Ruffa Gutierrez admires mom Annabelle Rama's protectiveness towards her kids

Despite her differences with mom Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez admires and tries to emulate her protectiveness towards her kids: “So that’s one thing I love about my Mom, protective siya sa amin. Kahit hindi kami nag-uusap, I remember, may nagsulat ng hindi maganda sa akin, nalaman ko na lang kay Jun Lalin na galit siya sa reporter na yun. Ay, she loves me talaga even if she hates me. Gusto niyang awayin yung reporter. Touched naman ako. So I think with our mom and


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ruffa Gutierrez sa kanyang contract renewal para sa Cosmo Skin na naganap sa Raffles Hotel, Makati City kamakailan, nagkuwento rin siya tungkol sa ilang mga katangiang hinahangaan niya sa kanyang inang si Annabelle Rama

Ayon kay Ruffa, “Ang similarities namin ni Mommy, the way na inaalagaan niya ang mga anak niya. She’s very protective and at the same time, I’m very protective rin with my girls.

“But one thing na hindi ko gagayahin sa Mommy ko, I want my children to treat me as if I’m their best friend.

“Nandiyan ang respeto and at the same time, ayokong matakot sila na magsabi sa akin ng mga problema nila.

“Especially with kids nowadays, di ba, they feel that they’re alone or there’s a generation gap. I always want them to know that I’ll always be here for them whatever happens.

“So that’s one thing I love about my mom, protective siya sa amin.

“Kahit hindi kami nag-uusap, I remember, may nagsulat ng hindi maganda sa akin, nalaman ko na lang kay Jun Lalin na galit siya sa reporter na yun.

“Ay, she loves me talaga even if she hates me. Gusto niyang awayin yung reporter. Touched naman ako. So I think with our mom and our family, nandiyan pa rin ang loyalty niya talaga.

“Kahit na may hinananakit siya sa akin, ako pa rin ang nag-iisang anak niya na babae and there’s nothing she can do but to accept the fact na I’m grown up.”

ONGOING RIFT WITH MOM OVER BOYFRIEND. Hindi man nag-uusap ang mag-ina hanggang ngayon, at kahit tahasang sinasabi ni Annabelle na hindi ito pabor sa boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal, naiintindihan daw ng former beauty queen kung ano ang pinanggagalingan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I do understand where she’s coming from but the problem with my mom, she never gives me the chance.

“She should give me a chance and she should give other people also.”

Ikatlong season na ngayon ng family reality show nilang It Takes Gutz to be Gutierrez sa E!

Masaya nga si Ruffa na ito raw ang pinakamataas na rating na season nila. At dito rin mapapanood kung ano ang conflicts nilang mag-ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN