(UPDATED) Maria Ozawa calls Robin Padilla “unprofessional” after withdrawing from their MMFF movie

Ayon sa Japanese actress na si Maria Ozawa, hindi na dapat pinatagal ni Robin Padilla ang desisyon niyang hindi na gawin ang Nilalang nang hindi nalagay sa alanganin ang production team ng dapat sana'y gagawin nilang pelikula.


Umalma ang Japanese actress na si Maria Ozawa kasunod ng pag-anunsiyo ng kampo ni Robin Padilla na aatras na ang aktor sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na Nilalang.

Tinawag ni Maria si Robin na “uprofessional” dahil sa pag-atras nito sa movie project nila, sampung araw bago magsimula ang shooting ng pelikula.

Buwelta ng Japanese actress sa kanyang Instagram post nitong gabi ng Martes, August 11: “It's not that I really wanted to film w/ Robin, but I think it was so unprofessional of him to call it off 10 days before the shooting starts.

“I feel so sorry for the film, director's, staff..etc.”

Sa official statement na inilabas ng kampo ni Robin kahapon, August 11, pinili umano ng action star na umurong sa proyekto upang alagaan ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez, na kasalukuyang nagdadalantao.

Read: Robin Padilla withdraws from MMFF movie with Maria Ozawa

Dear __________ This message is to announce to the dear public that Mr. Robin Padilla and my team Vidanes Celebrity Marketing will no longer be part of the movie ‘Nilalang’, which was scheduled to compete in the annual Metro Manila Film Festival in December 2015. It is with great regret that we have to inform all that due to extenuating personal circumstances, Mr. Robin Padilla has had to make the decision to withdraw from the film. I would like to let you know that this decision making process has been very hard as Mr. Padilla's reputation shows that he has the highest regards for those he commits to work with. But his withdrawal is due to the fact of needing to attend to his wife Mariel, as she is experiencing a delicate pregnancy. Mariel is currently pregnant with triplets, and also suffered a miscarriage in March of this year. Due to this, Mr. Padilla feels that he needs to focus and prioritize the wellbeing of his family and has decided to forego his role as Tony in the movie Nilalang. The decision to withdraw from the film has been very difficult for Mr. Padilla and VCM team. This cancellation has been a collective resolution of Vidanes Celebrity Marketing and Mr. Padilla and Haunted Tower Productions are not at fault in any way. We acknowledge that we hold no claims or rights to this movie whether it is produced or not. On behalf of Mr. Robin Padilla and Vidanes Celebrity Marketing, we would like to ask to the producers and the public for their understanding and kind consideration. Yours sincerely, Betchay Vidanes On behalf Of Robin Padilla

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) onAug 11, 2015 at 3:14am PDT

Hati ang komento ng Instagram followers ni Maria tungkol sa isyu.

Sa isang comment, ipinagtanggol ng isang netizen si Robin at sinabing hindi dapat tawaging "unprofessional" si Robin dahil ginawa lamang ng aktor ang nararapat dahil prayoridad nito ang kanyang pamilya.

Sinagot naman ito ni Maria.

Pahayag ng dating adult-video actress, dapat noong una pa lamang ay sinabi na ni Robin na aatras siya at hindi na naghintay pang magsabi kung kailan malapit nang simulan ang shooting, at hindi inilagay sa alanganin ang staff and crew ng production team.

ROBIN ANSWERS. Samantala, ngayong umaga, August 12, ay nag-post naman si Robin ng tila sagot niya sa sinabi ni Maria.

Kalakip ng larawan ng isang kaha ng sigarilyo ay ang quote na ito mula sa Hollywood film na The Godfather: "A Man who does not spend time with his family can never be a real Man" -- Vito Corleone"


A Man who does not spend time with his family can never be a real Man" -- Vito Corleone

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) onAug 11, 2015 at 4:55pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN