Kathryn Bernardo's mom posts cryptic "copycat" Twitter post

Min Bernardo, mom of Kapamilya young actress Kathryn Bernardo, posted this statement on Twitter: "Guys, let's be proud na tayo ang ginagaya mas masaya, ang mahirap ang nanggagaya."


Naging sentro ng espekulasyon ang "copycat" Twitter post ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo, o mas kilala bilang Mommy Min sa showbiz circles.

Lunes ng gabi, August 10, nang mag-post si Mommy Min ng pahayag patungkol sa hindi pinangalanang personalidad na “nanggagaya.”

Dito ay tila pinaalalahanan ni Mommy Min ang kanyang Twitter followers na maging “proud” na sila ang “ginagaya” kaysa sila ang “nanggagaya.”

Kalakip ng naturang post ang hashtag na “#PSYPagtuwidSaNakaraan” upang i-promote ang August 10 episode ng Pangako Sa ‘Yo, na pinagbibidahan nina Kathryn at Daniel Padilla (KathNiel).

Kasunod ito ng hiwalay na Twitter posts kung saan hinikayat ni Mommy Min ang KathNiel fans na gamitin ang nabanggit na hashtags para maging “top nationwide and worldwide” trending topic ang teleserye nina Kathryn at Daniel.

MOMMY MIN'S CRYPTIC COPYCAT TWEET REFERRING TO JADINE LOVETEAM? Hindi man pinangalanan ni Mommy Min kung sino ang tinutukoy niyang mga “nanggagaya,” pinagmulan ito ng kontrobersiya sa pagitan ng avid KathNiel fans at ng fan groups ng ibang sikat na loveteams sa Kapamilya network.

Tiyempong umere ang pilot episode ng On The Wings of Love, na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre (JaDine), noong Lunes ng gabi, August 10.

Magkasunod na umeere sa Kapamilya primetime block ang Pangako Sa 'Yo at On The Wings of Love.

Tulad ng promotional strategy ng ibang teleserye, mayroon itong hashtag “#OTWOLarrival” upang maging trending topic ang naturang show sa social media.

Kaugnay nito, hindi maiwasang magtanong ng ilang netizens kung ang pinatututsadahan ba ni Mommy Min ay ang tambalan nina James at Nadine.

Lalo pa’t noong nag-uumpisa pa lang ang tambalan nina James at Nadine ay naikukumpara na sila sa loveteam nina Daniel at Kathryn.

Agad namang dinepensahan ng ilang JaDine fans ang kanilang mga iniidolong artista.

Sabi pa ng isa, pare-parehong Kapamilya stars sina James, Nadine, Daniel, at Kathryn kaya't hindi dapat gawan ng isyu ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina James at Nadine, nadawit din ang pangalan nina Enrique Gil at Liza Soberano na kabilang sa mga sikat na loveteam ng ABS-CBN ngayon.

Sa kabilang banda, agad ding dinepensahan ng KathNiel fans si Mommy Min at sinabing walang direktang tinukoy na personalidad na "nanggagaya" ang ina ni Kathryn.

Sinubukan ng PEP na hingan ng pahayag si Mommy Min hinggil sa isyu sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa Facebook account nito. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa itong sagot.

Mananatiling bukas ang PEP kung may nais linawin ang ina ni Kathryn tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN