Jao Mapa notes changes in showbiz: "Halos lahat ay nasa telebisyon na, bihira na ang mga pelikula."

Jao Mapa on the possibility of his children entering showbiz: "Kung sa TV man, siguro ay puwede ko nang i-introduce ang aking mga anak; pero sana magtapos muna sila ng pag-aaral."


Kung noong kapanahunan niya ay isang reluctant actor si Jao Mapa, sa pagbabalik niya sa showbiz ay desidido na raw siya.

Maging sa pagtanggap ng mga papel na gagampanan niya ay hindi siya maselan basta raw maganda ito't markado.

Katulad na lang ng papel ni Jap sa pelikulang Manila's Finest, kung saan siya ay isang kontrabida.

Sa ABS-CBN teleserye namang Ang Probinsyano ay isang pulis ang kanyang ginagampanan.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Jao sa presscon ng Manila's Finest, siya na mismo ang nagkuwento tungkol dito.

Bungad niya,"Well, siguro, dahil I'm under new management.

"I'm with Arnold [Vegafria], kaya I leave it to them."

Nagulat daw siya nang sa pagbabalik niya, marami na rin ang nabago sa showbiz.

Sabi ng 38-year-old actor, "Oo medyo.

"Halos lahat ay nasa telebisyon na. Bihira na ang mga pelikula, di katulad noon.

"Usually ngayon, indie movies, iilan na lang ang major companies.

"Magagaling din silang umarte, yung kabataan ngayon.

"Kaya ako, sasabayan ko na lang ang galing nila.

"I'm sure, sana ganun pa rin ako, pero mas lalo kung lalaliman."

Dagdag pa ni Jao, "Changing times talaga.

"Ngayon, may kanya-kanya na silang paraan para sumikat.

"Kunsabagay, dinaanan din naman 'yan, pero mas malaki kasi ngayon ang showbiz—mas advance, more complex.

"Unlike before, ang mga artista ngayon, mas malaki na ang grupo.

"Masaya pa rin naman ang showbiz, sa digital na nga lang ngayon."


TARGET: MEATY ROLES. Sa roles naman, mas gusto ni Jao ang natsa-challenge siya.

"Kahit anong klaseng roles, as long as it will showcase my talent, okey ako.

"Kahit father roles, wala na sa akin yun.

"E, sa totoong buhay, I have kids naman, 'di ba?

"Ano pa ba? Mature roles, character roles."

Dugtong pa niya, "I'm happy to be back again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal kong hinanap-hanap ito at pinaghandaan ko ang pagbabalik.

"So, apart from that, lutung-luto na ako. I' m ready to go again, do more roles.

"Ang dami ko nang pinagdaanan kaya may paghuhugutan talaga."

MANAGER ISSUE. Kasunod nito ay ang pagbabalik-tanaw ni Jao sa dahilan ng kanyang pansamantalang pagpapaalam sa showbiz, sa panahong sikat na sikat pa naman siya.

Aniya, "Manager lang pala ang problema.

"Kaya nagpapasalamat ako kay Arnold for taking care of my career now.

"That time, I really decided to finish my college, get a diploma.

"Marami nga ang pumipigil sa akin nun, kasi sayang nga raw. Maganda yung takbo ng career ko.

"But, I really have to decide."

Natapos si Jao ng kursong Fine Arts major in Advertising sa Universty of Sto. Tomas, sa Manila.

Ang maganda raw nito ay hindi siya pinigilan ng kanyang asawang si Cecille Garcia-Mapa upang muling humarap sa kamera.

Sabi ni Jao, "Actually, she's very supportive.

"She's also acting sa stage, sa indie films, so naiintindihan niya ang work ko.

"Even sa arts ko, sa exhibits ng paintings ko, she's always there para gabayan din ako, magbigay ng moral suppport.

"Yun ang maganda, kasi hindi nagka-clash ang interests namin."

Dalawang lalaki at isang babae ang anak ni Jao—sina Benjamin, 12; Caleb, 9; at Stacey, 8.

Paano kung meron sa mga anak niya ang magkainteres sa showbiz, papayagan ba niya?

Tugon ni Jao, "Kung saTV man, siguro ay puwede ko nang i-introduce ang aking mga anak.

"Pero sana magtapos muna sila ng pag-aaral.

"May dugo naman sila ng erpat nila, kaya 'di ako magugulat, kung sila man ay magkakagustong mag-showbiz.

"Ginagawa ko ang pagiging aktor kaya posibleng may gustong tahakin din ito.

"Basta, I educate them well, and sana matuto sila sa mga pagkakamali namin, na pinagdaanan namin.

"Pero dadaan at dadaan sila sa kung anu-ano, kung talagang gusto nila sa industriyang ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN