Dingdong Dantes and Marian Rivera fly to Amanpulo to celebrate her 31st birthday

Dingdong Dantes, who flew to Palawan this morning with wife Marian Rivera, posted this message on his Instagram account: "We are now back in this place where we had our first 'island date' six years ago... but this time, we are accompanied by our little one inside. Evidently, the skies dictate that during these special days, we shall make use of the beautiful natural resources. Happy Birthday my love. #HBDMGD"


Kasalukuyang nasa Pamalican Island, sa Amanpulo, Palawan, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para ipagdiwang ang 31st birthday ng Kapuso Primetime Queen.

Kaninang umaga ay dumalo pa si Dingdong sa ginawang program ng National Youth Commission, kung saan ang aktor ang tumatayong commissioner-at-large, para sa International Youth Day.

Pagkatapos nito ay dumiretso na ang Kapuso Primetime King sa airport para makaabot sa 1 P.M. flight nila.

Sa kabila ng pagbuhos ng napakalakas ng ulan kanina, na naging dahilan ng matinding traffic, ay nakarating pa rin sa tamang oras si Dingdong.

Ibinahagi ng aktor ang karanasan niya kanina sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (dongdantes):

“Thank you Boss/ Kuya Jess for making me arrive safe, and just on time for our flight to Palawan. My excitement for this trip superseded Edsa's mayhem and heavy rain pour. Bye Manila, for now. Time to be with my wife, the celebrant. :-)”

Nilagyan pa niya ito ng hashtags na #HBDMGD (Happy Birthday Marian Gracia Dantes) at #YouthDayPh

Ang sumunod na IG post ni Dingdong ay kuha na sa Amanpulo—ang silhouette photo ni Marian kung saan kita ang baby bump nito.

Sa caption ni Dingdong, sinabi niyang hindi iyon ang unang pagkakataong magbabakasyon sila sa Amanpulo.

"We are now back in this place where we had our first 'island date' six years ago... but this time, we are accompanied by our little one inside. Evidently, the skies dictate that during these special days, we shall make use of the beautiful natural resources. Happy Birthday my love. #HBDMGD"

Maging si Marian ay nag-post din sa kanyang Instagram account na @therealmarian.

Unang nitong ipinost ang regalo ni Dingdong sa kanyang pink roses at pearl na kuwintas.

May caption itong: "Thank You Mahal. Love You."

Thank you Mahal...💖 Love you! 💏

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) onAug 11, 2015 at 5:30pm PDT

Sumunod na rito ang pagpu-post ni Marian ng ilang personal na gamit niya, kabilang na ang Hermes bag at librong Mother to Daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Caption niya rito: "Birthday Gear. P.S. I'm so happy to have a great personal shopper!"


Obviously, kung si Marian ay isang intimate surprise birthday party ang iniregalo sa kanyang mister sa kaarawan nito noong August 1, si Dingdong naman ay ilang araw na island vacation ang iniregalo para sa kanyang "te amo."

Birthday Gear 😋 P.S 🎀 I'm so happy to have a great personal shopper! Thanks @iluxe2013

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) onAug 12, 2015 at 1:14am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN