Toni Gonzaga quashes blind item about domestic money matters: “Hindi naman siya totoo.”

Toni Gonzaga reacts to the blind item insinuating that she's the one who keeps the purse and gives her husband an allowance: “Hindi, hindi naman kasi totoo yung issue na yun. '

"'Di ko siya binibigyan ng allowance. Hindi naman siya totoo. Nung kinuwento ko yun, sinabi ko kung paano ang mommy at daddy ko, sinabi ko parang ganun din kami, pero di naman ganun ang sistema sa bahay.”


May lumabas na blind item kamakailan tungkol sa isang bagong kasal na TV host/actress na kinumpronta raw ng asawa dahil nakantiyawan ang lalaki ng kanyang mga kaibigan na ander de saya ito sa TV host. Ayon sa interview nito sa media ay inamin daw ng babae na siya ang humahawak ng pera at binibigyan lang niya ng allowance ang asawa.

Halatang ang bagong kasal na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano ang pinatutungkulan ng nasabing blind item, at marami tuloy ang naalarma sa mga malalapit kay Toni tungkol sa lumabas na tsismis.

Nang ma-interview ang TV host/actress ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News tungkol sa isyu, agad namang klinaro sa amin ni Toni na hindi nagkaroon ng problema sa kanila ng asawa at napalaki na lang ng iba ang nasabing balita.

"'Di ko siya binibigyan ng allowance. Hindi naman siya [usap-usapan] totoo. Nung kinuwento ko yun, sinabi ko kung paano ang mommy at daddy ko, sinabi ko parang ganun din kami. Pero di naman ganun ang sistema sa bahay [namin ni Paul].

“'Di ako mahawak ng pera, e, ma-cash... lagi akong credit card kasi ayoko na may dalang cash.

“Lagi akong credit card. Siya [Direk Paul] yung naglalagay minsan ng cash. Makikita ko na lang, para siyang mommy ko. Equal, walang nagbibigay, walang nag-aano.

“Hindi naman sinermunan pero nagkausap lang kami about it pero walang malalang nangyari. Lumaki na lang 'yan pero di naman [dapat]."

PAUL'S JOKE. Sa guesting nila Toni at Direk Paul sa Aquino and Abunta Tonight kamakailan, natanong ni Boy Abunda ang mag-asawa kung sino sa kanila ang madalas na nag-aaya ng pagtatalik. Pabirong tinuro ni Direk Paul ang asawa.

Nagsalita naman si Toni na na-deprive kasi siya ng walong taon at mag-asawa na naman sila ng Paul kaya wala nang masama doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Toni sa PEP, “Hinampas ko nga siya nun."

Sinabi naman niya kay Paul sa programa ni Boy, "Alam mo, buong Pilipinas tuloy, yun ang tingin sa akin."

Sa show pa rin ni Boy, nasabi naman ni Direk Paul, "That was just a joke."

At nasabi naman din ni Toni, “Kahit na, kahit na kaya joke yun, they will think I’m like that."

Sambit uli ni Paul, "I thought it was just a joke."

Balik naman ni Toni, “Naku, di ka pa marunong talaga. Everything you say on TV, people will take it seriously, they will remember that."

Ika nga ni Toni sa PEP, “E, di naman niya kasi alam yun. Kung ano lang ang gusto niyang sabihin, kung gusto niyang mag-joke. Pero wala namang masama, legal naman, mag-asawa naman kami.”

READY FOR MOTHERHOOD? Tinanong namin si Toni kung handa na siyang maging isang ina.

Ayon kay Toni, sa ngayon ay tinatapos niya ang lahat ng commitments sa Kapamilya network bago niya ibigay ang lahat ng oras sa pamilya kapag siya'y naging isa nang ganap na ina.

“Ito nga ang ginagawa ko ngayon.

“I’m fulfilling my commitments sa ABS. I really wanna give my time when I become a mom. I really wanna give time to myself and take care of my family.”

STILL ADJUSTING TO MARRIED LIFE. Aminado si Toni na sa ngayon, matagal-tagal na panahon pa ang kailangan para makapag-adjust siya nang buong-buo sa bagong estado niya sa buhay.

“Okay naman, kaunti pa rin, may adjustment pa. Tingin ko, I am giving myself a year.

“Siguro OA yun para sa ibang tao. Iba yung naging sistema ko to be completely detached, yung talagang living on my own, deciding for myself—mahirap talaga.

“Natutulog siya dun [his parents' house]. Minsan naman, ako natutulog sa amin pag wala si Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, masarap talaga ang buhay may-asawa. May ibang bahay ka nang inuuwian, pero siyempre di mo maaalis thirty years ng buhay ko kasama ko yung tatlo kong housemates—mommy ko, daddy ko, saka si Alex [Gonzaga, Toni's sister]. Tapos bigla nga, ngayon isa na lang ang housemate ko.

“Parang di pa ako sanay na isa na lang ang kasama ko sa bahay. Hinahanap ko pa yung may kausap na mommy, na daddy.

“Pero ngayon, okay naman. I think everything's happening one step at a time.

“Marami akong bagay na nahihirapan. Sa pag-aadjust, nahihirapan pa ako; sa paggising mag-isa, nahihirapan pa ako.

“Yung asawa ko gigisingin ako, pero 'di siya parang mommy ko na kukulitin pa ako. Siya kasi, equal kami. Yung mommy ko kasi, manager ko din siya kasi.

“Sobrang aga din niyang matulog, sobrang morning person," ang sabi ni Toni tungkol kay Direk Paul.

“Pag-uwi ko galing PBB [Pinoy Big Brother], tulog na.

“Alam na alam ko na yun, pag nag-live ako, pag-uwi ko, tulog na siya.

“Pagkagising ko ng 12 [noon], ang dami na niyang nagawa. Kasi 30 years na akong puyat so pag may time ako, tinutulog ko na lang.”

PAUL'S PASSION FOR HIS CRAFT. May mga bagay si Toni na na natutuklasan si Toni tungkol sa asawa, at isa na rito ang pagmamahal at passion nito sa trabaho.

“If there’s one thing I admire about Paul, he’s really after his craft, his passion and art.

“Siyempre, ako kasi lumaki ako, I have to work. I wanna provide for my family, for my sister.

“Work for me is also about helping my family, the people who are dear to me.

“Pero kay Paul kasi when he works, secondary ang pera. That’s what he told me. You should learn from the greats—sila [Steven] Spielberg, sila Steve Jobs. When they started their companies, they weren’t thinking about anything, they weren’t thinking about money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They were thinking about their dreams, their passion, craft, how to make a difference. That’s one thing that I learned from him.

“Kasi 'di ba, in Star Cinema, I was trained, I was used to making movies that should make money.

“We’re in a business, ganun yung thinking ko, but now that I’m with Paul—yes, it’s also important if your movies make money, but it’s also important to make something that’s worth remembering.

“Something [that] when you look back, [you can say] 'I made this film.' Parang legacy mo na iiwan mo, na maganda din naman.”

“He’s also busy with a lot of things. He just formally launched his office. May sarili na siyang kumpanya. Ginawa na niyang kumpanya yung kanyang business.’

MOMMY PINTY. Kilala na istrikto at mahigpit ang ina nina Toni at Alex na si Mommy Pinty.

Ngayong may asawa na si Toni, naikuwento niyang mas maluwag ang asawa kaysa sa ina.

Sa ngayon nga, nabawasan na rin ang pagtawag at pagte-text ni Mommy Pinty sa kanya, na ikinagugulat ni Toni.

“Sa mga damit, si Mommy grabe, pag kaunting pakita ka lang ng cleavage, 'Mag-bold star ka na lang. Naku, pag di talaga kayo nababantayan, gusto ninyo talaga maghubad kayo sa TV.'

“Si Paul, di siya ganun kasi, unang-una sa lahat, di siya nanonood ng TV. Di niya alam ang ginagawa ko, di niya alam na minsan sexy ang suot ko, tube [top] lang naman. Alam mo naman ang Mommy, medyo conservative.

“'Di na nga, e, na-surprise nga ako. May patext-text pa rin paminsan, pero ngayon pakaunti-kaunti na lang.

“Dati every day, every minute, bawal mag-bathing suit, panakaw ang mga bathing suit ko, ngayon puwede na.”

MOVIE WITH PIOLO. Isa sa mga nakalinyang gawin ni Toni sa ngayon ay ang seryeng Written In Our Stars, kunsaan makakasama niya sina Piolo Pascual, Jolina Magdangal, at Sam Milby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento ng aktres na siyam na taon na pala ang nakaraan mula nang huli siyang gumawa ng serye, ang Crazy For You.

“Yah. Written in Our Stars... Movie? Not this year. [Yung teleserye] this month ang schedule namin.

“If there’s one thing I admire about Paul, di niya ako nililimitahan.

“I asked him, 'Can I do this project?' 'Yes, you can. Yes, if you want to.'

“Saka pag alam mo naman ang limitations mo, like right after PBB wala na akong gagawin, kaya puwede na akong mag-soap.

“Ngayon lang talaga na parang akala mo busy dahil may PBB every day pero right after PBB, yun lang.”

“Akala ko nga never mangyayari yung ganito na makakasama ko si Sam saka si Piolo sa isang soap.

“Dati, iniisip ko lang, 'Ang sarap sigurong makatrabaho yung dalawa nang sabay.' Never ko naisip na matutuloy ito.

“Nung prinesent ang idea... actually, nung una, sabi pa lang na teleserye with Piolo, sabi ko, 'O, sige go!'

“Kasi ang tagal ko na nang huling gumawa ako ng serye, mga nine years yata akong di nag-soap.

“Yung mga soap ko dati, parang halos special participation lang o guesting. My last soap was Crazy For You with Luis Manzano, 2006, Dreamscape. Tapos ngayon pagbabalik ko sa Dreamscape.

“Kaya ko nga tinanggap, yung serye kasi yung istorya niya pampelikula, parang 'di siya teleserye, TV series siya. Ang galing, parang movie. Na-excite ako sa idea kaya napasukan ko.”

IS PAUL JEALOUS OF SAM? Inamin ni Toni na sa lahat ng nakatambal ay kay Sam nagselos noon si Direk Paul. Ngayong magkakasama sila muli sa Written In Our Stars, hindi raw kaya ito pagselosan uli ng asawa?

“2007 pa yun," sagot ni Toni.

“'Di na, sobra na ang growth at maturity namin both as individuals ni Sam.

“We’ve also grown so much as a loveteam. Alam na namin yung work, alam na namin yung personal life, kasi before bata pa talaga kami nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon sobrang okay yung working relationship namin, mas relaxed, mas comfortable. I guess ganun talaga yun. It comes with time, with age, very professional.”

PBB BET. Marami ang nagulat sa mga kaganapan sa PBB 737. Bilang isa sa hosts ng nasabing reality program ng ABS, agad namin tinanong si Toni kung sino sa Big 4 ngayon—kina Bailey, Ylona, Franco at Jimboy—ang sa palagay niya ang may malaking tsansa na tanghaling Big Winner.

“Hindi, yun talaga ang 737. Dalawang seven weeks, tapos tatlong house guests.

“Yan ang di ko pa alam kasi, actually, yung kahapon, kahapon ko lang din nalaman lahat ng pinakita. Di na sinasabi sa amin. Ewan ko sa kanila, parang wala silang tiwala, akala nila itsitsismis namin.

“Anybody can be a big winner naman. Minsan kasi yung bet ko minsan, siyang di nananalo.

“'Di mo masasabi talaga kasi voting ng public 'yan, e.

“Pero nakikita kong malakas ang appeal sa kanila si Bailey, cute talaga. May mass appeal talaga, endearing, charming.

"Actually, lahat naman sila. Si Jimboy very masa. Si Ylona very talented. Si Franco masa din. Depende sa pagboto.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN