Mikael Daez says working with Jennylyn Mercado is a breeze

About his rumored girlfriend Megan Young, Mikael Daez says, "We're still okay, we're still friends. She's doing Marimar and I’m very happy for her na sa kanya ibinigay ang malaking project na yun."


Support role si Mikael Daez GMA teleserye na My Faithful Husband, pero ang makasama ang prime actors ng Kapuso network ay isang bagay raw na ipinagmamalaki niya.

Isa na rito si Jennylyn Mercado, ang lead actress ng teleserye.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press, pinuri ni Mikael ang Kapuso actress.

"Madaling magtrabaho dahil sa personality niya... very conducive, very welcoming, and very inviting.

“Na-appreciate ko yun kasi ang tagal na niya dito sa GMA, ang dami na niyang na-achieve.

"Ang laki ng respeto ko sa kanya for that... Napapagaan niya yung workplace namin, yung taping, sobrang hanga ako dun.

"She's very open also at para sa akin, malaking bagay yun.

“Tulad ng sinabi ko, maganda ang aura niya, maganda ang personality niya, at saludo talaga ako sa kanya.

"Kapag kaeksena ko siya, alam ko na kahit magaling ang kaharap ko, alam kong pagbibigyan niya ako sa kung ano rin ang gusto ko sa role ko.

"Siya yung tipong ganun."

Nagkaroon din ba siya ng crush kay Jen?

"She's very sexy, she's a very beautiful woman.

"Yeah, ako, I appreciate naman… nakaka-appreciate talaga ako ng babae, college pa lang.

"College pa lang, mahilig na ako!" sagot ni Mikael na sinabayan niya ng malakas na tawa.


FOCUSED. Dahil si Jennylyn ay isang single mom, inalam namin kay Mikael kung isyu ba sa kanya ang pagiging unwed mother ng gusto niyang ligawan.

Aniya, "Actually, hindi.

"Well, sa akin, from my point of view, very focused ako sa work.

“So, pagkagising ko pa lang, work na talaga ako, tinatanggal ko lahat ng distractions.

“Nakita ko 'yan kay Jen, na very focused din siya.

"So, pag nandun kami sa set, nararamdaman ko na gusto lang niyang gawin ang kanyang trabaho at her best.

"Nakakatuwa yun."

ABOUT DENNIS. Na-witness na ba niya ang sinasabing ka-sweet-an ni Dennis Trillo sa kanilang leading lady?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dennis na dating boyfriend ni Jen ay napapabalitang muling nanunuyo sa una.

Saad Kapuso actor, "Actually, ‘di ko pa sila nakikitang magkasama sa taping.

"Kapag nagti-taping ako, it's either si Jennylyn lang or on another day, si Dennis lang.

“Hindi pa kami nagkakasamang tatlo sa isang buong taping."

Nakakakuwentuhan ba niya ang aktres tungkol sa personal life nito, gaya ng development sa sinasabing panunuyo ni Dennis?

Sabi ni Mikael, "I only met Jen sa project na ito so nasa getting-to-know stage pa rin lang kami.

“Pero kahit dun pa lang kami, yung work hindi nasa-sacrifice.

"Kasi maganda nga yung aura niya, yung working chemistry siguro.

"At si Direk Joyce Bernal, malaking bagay na naibibigay, at nailalahad kung ano talaga yun gusto niya.

"So, malinaw na malinaw yung goals namin, kapag nagti-taping kami.

"Kaya masarap mag-taping, looking forward ako lagi."


EVASIVE. Sa malalayong sagot ni Mikael sa aming mga tanong tungkol kay Jennylyn, tila iniiba nito ang usapan.

Baka magustuhan niya ang kanyang leading lady habang tumatakbo ang mga araw ng kanilang taping.

Pero 'taken' na siya ni Megan Young, ‘di ba?

Natatawang sagot ni Mikael, "I am a faithful husband, I am a faithful man!"

So, kumusta naman sila ni Megan?

Aniya, "We're still okay, we're still friends.

"She's doing Marimar and I’m very happy for her na sa kanya ibinigay ang malaking project na yun.”

Dagdag pa ni Mikael na tila inilalayo na naman ang usapan, "Actually, I'm also very happy for Tom [Rodriguez].

“Kaibigan ko 'yan noon pa… Ang laki ng tiwala na ibinigay sa kanila ng GMA.

“At naniniwala ako na mabibigyan nila ng justice yung kani-kanilang roles."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN