Robin Padilla to Maria Ozawa: “If you think Robin is unprofessional, then I think you are selfish.”

Pinakiusapan ni Robin Padilla ang kanyang mga tagasuporta na hayaan ang Japanese star na si Maria Ozawa na ihayag ang kanyang saloobin hinggil sa pag-beg off ng aktor sa kanilang sana’y pagsasamahang pelikula.


Nagbigay ng mensahe si Robin Padilla, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, hinggil sa isyung pagtawag sa kanyang “unprofessional” ni Maria Ozawa pagkatapos mag-'beg off' ng action star sa dapat sana’y pagsasamahan nilang pelikula.

Nagdesisyon si Robin na huwag munang gawin ang Nilalang upang mapagtuunan niya ng pansin at alagaan ang maselang pagbubuntis ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Ibinahagi pa nga ni Robin ang link ng artikulong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagtawag sa kanya ni Maria na "unprofessional."

Sagot dito ni Robin: “Unprofessional to people like Maria Ozawa but for me, a real man with gentle heart to give way to her wife's delicate condition. If you think Robin is unprofessional, then I think you are selfish.”

Unprofessional to people like Maria Ozawa but for me, a real man with gentle heart to give way to her wife's delicate...

Posted by Robin Padilla on Tuesday, August 11, 2015


Read: Maria Ozawa calls Robin Padilla “unprofessional” after withdrawing from their MMFF movie

Matapos ang isang oras, muling nag-post ng mensahe si Robin.

Pinakiusapan ng aktor ang kanyang mga tagasuporta na hayaan si Maria, isang dating adult-video star sa Japan, na ilabas ang hinaing nito tungkol sa isyu dahil karapatan raw niya ito.



Simula ng post ni Robin: “All has the right to speak and fight for anything that they believe in.”

Mensahe naman niya sa kanyang mga tagasuporta: “You have expressed your thoughts already and displayed your undying support to my wife loudly, which I am thankful on some, but shocked/protested on many.”

Hindi naman nagdetalye si Robin kung ano ang ikinagulat niya sa pahayag ng kanyang mga tagasuporta.

Pero sa Instagram account ni Maria, may mga bumatikos dahil sa pagtawag niya ng “unprofessional” kay Robin.

May mga nagdiin din sa pagiging “porn star” nito noon.

Pagpapatuloy ni Robin, “My dear fellow Mariel loyalists, my little sisters in the Katipunan, it will be wiser for you to stop first because truly our camp is at fault.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let the camp of Ms Maria Ozawa voice out their Pain, it’s natural, it’s organic...”

Nakiusap din si Robin na ipagdasal ang triplets na nasa sinapupunan ni Mariel.

“Again pray for my 3 in 1. Peace be with us all."

Kalakip din ng Facebook post ni Robin ang larawan ng isang punyal na gagamitin sana ni Robin para sa kanyang role sa pelikula nila ni Maria na Nilalang.

"All has the right to speak and fight for anything that they believe in. You have expressed your thoughts already and...

Posted by Robin Padilla on Tuesday, August 11, 2015

Paglalarawan pa ni Robin sa gagamitin sana niyang punyal sa pelikula: “This is the knife that I prepared for the character of Tony in 'Nilalang' made by the native Sami tribe of Lapland Sweden. The perfect real deal hunting knife for the FMA knife fighter Tony.”

Sa pakikipag-usap ng PEP sa manager ni Robin na si Betchay Vidanes nitong Miyerkules, August 12, sinabi niyang nakapaghanda na ang aktor sa gagamiting props at costume para sa kanyang role sa Nilalang bilang si Tony.

Ngunit ilang araw bago magsimula ang shooting ng pelikula, nalaman ng mag-asawang Robin at Mariel ang maselang pagbubuntis ng Kapatid TV host.

Nilinaw rin ni Betchay na nag-beg off lang si Robin sa proyekto at hindi nag-back out.

Tiniyak din ng talent manager na willing si Robin na ituloy ang paggawa ng pelikula matiyak lang niyang ligtas ang pagbubuntis at panganganak ng asawa.

Read: Robin Padilla apologizes to Maria Ozawa

Robin Padilla “begged off” not “backed out” from Nilalang, says his manager


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN