Governor Vilma Santos on 'Mar-Vi 2016' tarpaulins in Batangas: "Wala akong alam diyan."

Batangas Governor Vilma Santos on persistent speculations that she will run as vice president in 2016: "WALA SA PLANO KO 'YAN. WALA SA AMBITION KO... Nothing will change my mind!!!”


Nilinaw ni Batangas Governor Vilma Santos na wala siyang pahintulot sa kumakalat na posters sa Batangas, kung saan ineendorso ang tambalang “Mar Roxas at Vilma Santos” o “Mar-Vi” para sa 2016 elections.

Ayon kay Governor Vi, wala itong katotohanan lalo pa't makailang-beses niyang inihayag na wala siyang planong kumandidato bilang bise presidente sa May 2016 elections.

“Maraming kumakalat na tarpulin sa batangas na MAR/VI...For 2016...For national position.

“Wala akong alam d'yan. Not even Ralph!”

Base ito sa opisyal na pahayag ni Governor Vi na pinadala niya sa entertainment writer na si Jimi Escala ngayong Sabado, August 15.

Nauna nang idineklara ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang kanyang pagtakbo bilang presidente sa 2016 elections noong July 31.

Ilan sa mga pinaniniwalaang napipisil na maging running mate ni Mar ay sina Governor Vi, CamSur Representative Leni Robredo, at Senator Grace Poe.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pinal na desisyon si Mar kung sino ang kanyang magiging katambal sa 2016.

Bagamat pareho silang kabilang sa Liberal Party, iginiit ni Governor Vi na wala silang pormal na pag-uusap ni Mar hinggil dito.

Sabi pa ni Governor Vi sa isang bahagi ng kanyang opisyal na pahayag: “Pero walang MAR/VI... Publicity lang 'yan [Mar/Vi posters]...

“I THANK ALL THOSE WHO ARE CONSIDERING ME IF THERE ARE ANY...

“BUT THERE ARE NO FORMAL TALKS...”

Kung anu't ano man, inihayag ni Governor Vi na pinal na ang desisyon niyang hindi kumandidato bilang bise presidente sa 2016.

“WALA SA PLANO KO 'YAN.. WALA SA AMBITION KO... AM NOT INTERESTED!!

“Pero maraming maraming salamat sa consideration!!

“Nothing will change my mind!!!”

Maging ang mister ni Governor Vi na si Senator Ralph Recto ay tinuldukan na ang espekulasyong tatakbo bilang bise presidente ang gobernadora.

Read: Sen. Ralph Recto denies Gov. Vilma Santos received offer from PNoy admin to run as Vice President in 2016

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, nagpasalamat si Governor Vi dahil nananatiling buo ang suporta ng kanyang constituents sa Batangas, kung saan nagsilbi siya bilang three-term governor at three-term mayor ng Lipa City.

“MARAMING MARAMING SALAMAT SA BATANGUENOS!!!

“Hindi ko makakalimutan ang BATANGAS.

“Lalo sila ang nagbigay tiwala sa akin na mapag silbihan sila ng 18 years.

“Salamat!! Mahal ko Batanguenos at BATANGAS.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN