Maria Ozawa on Mariel Rodriguez’s miscarriage: “Blaming me for the miscarriage is wrong.”

Binuweltahan ni Maria Ozawa ang mga netizens na sinisisi siya matapos makunan sa ikalawang pagkakataon ni Mariel Rodriguez.


Sinagot ni Maria Ozawa ang ilang netizens na sinisisi siya sa nangyaring miscarriage ni Mariel Rodriguez sa triplets sana nilang anak ng mister niyang si Robin Padilla.

Read: Mariel Rodriguez suffers miscarriage for the second time

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, August 13, maraming netizens ang nag-comment at pinag-usapan ang pangalawang beses na pagkakakunan ni Mariel.

May mga panig kina Mariel at Robin na tinawag na “selfish” si Maria at ito ang sinisisi sa nangyari kay Mariel.

Nag-status kasi si Maria noong August 11, Martes, at tinawag na "unprofessional" si Robin matapos mag-beg off ang aktor sa dapat sana’y pagsasamahan nilang pelikula na entry rin sa 2015 Metro Manila Film Festival, ang Nilalang.

Umatras muna si Robin na gawin ang pelikulang upang makapag-focus sa pag-aalaga sa maselang pagbubuntis ng kanyang asawa, na ikinadismaya naman ni Maria.

Read: (UPDATED) Maria Ozawa calls Robin Padilla “unprofessional” after withdrawing from their MMFF movie

Comment ni Maria sa isang netizen na sinisisi siya sa nangyari kay Mariel: “Blaming me for the miscarriage is wrong.”

Sinagot din ng dating adult-video actress sa Japan ang isang netizen na sinabihan siyang: “You are the reason of what happened to Ms. Mariel. Are you happy now? ”

Ani Maria: "Why do you sound like as if I wanted that to happen? You’re such a crazy person... and cold hearted."

Kung may mga namba-bash kay Maria, meron din naming netizens na nagtanggol sa comment section sa nasabing Instagram post ni Maria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN