Cristine Reyes back to sexy form after giving birth; returns to acting

Cristine Reyes on being a hands-on mom to daughter Baby Amarah: “For the first three months, kami ni Ali, we were very hands on. Lahat ng puwede naming pag-aralan sa pag-aalaga kay Amarah ay ginawa namin. Everything from diaper change, feeding, and even bathing. It all came so natural sa aming dalawa ni Ali ang pag-alaga kay Amarah.”


Handa na si Cristine Reyes sa kanyang pagbabalik sa showbiz pagkatapos niyang manganak noong February 2015 sa baby girl nila ng kanyang boyfriend na si Ali Khatibi.

Anim buwan nagpahinga ang Kapamilya actress para matutukan nito ang kanyang pagiging ina sa unang pagkakataon.

Sa naging panayam kay Cristine ng programang Anong Ganap? ng Viva Channel noong August 8, nagkuwento ang aktres tungkol sa kanyang pagiging hands-on mom kay Baby Amarah.

“For the first three months, kami ni Ali, we were very hands on.

“Lahat ng puwede naming pag-aralan sa pag-aalaga kay Amarah ay ginawa namin.

“Everything from diaper change, feeding, and even bathing.

“It all came so natural sa aming dalawa ni Ali ang pag-alaga kay Amarah,” sabi ni Cristine.

At six months old, marami na raw bagong ginagawa si Baby Amarah na ikinatutuwa nina Cristine at Ali.

Ayon sa StarStruck alumna, “Malaki at mataba na siya.

“Nag-i-start na siyang makipag-communicate.

“Nagre-react na siya. Tumatawa na siya.

“Minsan kung anu-anong sound ang ginagawa niya kaya mas lalo kaming nanggigigil sa kanya.”

STILL HOT. Sa kabila ng pagkakaroon na niya ng anak, maituturing pa ring “hot mama” si Cristine dahil mabilis na bumalik ang seksing katawan nito.

Bukod daw kasi sa exercise, healthy eating din ang ginagawa ni Cristine.

“Actually, I eat anything I want. But I do it with moderation.

“I also train in jiu jitsu with Ali.

“Sometimes naman, nasa bahay lang ako with Amarah and I do my own exercises.

“Sa pag-aalaga na lang sa baby, nae-exercise ka na rin.”

Dahil dito, panahon na para bumalik si Cristine sa pag-arte.

Huling napanood si Cristine sa pelikula nila ni Anne Curtis na The Gifted noong 2014.

Ang huli naman niyang teleserye ay ang Honesto ng ABS-CBN noong 2013 pa.

Kaya natuwa ang aktres nang ibigay sa kanya ang teleseryeng Tubig At Langis, kunsaan muli niyang makakatambal si Zanjoe Marudo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una niyang nakatambal si Zanjoe ay 2010 sa series na Precious Hearts Romances Presents Kristine.

Sa pelikula naman ay huling nagkatrabaho ang dalawa sa Bromance: My Brother’s Romance ng Star Cinema noong 2013.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN