Comedienne K Brosas gets hooked on AlDub fever

K Brosas on AlDub loveteam: “Kakaloka tong ALDUB!! Bihira ako makapanood ng tv, kc usually may labada o tulog pako hehe.. alam ko sikat na sikat sila kaya inabangan ko talaga nung isang araw.. Nakakakilig nga talaga syet!! Ayiiiii!!"


Hindi lang mga ordinaryong manonood ang baliw na baliw ngayon sa phenomenal loveteam na AlDub kundi maging celebrities din.

Ang AlDub ay ang sikat na sikat ngayong tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub, o Maine Mendoza, na napapanood sa noontime show ng GMA Network na Eat Bulaga!

Nung mga nakaraang araw ay nag-post ang mga artistang sina Judy Ann Santos, Carla Abellana, Rhian Ramos sa kanilang social media accounts upang ihayag ang pagsuporta nila sa AlDub.

Look: Judy Ann Santos, Carla Abellana, and more celebs are #AlDubFaneys

May isang bagong dagdag sa kanilang listahan dahil maging ang comedienne-singer na si K Brosas ay hindi rin nakaligtas sa “AlDub fever.”

Ngayong hapon, August 15, ay nag-post si K sa Instagram ng screen grab nina Alden at Yaya Dub.

Caption ni K dito: “Kakaloka tong ALDUB!! Bihira ako makapanood ng tv, kc usually may labada o tulog pako hehe..

“alam ko sikat na sikat sila kaya inabangan ko talaga nung isang araw.. Nakakakilig nga talaga syet!! Ayiiiii!!

“At sa mga nagtatanong bakit daw ako nanonood ng channel 7, ano ba yon?! Meron po kaming remote, at madami din akong pinapanood na iba.. At nanonood din ako ng showtime... At kanya kanyang silang havey infer!

“At uulitin ko po, sa eat bulaga po ako nagsimula sa tv, kaya malaki po utang na loob ko sa kanila..

“At aaminin ko na havey na havey saken tong kalyeserye!! Kakatawa!! Lahat sila! Lalo na ang ALDUB!! Fans na fans ako!! Hihi..

“Happy 36th anniversary eat bulaga!! Aldubyu! At maAlden kita!! #alDub #Eb36

Bagamat mas napapanood ngayon si K sa mga programa ng ABS-CBN ay nagsimula siya sa GMA Network at naging bahagi pa ng Dabarkasd ng Eat Bulaga!


Kakaloka tong ALDUB!! Bihira ako makapanood ng tv, kc usually may labada o tulog pako hehe.. alam ko sikat na sikat sila kaya inabangan ko talaga nung isang araw.. Nakakakilig nga talaga syet!! Ayiiiii!! At sa mga nagtatanong bakit daw ako nanonood ng channel 7, ano ba yon?! Meron po kaming remote, at madami din akong pinapanood na iba.. At nanonood din ako ng showtime... At kanya kanyang silang havey infer! At uulitin ko po, sa eat bulaga po ako nagsimula sa tv, kaya malaki po utang na loob ko sa kanila.. At aaminin ko na havey na havey saken tong kalyeserye!! Kakatawa!! Lahat sila! Lalo na ang ALDUB!! Fans na fans ako!! Hihi.. Happy 36th anniversary eat bulaga!! Aldubyu! At maAlden kita!! #alDub #Eb36 ✌🏼️✌🏼✌🏼❤️❤️❤️

A photo posted by Carmela Brosas (@kbrosas) onAug 14, 2015 at 11:08pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN