Nadia Montenegro on rumored rift with Precy Ejercito: “Wala akong kaaway, wala akong nakakasamaan ng loob.”

Nadia Montenegro related how the 24 children of her partner Boy Asistio united in prayer at the hospital where the former mayor of Caloocan City was confined due to Chronic Obstructive Pulmonary Disease.


Isa si Nadia Montenegro sa active na tumutulong sa bagong project ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT), ang Harrington’s Celebrity Lifestyle Auction and Art Exhibit na gaganapin sa Harrington’s Auction House sa Sucat, Parañaque ngayong araw, August 15.

May ilang paintings daw siyang nagawa at yun ang i-e-exhibit kasama ang collection ng iba pang stars na kabilang sa grupo nilang Artists as Artists.

Ayon kay Nadia, magmula nang nakalabas daw ng hospital ang partner niyang si Boy Asistio, bumalik daw ang dating aktres sa pagpipinta.

Simula nung gumaling daw si Boy sa kanyang karamdaman, malaki ang nabago sa kanya. Pangako raw ni Nadia sa Diyos, hindi na raw siya makikipag-away.

Pahayag niya, “Nung tatlong araw na hindi gumigising ang tatay ng mga anak ko, isa lang ang hinihiling ko sa Diyos.

“Gisingin mo lang siya, ibalik mo lang siya dati at pangako ko lahat na gagawin ko e para sa ikakasaya na lang ng Diyos.”

Ayon kay Nadia, nagkaroon daw si Boy ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease, ang naging sakit ni Dolphy.

Sa pagkakataong ito napatunayan ni Nadia ang bisa ng dasal, na sama-sama nilang ginawa para gumaling ang dating Caloocan Mayor na si Boy Asistio.

“Dun namin nakita na talagang prayers works,” pakli ni Nadia.

“One day, nakita ko lahat ng anak ng asawa ko na naka-lay hands lang sa kanya na nagdadasal at umiiyak na may kanya-kanya silang prayers. The next day, Boy woke up,” dagdag pa niyang kuwento.

“Lahat na anak ni Boy…I had to get the presidential suite dahil hindi kasya,” natatawa niyang pahayag.

Hindi lang daw mga anak ni Boy, kundi pati raw ang mga ina ng 24 na anak nito.

“Lahat kami na minahal niya, lahat ng nanay ng anak niya, lahat ng buong pamilya Asistio, nagsama-sama para sa kanya,” paglalahad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko ma-explain, pero hindi ko alam kung paano pasalamatan ang lahat na mga doktor at nurses na nag-alaga kay Boy. Pero I know that prayer works,” patuloy nito.

NEW LIFE. Pagkatapos ng mahigit dalawang buwang nasa hospital daw sila, nakalabas na raw si Boy at bumalik na ang dating lakas ng katawan at naglalaro na nga raw ito ngayon ng golf.

“Ang pinakamasarap dun, pagising ni Boy, wala na rin siyang sama ng loob sa pulitika. Wala na, as in new life,” sabi pa ni Nadia.

Nagkakaroon na raw sila ng reunion na kung saan nagkikita raw silang lahat para makasama lang si Boy.

“Every month, nag-reunion kami.

“This is just for Boy, not to the extent na chika-chika. Just for Boy. They all want to check on their father.

“Next week nga meron na naman kaming reunion, ang Asistio, naging buo,” napapangiti niyang kuwento.



ISSUE WITH PRECY. Kaya kahit anumang mga isyung hinarap niya at ng kanyang mga anak ay ipinagdasal na lang daw niya.

Ayaw na rin niyang magsalita tungkol sa isyung kinasangkutan nila ni Precy Ejercito dahil wala naman daw katotohanan at hindi na kailangang palakihin pa.

Ani Nadia, “Wala namang bago sa pagbintang, e.

“Ang tao lang, makita ka lang na may bago kang sasakyan, oh! Parang wala kang karapatan, hindi nila nakikita yung pawis at dugo na inilabas mo na nagluluto ako ng panlimandaang tao.

"Nagki-cater ako, tatatlo lang ang kasama mo, nagpa-pack ako ng 400 na ano [meals].

"Wala naman nakakakita nun e at makapaghusga, ganun na lang,” deretso niyang pahayag.

Hindi na niya idinetalye kung nagkaroon nga ba sila ng samaan ng loob pero itinatanggi ni Nadia ang mga naglabasang negatibong isyu tungkol sa kanya.

“Wala akong kaaway, wala akong nakakasamaan ng loob. Nanginginig ako ngayon because this is coming from my heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong intensiyon na kahit na sinong saktan, kahit na meron man gustong manakit sa akin, marunong na ako magpatawad ngayon.”

Kung ang dating Nadia Montenegro ay palaban, ngayon daw ay hindi na. Ipagdarasal na lang daw niya ang kung sino man ang nagkakalat ng mga paninira laban sa kanya.

“Nakita niyo naman kung paano ako lumaban. One time I told myself, ‘Hindi lahat ng laban nilalaban.’

“Pangalawa, the only way you can have peace in life is if you want it in your heart, and I want peace in my heart.

“Siguro it really comes in showbusiness na madapa ka lang, sabihing tanga ka. Ganun talaga ang tao, wala tayong magagawa, e.

“But if I keep living my life thinking others will think, hindi naman ako magiging masaya,” saad ng 43-anyos na aktres.

Dagdag pa niyang pahayag; “Kung ano man ako ngayon, I’m not deserving of it because this is all given by God.

“Pag may magagandang nangyayari sa buhay ng isang tao, huwag natin i-underestimate ang gagawin ni Satanas para sirain yun.

“Ayaw niyang napapalapit tayo sa Diyos. Ayaw niya. At habang lumalapit tayo sa Diyos, palapit din siya nang palapit para sirain yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN