Marian Rivera proudly flaunts her baby bump in Amanpulo

Marian Rivera on revealing her baby's name to her fans: “Nai-share ko sa kanila dahil gusto ko malaman nila kung gaano kaimportante itong mga taong itong nagmamahal sa amin. Kaya isa sila sa una kong sinabihan kung ano ang pangalan ng anak ko.”


Memorable daw para kay Marian Rivera ang bakasyon nila ng mister niyang si Dingdong Dantes sa Amanpulo, Palawan, kung saan sila nag-celebrate ng kanyang ika-31 kaarawan.

“Sobrang saya!” bulalas ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Sabi ko nga, sa tuwing may pagkakataon na umalis kami ng asawa ko, nagba-bonding kami together, iba talaga ang pakiramdam, e.

“What more na may kasama pa kami.”

Napansin din daw ni Dingdong na malaki na ang kanyang tiyan, kaya natuwa si Marian na nagpalitratong litaw na litaw ang kanyang baby bump.

Ang pangarap na maging isang ina...malapit na malapit na. ❤️

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) onAug 13, 2015 at 9:18pm PDT

Hola mi niña! 👧🏼 see you soon... ❤️

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) onAug 14, 2015 at 7:12pm PDT

“Kasi maliit yung tiyan ko, pero sabi sa akin ni Dong, ‘Alam mo, baby, malaki ang tiyan mo ngayon.’

“’A, talaga? Sige, picture tayo,’ nagpa-picture ako.

“Gusto ko i-share na proud ako maging mommy,” masaya niyang kuwento.

BABY NAME. Pagdating sa pangalan ng kanilang magiging baby girl ay hindi naman daw niya itatago. Sasabihin daw niya ito sa tamang panahon.

“Hindi naman talaga namin isinisikreto na bawal naman sabihin.

“Pero mas maganda na kasama ko yung mga kaibigan ko na sabihin ko sa kanila nang sabay-sabay,” sabi niya.

Pero unang ibinahagi ito ni Marian sa kanyang fans na patuloy na sumusubaybay sa kanyang pagbubuntis.

“Nai-share ko sa kanila dahil gusto ko malaman nila kung gaano kaimportante itong mga taong itong nagmamahal sa amin.

“Kaya isa sila sa una kong sinabihan kung ano ang pangalan ng anak ko,” pakli ng Kapuso actress.

Ngayon ay mas malikot na raw ang baby ni Marian sa kanyang sinapupunan, at kapag kinakausap daw ito ni Dingdong ay gumagalaw ito.

“Actually, lumaki talaga siya at bumigat siya, at mas malikot siya.

“Pinapahipo ko nga kay Dong kasi talagang umaalon siya.

“Saka nakakatuwa kapag kinakausap siya ni Dong na ‘Hi, baby, this is your dad,’ nagri-react siya.

“Totoo pala yun,” masaya niyang kuwento.

BABY’S ROOM. Ayaw raw ni Marian na pagawan ng baby’s room sa kanilang tahanan dahil gusto niyang nasa kuwarto nila ni Dingdong ang baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ni Marian na hands-on ang pag-aalaga niya sa kanilang anak.

Ginagawa rin daw nila ang ginagawa ng ibang buntis na kinakantahan ang baby sa kanyang sinapupunan.

“Aegis ang kinakanta ko!” pabiro niyang sabi.

Dagdag pa ni Marian, “May ginawa akong kanta na kaming dalawa lang, yung meme lang.

“Sabi nila, paparinggan mo ng mga classical music para maganda.

"Pero, at the end of the day, mas maganda pa rin yung boses ng ina ang naririnig niya at kinakantahan siya.”

Balak pa nga raw niyang pumasok sa isang seminar kung ano ang tamang pagpapa-breastfeed sa baby.

“Talagang magpapa-ganun talaga ako.

“Magsi-seminar ako kung ano ang tamang proseso at tamang pagpadede talaga.

“Kasi gusto ko ibigay sa kanya ang dapat kong ibigay talaga.

“Sabi ko nga, lahat ‘yan gagawin ko para sa anak ko.

“Nagpapasalamat ako na healthy talaga yung pagbubuntis ko at higit sa lahat, yung mga taong nagdadasal para sa amin ng anak ko.

“So, yun ang importante talaga,” pahayag ni Marian.

BIRTHDAY SURPRISE. Masaya rin si Marian na ikinuwento ang sorpresang ibinigay sa kanya ng close friends niya pagkatapos ng rehearsal ng Sunday Pinasaya kahapon, August 15.

Aniya, “After ko nga mag-rehearse, sabi ko uwi na ako.

“Pag-uwi ko ng bahay, nagulat ako na nandun ang mga kaibigan ko, sinurprise ako.

“Kasi nung birthday ko, wala ako dito, umalis kami ni Dong.

“Nakakatuwa at na-touch ako na sinurprise nila ako, dala nila ang favorite kong lechon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN