Alden Richards admits getting kilig with sweet moments with Yaya Dub: “Siyempre naman, sino naman ang hindi?”

Alden Richards on his current success: “Every time I wake up, tapos makikita ko yung tweets at nakikita ko yung feedback ng mga tao on social media, yung news na ginagawa ng AlDub phenomenon at AlDub fever, I am very thankful for everything at sana ay tuluy-tuloy lang. Ang importante sa lahat ay huwag magbago.”


Hindi na nga maawat ang patuloy na pagsikat ng “Pambansang Bae” at ang kalahati ng pinakasikat na tambalan ngayon sa bansa na AlDub—si Alden Richards.

Pagkatapos pumirma ng four-year movie contract sa APT Films noong nakaraang linggo, pumirma naman ngayong araw, August 13, ang Kapuso heartthrob ng recording contract sa GMA Records.

Ginanap ang contract signing sa 17th floor ng GMA Network Center. Dinaluhan ito nina GMA Records vice president and COO Felipe S. Yalung, managing director Rene Salta, GMA senior assistant vice president for alternative production and assigned talent manager Gigi Santiago-Lara.

SECOND ALBUM. Ito ang ikalawang beses na magre-record ng album si Alden.

Noong 2013 ay may ginawa siyang self-titled album sa ilalim ng Universal Records kunsaan na-release ang single niyang “Haplos”.

Sa bagong album ni Alden ay mga kanta raw na makaka-relate ang lahat, lalo na ang AlDub fans.

Sabi ng Kapuso hunk sa panayam sa kanya ng 24 Oras ngayong gabi, “Meron at least two original songs—one Tagalog and one English.

“The rest puro remake ng mga songs namin na tumatak.

“So, abangan na lang nila kung ano ang mga songs na ‘yan. Secret muna.

“Pero mukhang alam na nila kung ano ang mga iyon.”

Hindi na raw ito puro dubsmash dahil boses ni Alden ang kanyang gagamitin.

“Bosesan na talaga ito. Voice lessons pa more!” natatawang sabi niya.

ALDUB FEVER. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Alden sa mga nangyayari sa kanyang career, lalo na ang pagiging sobrang sikat ng AlDub loveteam nila ni Yaya Dub o si Maine Mendoza sa totoong buhay.

Araw-araw ay nagiging top trending topic ang mga hashtag ng AlDub loveteam.

Sabi ni Alden, “Hanggang ngayon ay nao-overwhelm pa ako sa mga nangyayari.

“Bumalik yung feeling ko noong first time I entered showbiz.

“Every time I wake up, tapos makikita ko yung tweets at nakikita ko yung feedback ng mga tao on social media, yung news na ginagawa ng AlDub phenomenon at AlDub fever, I am very thankful for everything at sana ay tuluy-tuloy lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante sa lahat ay huwag magbago.”

Noong Miyerkules ay nag-perform sa Eat Bulaga! stage sa unang pagkakataon si Maine, para sa “Bulaga Pa More” segment, pero hindi pa rin sila nagkalapit o nagtagpo ni Alden.

Pero nakilala raw ng aktor ang pamilya at ibang kamag-anak ni Maine na nagpunta sa Broadway Centrum upang suportahan ang tinaguriang Dubsmash Queen.

Natuwa raw si Alden nang makilala niya ang pamilya ni Maine.

Aniya, “Very down to earth sila. Sila pa ang nagsasabi na ‘AlDub fan kami!’”

PABEBE PINKY PROMISE. Samantala, may bagong pauso ang AlDub loveteam.

Bukod sa kanilang signature Pabebe Wave, mayroon na rin sila ngayong Pabebe Pinky Promise.

Ginawa ito nina Alden at Yaya Dub pagkatapos nilang magpalitan ng mensahe.

Mensahe ni Alden kay Yaya Dub: #AlDubYou.

Sinagot naman ito ni Yaya Dub ng: #MaAldenKita.

Inamin ni Alden na kinikilig din siya kapag napapanood niya ang mga ginagawa nila ni Yaya Dub.

“Siyempre naman, sino naman ang hindi?!” natatawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN