Hiro Peralta defends Martin del Rosario on gay issue: “I know him, friend ko rin ang ex-girlfriend niya.”

Hiro Peralta is earning plaudits for his performance in the teleserye Pare ‘Koy, and has realized he didn’t need a loveteam to get noticed, “Kaya naman pala mag-exist na mag-isa.” But given a choice, he’d like to be paired with Barbie Forteza and Julie Anne San Jose.


Kahit daw mga kaibigan at pamilya ng Kapuso star na si Hiro Peralta ay nagugulat sa ipinapakita niyang pag-arte at pagtalakay sa karakter ng isang bading sa primetime series na Pari ‘Koy.

“Hindi po sila sanay, their first time to see me na ganun, na hindi ako.

“Marami ang nagulat, actually, even the way I act daw sa character.

“Nowadays, ang daming nagtatanong po sa akin. Ang tanong sa akin, bakla raw ba talaga ako?”

Ano naman ang sinasagot niya sa mga nagtatanong?

“Na-convince ko po ba kayo?” natawang sagot ni Hiro nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang sa taping ng Pari ‘Koy.

Hindi naman daw siya naalarma o nag-aalala kung yung iba, pinag-iisipan nga siyang bading.

Ayon kay Hiro, “Either way naman po, wala naman pong masama kung anuman ang isipin nila.

“Basta either way, I’m just doing my job, ginagawa ko yung trabaho ko.”



MARTIN NOT GAY. Dahil daw sa pagganap niya sa karakter ng isang bading, mas malakas na ang loob niyang tumanggap ng gay roles na mas malalim at mapangahas ang pagtalakay.

“Okey na ko, hindi na ako naglalagay ng boundary or label.

“Kahit na sino kaeksena ko, babae man siya o lalaki, ang importante po, nagkakaroon kami ng connection.

“Yun ang mahirap kasi ngayon nowadays, yung mga artista na ayaw makipag-connect.”

Nagkaroon daw talaga siya ng koneksiyon sa naging kapareha niya sa Pari ‘Koy na si Martin del Rosario.

Malaking bagay rin daw na magkaibigan na sila ni Martin kahit noon pa.

Ayon kay Hiro, “Good friend ko na po si Martin even before showbiz.”

Madalas ma-isyu si Martin sa seksuwalidad nito. Bilang matagal na niya itong kaibigan, dinipensahan niya ang aktor.

“Yes, I know Martin well, it’s just an issue.

“We live in the same village e nagba-basketball kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-typecast po siguro siya sa mga roles na ginawa niya, sunud-sunod po kasi yung mga ginawa niyang gay roles.

“But I know him kasi, friend ko rin ang ex-girlfriend niya.

“Yung ex-girlfriend ko, friend niya rin so iisa lang din. Yung pinsan niya, kaibigan ko rin.”

Masaya rin daw siya sa nangyari sa Pari ‘Koy na nai-extend daw nang nai-extend.

Si Hiro ang nakababatang kapatid ni Dingdong Dantes sa Pari ‘Koy na magtatapos na sa August 21.

Hindi pa raw alam ni Hiro kung merong karakter sa teleserye na magpapabago sa kanya at kung posible pa ba siyang maging straight.

Sabi nga niya, “Parang gusto ko rin na magkaroon ng babae na puwede kong mag-isip kung gusto ko ba yun.

“Pero at the same time, mari-realize ko na yun talaga ako, bading talaga ko.”


EX-LOVETEAM. Sa isang banda, matagal-tagal na rin si Hiro sa GMA simula pa nung Tween Hearts days.

Pero karamihan sa mga kasabayan niya, nabigyan na ng mga lead roles.

Wala sa kanya yung inggit?

“Parang na-feel ko po na hindi ko forte yung tweetums-tweetums, 'I love You.'

“Parang mas gusto ko yung the intensity of the character, like yung kay Jake Cuenca, yung mga roles na nakuha niya.”

Ang orihinal na ka-loveteam niya rati ay si Kim Rodriguez na ka-loveteam na ni Kiko Estrada.

Ang tingin niya sa sarili, hindi talaga pang-loveteam?

“Puwede naman po kasi, I tried working with Kim sa Maynila again and parang nakaramdam ako ng kilig ulit,” ang natatawa niyang pag-amin.

May eksena raw kasi sila na tipong na-friendzone siya at nabasted ni Kim sa episode nila.

Natatawa ito nang diretsahan naming tanungin kung sa totoong buhay, nanligaw ba siya at na-friendzone o nabasted ni Kim?

“Hindi naman po nanligaw,” natatawang sabi niya.

“Siguro po, nakaramdam lang ako ng truthfulness sa eksena since I missed her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mami-miss ko siyang katrabaho, siguro kung natuloy yung mga work dati.”

Nakaramdam ba siya ng “inis” na bumalik pa kasi sa GMA si Kiko?

“Hindi naman po,” natawang sagot niya.

“Now, maganda naman ang takbo nila, maganda rin naman ang takbo ng sa akin.

“At first, natakot nga po ako, sino na ang ka-loveteam ko.

“Pero nang magkaroon ako ng Pari ‘Koy, kaya naman pala mag-exist na mag-isa.”

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw niyang makapareha sina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose.

SCANDALIZED. Sa panghuli, tinanong namin siya tungkol sa diumano'y scandal nitong lumabas.

“Wala po,” ang gulat at mabilis niyang sagot.

Natawa ito nang malaman niyang tinitingnan lang namin ang magiging reaksiyon niya kung sakali at maintriga siyang may picture o video scandal.

Sa isang banda, may pagkakataon nga ba na kinuhanan niya ang sarili nang nakahubad o nag-video kaya?

“Ay, hindi po,” saad niya.

“Kasi for me, why would you videotape yourself?

“Meron bang maha-hype na sensation sa ‘yo kapag nakikita mo ang sarili mo sa camera?”

May iba kasi, dahil lang sa kuryosidad.

“Hindi po, I’m more of a physical person in terms of communication.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN