Alden Richards scores pogi points with Maine Mendoza after completing his 'first task'

Idinaan ni Yaya Dub o Maine Mendoza sa Twitter ang kanyang mensahe para kay Alden Richards pagkatapos magawa ng aktor ang una nitong task para pumayag na si Lola Nidora (Wally Bayola) na magkita sila. Sa loob ng 20 minuto ay kailangang buhatin ni Alden ang isang bugkos ng kahoy mula Broadway Centrum hanggang EDSA Cubao, na nagawa naman ng "Pambansang Bae."


“Pati sa puso ko naka puntos ka din! Laban!!!”

Ito ang sagot ni Maine Mendoza—o mas kilala bilang Yaya Dub—matapos magawa ni Alden Richards ang unang hamon sa kanya ni Lola Nidora.

Ilang sandali pagkatapos ng Eat Bulaga! ngayong araw, August 15, ay nag-tweet si Maine na tiyak na ikakikilig ng AlDub fans.

May mga ipinapagawa kasing “hamon” si Lola Nidora (Wally Bayola) kay Alden upang payagan na niyang magkita ito at si Yaya Dub.

At ang unang hamon na ipinagawa ni Lola Nidora ay dalhin ang isang bugkos ng kahoy, mula Broadway Centrum hanggang EDSA-Cubao, sa loob lamang ng 20 minutes.

Habang isinasagawa ang “Juan For All, All for Juan” ay ipinakita sa screen kung paano takbuhin at lakarin ni Alden ang kahabaan ng Aurora Boulevard para makarating sa EDSA sa tamang oras.

At nagtagumpay naman si Alden sa kanyang unang hamon pagkatapos niyang marating ang footbridge sa may EDSA-Cubao sa lagpas lamang ng 17 minutes.

Kaya naman tuwang-tuwa si Yaya Dub na nagawa ni Alden ang unang task nito.

At sa pamamagitan ng Twitter ay ipinaalam ni Maine ang kanyang saloobin sa pagtatagumpay ng Kapuso matinee idol: “Pati sa puso ko naka puntos ka din! Laban!!!”

May hashtag pa itong #AlDubForYouIWill na naging top trending topic din nationwide and worldwide

.

Pati sa puso ko naka puntos ka din! Laban!!! #AlDubForYouIWill

— Maine Mendoza (@mainedcm) August 15, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN