Pokwang to hacker of her old Instagram account: “Sana ikayaman mo 'yan.”

Pokwang's message to her Instagram hacker: “ikaw pala ang hacker ng dati kong IG accnt na pokie827 at pinalitan mo na ng bagong name?? nakakaloka ka sana ikayaman mo yan tah ka!"


Nadiskrube ng Kapamilya comedienne na si Pokwang na buhay pa rin ang kanyang lumang Instagram account na @pokie827.

Kaninang madaling-araw, August 11, muling nabuhay ang lumang Instagram account ng komedyana, ngunit naging @LMAOSCOTTY na ang gamit na IG handle nito.

Agad itong nakita ni Pokwang sa tulong na rin ng kanyang Instagram followers.

Umabot sa 536,000 ang followers ng kanyang lumang account, habang nasa 118,000 naman ngayon ang followers ng bago niyang Instagram account na @itspokwang27.

no way

A photo posted by 👻 (@lmaoscotty) onAug 10, 2015 at 10:10am PDT

Nag-iwan ng mensahe si Pokwang sa kanyang hacker gamit ang bago niyang Instagram account.

Sa caption ng kanyang IG post, sabi ni Pokwang: “ikaw pala ang hacker ng dati kong IG accnt na pokie827 at pinalitan mona ng bagong name??

“nakakaloka ka sana ikayaman mo yan tah ka!"

Ipinagbigay-alam din ni Pokwang sa kanyang followers na hindi na niya gamit ang Instagram account na @pokie827 at i-report na rin ang account ito.

Sabi pa ni Pokwang: “ingat po kayo hindi na ako ang gumagamit ng accnt na pokie827 kundi ang talipandas na ito! Paki report ang accnt na ito @LMAOSCOTTY”

Bukod dito, nilinaw rin ni Pokwang na wala siyang Facebook account.

“at isa pang paalala wala din po akong facebook kaya ingat ingat lang po sa mga impostor!!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN