Zsa Zsa Padilla sure of her wedding next year, but boyfriend Conrad Onglao has yet to propose

Everything is coming up roses for Zsa Zsa Padilla: “I’m happy, I’m contented with my life. I’ve found a very good man.”


Ayon kay Zsa Zsa Padilla, wala pang nagaganap na proposal pero sigurado nang sa susunod na taon ay mauuwi na sa kasalan ang relasyon niya kay Architect Conrad Onglao.

“Wala pa, he hasn’t formally proposed to me so hintayin natin.

“Wala pa, wala pang definite date but next year na.

“Why Italy? Siya ang may gusto, dream niya yun,” lahad ng Divine Diva nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong nakaraang Linggo, August 9, sa ASAP XX.

Kung siya raw ang masusunod, ang gusto lang niya ay isang simpleng kasalan na dadaluhan ng kanilang mga pamilya.

“Personally, I just want to be with my family, simpleng-simple lang.

“May edad na tayo, 51, 'di ba?

“Sa second marriage ko, ayoko na ng masyadong bongga, simple lang, I really want it simple.”

Lahad pa ni Zsa Zsa, naghihintay lang ang mga anak niya na sina Karylle, Zia at Nicole, sa susunod na hakbang nila ni Conrad.

“Naghihintay si Karylle na mamanhikan, we haven’t talked about it.

“Alam naman nila na dream namin na umabot kami dun.”

Masaya rin siyang nagkuwento na maayos ang relasyon niya sa mga anak ni Conrad sa una nitong asawa.

Sabi nga niya, “Very good, he has very nice kids, I get along with his sons.”



FAMILY SUPPORT. Sa interview namin kay Vandolph sa presscon ng seryeng Ningning ay nabanggit nito na masaya siya sa bagong relasyon ng dating madrasta.

Ayon pa kay Vandolph, kung iimbitahin siya ng stepmother ay very much willing siyang pumunta.

Masaya naman si Zsa Zsa sa suportang tinatanggap mula sa pamilya ng dati niyang partner—ang yumaong Comedy King na si Dolphy.

“Oo naman, 'di naman tumitigil porke’t namatay ang dad nila, yung relationship namin ng Quizon family.

“Kaya lang lately, wala pa kaming get-together.

“If they can come, I don’t know, wala pang plans,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabuhay din mula sa lungkot si Zsa Zsa mula noong namatay si Dolphy tatlong taon na ang nakararaan.

Ngayon, nagpapasalamat ang singer na nakahanap siya muli ng isang mabuting lalake.

“I’m happy, I’m contented with my life. I’ve found a very good man,” bulalas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN