Dina Bonnevie very proud of children Danica and Oyo

Dina Bonnevie as a politician’s wife: “Ako naman ang supporting actress bilang wife ng vice governor [Ilocos Sur]. Ang nahihirapan lang ako, maraming kalaban kapag somebody is eyeing the position of your husband. Ang hirap talaga ng campaign season, nakakaloka.”


Natutuwa at ipinagmamalaki ni Dina Bonnevie ang dalawang anak na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto dahil maayos ang buhay ng mga ito at mabubuting asawa at mga magulang.

Sabi ni Dina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Happily married sila, maayos ang buhay nila because they have God as the center of their lives.

“Yung mga apo ko, hay naku, I’m very happy with my apos, I’m very proud of them.

“Yung mga anak ni Oyo, ‘di ba ang dami nilang commercials?

“Si Kiel, si Kaleb. Si Ondria na lang ang kulang.

“Si Mik and Caela, meron na rin silang pancake commercial.

“Nakakatuwa naman kasi my children are achievers.

“Danica’s dream was to be a talk show host, now she has a talk show.

“Si Oyo, may restaurant sila, nag-a-artista pa rin, pero focused sila sa restaurant nila.

“So Ondria naman, sabi nga nila, carbon copy ko.

“Kapag kasama ko yun at karga ko, nakakatawa kasi, tinitigan niya talaga ko.

“Sabi ko, ‘Okay Tin [Kristine Hermosa, Oyo’s wife], bakit kaya ako tinititigan ni Ondria every time na karga ko siya?’

“‘E, kasi, Ma, siguro nagtataka siya, bakit pareho kayo ng mukha.’ Kamukha ko talaga si Ondria.”

Sina Kiel, Kaleb, at Ondria ay anak nina Oyo at Kristine, habang sina Mik at Caela ay anak nina Danica at sawa nitong si Marc Pingris.



ALL-AROUND MOM. Tinanong ng PEP si Dina kung noong nagsimula rin siyang maging ina, nakita niya sa anak na si Danica kung paano siya noon.

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

“When I was Danica’s age, hiwalay na ko nun and I was super hands-on.

“E, noong nag-asawa si Danica, she was 25.

“I was 25 nang maghiwalay. I bought my own house at the age of 24. I got married, 19.

“I would cook my children’s food, drive them to school, give them a bath.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita ko nga kay Danica ang pag-aaruga at pag-aalaga na katulad ng ginawa ko sa kanila.

“Danica cooks the meals of [her] children, ako rin.

“I even drove them to school because, at that time, I couldn’t afford a driver.

“Kasi di ba, bagong hiwalay ako nun, hindi ko pa keri na magbayad ng driver so ako lang ang nagda-drive.

“Ako lang din ang nagluluto, meron lang ako, dalawang yaya.

“Pero ako lahat, laba, luto, plantsa, linis, driver,” natawa niyang pagbabalik-tanaw.


GOOD EXAMPLE. Nakita raw ni Danica lahat yun.

“Oo, nakita niya, sabi niya, ‘Mommy grabe rin ang hirap mo sa amin.

“‘Lahat ng natutunan ko sa ‘yo, I would like to do the same for my children, if not, more.’”

Dugtong pa ni Dina, “I always believe that children live what they see.

“Kung halimbawa lumaki ang anak mo na maayos, kasi maayos din ang pagpapalaki mo.

“Kung hindi maayos ang pagpapalaki mo, hindi rin, e.

“I mean, maraming single parent na napariwara ang mga anak, nag-drugs, nag-hostess, kung ano-ano.

“Patalon-talon from one guy to another, yung iba nagsusugal.

“I was just so lucky na siguro, nakita ng mga anak ko that I raised them properly… nagtitiyaga ako.

“Buong buhay ko, inilaan ko sa kanila at nag-asawa na lang din ako noong makapag-asawa na sila.

“Sila pa ang nagsasabing, ‘Mommy please, find someone, have a boyfriend.

“‘It’s your turn, tapos na, nakapag-asawa na kami. Ikaw naman.’”


BEAUTIFUL STRANGERS. Kasalukuyang napapanood si Dina sa bagong primetime series ng GMA Network na Beautiful Strangers.

Sabi ng award-winning actress, “Masayang pagbabalik GMA.

“Ganun naman ako e kung saan may magandang project, go lang ng go,” nakangiti niyang pahayag.

Nagandahan daw siya sa proyekto kaya tinanggap agad niya ang Beautiful Strangers.

“Unang-una, Christopher de Leon ang kasama, Heart Evangelista, Lovi Poe.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasama na niya sa isang teleserye sa ABS-CBN noon si Heart sa Hiram.

Pero si Lovi, ito pa lang daw ang unang pagkakataon magkasama sila sa isang project.

Sabi nga ni Dina, “Ay nakakaaliw silang kasama.

“Parang when I’m with them, ang feeling ko I’m their age, I feel young again.

“Kasi siyempre, girl talks, daldalan.

“Kami naman ni Heart, we go back as how we did Hiram.

“So may mga memories kami. Kami ni Lovi will start making memory.”

Tungkol naman sa role niya sa Beautiful Strangers, “Maganda talaga yung ginagampanan kong papel dito.

“Hindi rin naman siya totally masama, like I’ve said, no one is actually born bad.

“Parang nagiging bad ka lang kasi nagiging biktima ka ng circumstances.

“Like in this case, pilit siyang inaagawan ng asawa at sinisira ang pamilya niya.

“Ikaw man, gagawin mo ang lahat para maprotektahan ang family mo.

“Even if it means hurting other people, kasi sila naman ang unang nanakit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN