan ng dad ko ang apo niya... ganun talaga,” malungkot na pahayag ng 24-anyos na apo ni dating Vice President Teofisto Guingona Jr.

Tingin daw nina Empress at Vino, handa na sila sa haharaping bagong responsibilidad sa buhay.

Malaki na raw kasi ang nabago sa kanila, habang hinihintay ang pagdating ng kanilang Baby Athalia.

Sabi ni Empress, “Sa ngayon, masasabi kong maraming nabago, pero tingin ko, paglabas ng baby, mas madaming mababago.

“Kasi naririnig ko sa ibang mommies na wala ka na daw ibang iintindihin, na pati sarili mo makakalimutan mo, para lang sa baby.”

Mas focused daw muna sila sa kanilang baby, kaya wala pa sa plano nila ang magpakasal.

Ayon sa 22-year-old actress, “Para sa akin kasi, bata pa kami. Hindi naman namin naplano ‘to.

“Ang marriage naman napapag-usapan ‘yan. Sana this time, maplano namin.

“Siyempre yung marriage, hindi naman basta papasukin, kasi it’s another big responsibility.

“Gusto ko sana, this time, nakaplano.”

Dagdag naman ni Vino, “Ngayon, we’re just focused muna sa baby. After that, we’ll plan na siguro.”

Ang tantiya raw ng kanilang OB-Gyne, baka last week of September o sa September 27 na manganganak si Empress.

Umaasa ang magkasintahan na maging normal delivery ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN