Robin Padilla “begged off” not “backed out” from Nilalang, says his manager

Robin Padilla's camp clarifies that the actor did not back out from the MMFF entry Nilalang, just begged off to take her of his pregnant wife.


Nilinaw ng kampo ni Robin Padilla na hindi nag-back out ang aktor sa dapat sana'y gagawin niyang pelikula na kasali sa 2015 Metro Manila Film Festival, ang Nilalang.

“Nag-beg off siya kasi hindi niya kayang pagsabayin yung dalawa,” paliwanag ng manager ni Robin na si Betchay Vidanes, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Miyerkules, August 12, sa pamamagitan ng telepono.

Ang tinutukoy na "dalawa" ng talent manager ay ang paggawa ng pelikula at ang pag-aalaga sa asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez.

Six-week pregnant ngayon si Mariel

Diin ni Betchay, “Nag-beg off lang pero hindi daw siya nag-back out.”

Ang reaksiyon na ito ng kampo ni Robin ay kasunod ng balitang umatras ang aktor sa nasabing MMFF film entry para alagaan ang maselang pagbubuntis ni Mariel, na inaasahang magkakaroon ng triplets.

Read: Robin Padilla withdraws from MMFF movie with Maria Ozawa

Idinagdag pa ni Betchay na willing si Robin na ituloy ang paggawa ng proyekto, matiyak lang na ligtas na si Mariel at ang kanilang magiging anak.

“Puwede niyang gawin in the future kung mahihintay natin siya [Robin],” sabi ni Betchay.

Sabi pa raw ni Robin kay Betchay: “Nag-beg off lang ako, hindi ako nag-back out.

"Nakiusap ako sa kanila na hindi ko kayang pagsabayin.

"Ngayon, kung kaya nila akong hintayin, nandun ako."

Nag-status naman sa Instagram ang Japanese actress at dating adult-video star na si Maria Ozawa, leading lady ni Robin sa Nilalang, na “unprofessional” si Robin sa pag-atras niya sa pelikula, lalo pa't sisimula na sana ang shooting sa mga susunod na araw.

Read: (UPDATED) Maria Ozawa calls Robin Padilla “unprofessional” after withdrawing from their MMFF movie

Ipinagtanggol ni Betchay si Robin sa naging desisyon ng aktor dahil isang linggo pa lamang ang nakalilipas mula nang nalaman nila ang pagbubuntis ni Mariel.

August 1 daw nalaman ni Robin ang pagbubuntis ng asawa at nag-look test pa ito para sa Nilalang nitong August 3, bitbit ang lahat ng gamit para sa kanyang role sa action-thriller movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inanunsiyo ng kampo ni Robin ang pag-beg off niya sa pelikula nitong Martes, August 11.

Sabi ni Betchay, “Family first lang.

"Kung between [the two] choices, pinili namin yung family.

“Although siyempre, yung trabaho, kasabay 'yan, pero ito yung kailangan nating mamili.

“Sinabi naman ni Robin na, 'Pag dumating yung panahon, antayin nila ako, stable na si Mariel, stable na yung mga baby ko, nakapanganak na si Mariel, okay na ang mga anak ko, gagawin ko ulit yung pelikula hindi lang ngayon.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN