Gelli de Belen, Danica Sotto, LJ Moreno saddened by Mariel Rodriguez's second miscarriage

Gelli de Belen expresses her sympathy in light of Mariel Rodriguez's second miscarriage: "Really, really saddened by the news. I’m sure, God has better plans for both of them. I really pray for them. Sana, they rise above this as easily, as breezily as possible."


Opisyal na ipinakilala ng TV5 si Gelli de Belen bilang co-host nina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag sa third season ng Happy Wife, Happy Life.

Si Gelli ang pansamantalang ipinalit kay Mariel Rodriguez nang magpunta ang huli sa Spain at, eventually, nagbuntis sa triplets nila ni Robin Padilla.

Pero noong Huwebes ng gabi, August 13, nakumpirma na muling nagkaroon ng miscarriage si Mariel.

Read: Mariel Rodriguez suffers miscarriage for the second time


GELLI’S REACTION. Labis daw na nalungkot sina Gelli, LJ, at Danica sa balitang ito.

Ani Gelli, “Really, really saddened by the news.

"I’m sure, God has better plans for both of them. I really pray for them.

"Sana, they rise above this as easily, as breezily as possible.

“Hindi ko alam kung anong comforting words ang puwede nating sabihin to really comfort them.

"Kasi parang wala yatang salita sa diksyunaryo na makakapagpalubag-loob o makakagaan sa kanilang nararamdaman ngayon.

“Siguro, prayers lang natin and give them time and space para maka-get over sila sa big hurdle na ito sa kanila.”


LJ’S PRAYER. Sinegundahan din ni LJ ang hiling ni Gelli para sa dasal para kay Mariel.

Aniya, “I agree with Ate Gelli na there’s really no words that you can say dahil sobrang painful, and this is not the first time that it happened.

"But, kahit hindi natin naiintindihan kung bakit nangyayari ang ganitong bagay sa buhay, I’m sure na later on, meron naman talagang plan si God na maganda para sa kanila.

“Eventually, He’ll have something great for them and we’ll just continue to pray for them, pray for strength.”


DANICA’S MESSAGE FOR MARIEL. Ayon naman kay Danica, gusto niyang bumalik si Mariel sa paghu-host ng kanilang show.

“Hindi namin siya nakikita ngayon.

"Gusto ko lang malaman niya na kami, and of course yung Happy Wife, Happy Life family, are really praying for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And siyempre, sad kami para sa kanya.

“Like what Ate Gelli and LJ said, na meron naman purpose ang lahat ng bagay.

"May mga bagay na hindi tayo naiintindihan pero ang problema e kung paano natin malalampasan yung mga ibinabato sa atin na paghamon ng buhay.

“Alam ko na kaya nila ito, kasi hindi naman ibibigay sa kanila kung hindi nila kaya.

"Napakasakit nga lang talaga.

"Sabi nga ni Ate Gelli, no amount of words can ever comfort them at this time."

Dagdag pa ni Danica, “Gusto ko lang ipaalaala kay Ma na nandito kami, nagdarasal at nagmamahal sa kanya.

"We’ll be praying also for Robin for strength para patuloy rin na nandiyan siya lagi sa tabi ni Mariel kasi hindi rin talaga madali.”

WELCOME TO RETURN. Ayon sa Happy Wife, Happy Life production manager na si Margie Natividad, welcome sa kanila na bumalik si Mariel bilang co-host ng morning program ng TV5 at hihintayin nila ang paggaling ng TV host-actress.

Gusto rin ni Danica na bumalik si Mariel sa kanilang programa para maging apat na uli sila.

Kuwento niya, “Noong nagpi-pinch hit pa siya kay Mariel, hinihiritan ko si Ate Gelli.

“Sabi ko, sige na, kasi feeling ko masaya naman na apat uli kami.

"Kaya lang si Ate Gelli, raketera ng taon. Ang daming work.

“Lagi kong sinasabi na para pagbalik ni Mariel, apat na kami, mas masaya.

“Noong dumating si Mariel, iba rin ang energy na na-contribute niya sa Happy Wife, Happy Life. Nagkaroon din kami ng chemistry.

"Tapos nung dumating si Ate Gelli, iba rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN