“Funny One” grand winner Ryan Rems Sarita still adjusting to his sudden popularity

Unti-unti na raw nagsi-sink in kay Ryan Rems Sarita ang kanyang pagkapanalo bilang grand champion sa “Funny One” segment ng It’s Showtime. Pero tanging ‘tatlong bote ng beer’ pa lamang daw ang naging regalo niya sa kanyang sarili.


Matapos manalo sa grand finals ng “Funny One” ng It’s Showtime, isang simpleng tao pa rin daw si Ryan Rems Sarita.

Ginanap ang grand finals ng "Funny One", isang stand-up comedy contest, noong Sabado, August 8.

Tumatak nang husto sa mga manonood ang sikat na mga linya ni Ryan na "Rock and Roll to the World" at "Olrayt."

Isang milyong piso at kontrata sa ABS-CBN at Star Magic ang napanalunan ni Ryan, na tubong Novaliches, Quezon City.

Sa press conferencepara sa mga grand finalists ng “Funny One” kaninang tanghali, August 12, ipinakita ni Ryan sa press ang kanyang lumang telepono na halos wala pang isang libo ang halaga.

Nag-sink in na ba kay Ryan ang pagkapanalo niya?

Tugon ng 36-year-old comedian, “Medyo… medyo nag-sink in na rin po.

"Nakakagulat lang na parang ang bilis ng pangyayari.

“Bago ang contest, bumibili pa ako ng ulam diyan sa tabi-tabi. Ako pa ang namamalengke para sa sarili ko.

“Pag ginagawa ko… pag gusto ko gawin ngayon yun, parang hindi na ‘ata puwede. Kasi, puwede ako masaksak.

“Meron ding mga tinatawag na trophy hunters. Pag napatay mo yung sikat, sikat ka rin, e.”

Ano naman ang gagawin niya sa kanyang napanalunang isang milyong piso?

Sagot ni Ryan, “Ayun, papaaralin ko yung tatlong pamangkin ko. Tapos, totoo namang pang-good time ko naman yung matitira.”

Ano naman ang naging regalo niya sa kanyang sarili dahil nanalo siya sa contest?

“Wala, e. Binili ko lang sarili ko ng beer noong nanalo ako.

“Nalasing naman ako sa sarili kong pera,” medyo seryosong may halong birong sagot nito.

OPEN-AIR PERFORMANCE. Ngayon daw ay may inquiries na siyang natatanggap para mag-perform sa iba’t ibang lugar.

Pero pinag-iisipan pa raw ito ni Ryan, dahil aminado itong takot siya sa open venues.

“Meron po. Actually takot ako sa mga open air.

"Pag sinasabi nilang ‘Mag-perform ka naman,’ tapos alam kong basketball court yun, hindi ako umuoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, baka may mambabara lang dun.

“’A, hindi kita maintindihan, ano 'yan?’

“Kasi mas sanay ako sa mga bars, e, mga lasing,” paliwanag pa niya.

Nasasaktan ba siya sa mga ganun, yung hindi makuha ang punchlines niya?

Sagot ni Ryan, “Oo, sensitive ako dun.

"Dinidibdib ko yun hanggang pagtulog. Inuumpog ko sarili ko sa unan."

Kung bigyan siya ng pagkakataong tumakbo sa pulitika, sino ang gusto niyang maka-tandem—si Vice President Jejomar Binay o si Senator Grace Poe?

Biro niyang ikinatuwa ng press, “Si Senator Grace Poe na lang, kasi ang basehan ko lang, magaling sa barilan ang erpats niya.

“Yun na lang po basehan ko.”

Si Senator Grace ay anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

FUNNY ONE PERKS. Samantala, ang iba pang finalists ng "Funny One" na sina Crazy Dou, Nonong Ballinan, No Direction, at Gibis Alejandrino ay may six-month contract din sa ABS-CBN.

Ang No Direction, na galing Davao City, ay magiging bahagi ng teleseryeng Be My Lady nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Sabi naman ng host ng “Funny One” segment na si Bayani Agbayani, nakatakda silang magbida sa sitcom na Funny Café, kasama ang lahat ng grand finalists.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN