Robin Padilla apologizes to Maria Ozawa

Robin's manager, Betchay Vidanes, told PEP that the actor sent a personal message to Maria Ozawa that he had to beg off from their film, Nilalang, the film that they were supposed to star in.


Nagpadala ng private message si Robin Padilla kay Maria Ozawa at sa manager nito upang humingi ng “sorry” kaugnay ng pag-beg off ng aktor sa pelikulang Nilalang.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes sa telepono, ngayong Miyerkules ng umaga, August 12, upang ibigay ang panig ng aktor matapos itong tawaging “unprofessional” ni Maria.

Read: (UPDATED) Maria Ozawa calls Robin Padilla “unprofessional” after withdrawing from their MMFF movie

Pahayag ni Betchay sa PEP, “Personally, si Robin nag-apologize.

"So, ibig sabihin, ina-accept niya na may pagkakamali siya.

"Anything na nag-a-apologize ka, ibig sabihin ina-accept mo may pagkakamali ka, may pagkukulang ka.

"Yun ang tingin ko dun sa apology niya."

Maging sa Instagram status ni Robin ngayong araw, August 12, sa halip na lugar ang nakalagay sa “location” sa kanyang IG status ay “mydeepestapologytomsmariaozawa” (My deepest apology to Ms Maria Ozawa) ang nakalagay rito.

Gayunpaman, sinabi rin daw ni Robin na handa pa rin siyang gawin ang pelikula, matiyak lamang na maayos na ang kalagayan ng buntis nitong asawa na si Mariel Rodriguez hanggang sa makapanganak ito.

Read: Robin Padilla “begged off” not “backed out” from Nilalang, says his manager

Sabi ni Betchay, “Personal kong opinyon diyan, ako, personal na nag-a-apologize talaga ako [kay Maria].

"Kasi siyempre, baka marami siyang na-hassle na trabaho, o baka hindi siya na-inform earlier kasi padating na siya, e.

“Dadating na siya ng August 20 yata kasi may presscon na kami ng August 25.

"So, naiintindihan ko siya bilang manager.

“Pero on the personal side, kung siya ang lumagay sa side ni Robin, sabihin niya sa amin na, 'Buntis ako, kailangan kong alagaan yung anak ko,' maiintindihan ko rin 'yon kasi babae ako.”

Dagdag ng talent manager, “Ang sabi naman ni Robin, halimbawa dumating yung time na matapos ang lahat ng ginagawa niya para kay Mariel, out of danger na si Mariel, out of danger na ang mga babies, gagawin niya ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Very much willing siya ulit, kaya lang, kailangan lang daw niyang unahin ang family niya."

Entry sana sa 2015 Metro Manila Film Festival ang Nilalang.


ROBIN'S DILEMMA. Idinetalye rin ni Betchay ang sitwasyon ni Robin kaugnay ng sinabi ni Maria na dapat ay matagal nang tinanggihan ng aktor ang pelikula nang hindi nalagay sa alanganin ang staff and crew nito.

Ayon sa talent manager, July 25 nang dumating sa bansa si Mariel mula Spain, pero hindi pa sinabi nito kay Robin na buntis siya dahil gusto muna niyang makasigurado.

“One week after, dumating si Robin, August 1 ng gabi.

"Dumating si Robin [at] dun lang nalaman ni Robin na buntis si Mariel kasi nasa ospital."

Ani Betchay, nakapagdesisyon si Robin na huwag munang ituloy ang paggawa ng pelikula noong August 3, na araw rin ng kanyang look test.

Dumating pa rin daw si Robin sa look test, bitbit ang kanyang mga gamit na binili pa niya sa ibang bansa.

“As in ready lahat ng gamit niya, binili niya lahat ng props, binili niya sa Spain,” sabi ni Betchay.

Nung araw ring iyon daw nalaman ni Robin na magkakaroon sila ng triplets.

Nang sumunod na araw, August 4, pinag-iisipan pa raw ni Robin ang sitwasyon.

“August 6 in the morning, kinausap na namin siya,” sabi ni Vidanes.

Kasama raw sa pag-uusap ang producers ng pelikula, ang MFT Group, at doon sinabi ni Robin na kailangan niyang mag-beg off.

Naunawaan daw ng producers ang sitwasyon ni Robin kahit na nakapag-shell out na sila ng pera para sa preparations.

“Sobra nilang naiintindihan, producer na 'to, ha, na kahit papa'no gumastos na...

"This is during the time of pre-prod, alam naman natin na gumagastos na during the pre-prod.

"So, naiintindihan nila, dumating si Direk [Pedring Lopez], nag-usap-usap.

"'O, sige,' sabi ko, 'Kanino manggagaling ang announcement?'

"Kasi sabi namin, 'We have to make an announcement.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

August 11, Martes, nang i-announce sa social media ang pag-withdraw ni Robin sa proyekto.


PRODUCER BACKS OUT. Samantala, maging ang MFT Group, na co-producer ng nasabing MMFF entry, ay naglabas na ng statement na umuurong na sila sa pag-finance ng Nilalang:

"After much deliberation MFT Group will no longer finance the production of NILALANG.

"The MFT Group does not believe that there is a suitable replacement for Mr. Padilla and as a result, the prospective timeline for the production of NILALANG will be compromised.

"Given the proposed working budget for the film, the non-participation of Mr. Padilla means that MFT no longer believes that the project has a bankable actor as its lead and the absence of immediate alternative means that the production will be delayed to an extent that NILALANG will not be released in time for the 2015 MMFF."

MARIA RESPONDS. Pagkatapos mag-apologize ni Robin ay naglabas muli ng kanyang statement si Maria.

Pahayag niya, "I still think he was unprofessional.


"If he knew his wife was pregnant and wanted to take family first, then he should've said no to the film in the first place.


"We had this discussion like two months ago.


"NO OTHER CELEBRITY would cancel its job 10 days before the shooting starts.


"I was so happy when I got chosen for this movie and really excited for my next career, and a chance to be famous.


"It's just sad. I hope they will find a replacement soon..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN