Julia Montes on Coco Martin: "Siya nga po yung sinasabi ko na super close ko at inspiration ko ngayon."

Julia Montes on Coco Martin's house: "Kung paano siya nagsimula sa indie, kung paano po siya nakapasok sa ABS-CBN. Happy ako na nakita ko yung progress ng buhay niya. Makikita mong family-oriented talaga siya at, yun, ibinigay niya sa family niya."


Dalawa ang leading men ni Julia Montes sa Doble Kara—sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles.

Ngunit magpahanggang ngayon ay nali-link pa rin ang Kapamilya young actress kay Coco Martin, na naging leading man niya sa mga dati niyang proyekto.

Hindi ba siya yung tipong napu-fall sa leading man niya?

“Fall?” natawang sabi ni Julia.

“Hindi ko pa po siguro naiisip yun, lalo na ngayon, doble po ako.

“Ang hirap pong ipasok sa isip yun, wala po talaga.

“Siguro friendship po, magde-develop ang friendship.”

Mas gusto niya yung wala siyang steady loveteam?

Sagot ni Julia, “Hindi ako nagwu-worry or nai-stress masyado kasi wala akong iniisip na baka masaktan ko yung isa.

“Mas less ang pressure, siguro mas pressure lang sa akin dun sa project.

“Pero suwerte po ako sa ganung factor na hindi ko kailangang isipin na loveteam.

“Happy po ako at kuntento po ako sa ibinibigay po sa akin.”


PRIORITY. Talagang ang focus daw ni Julia ay patuloy na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

At hindi raw niya masasagot kung kailan niya makikita ang sarili na may boyfriend o karelasyon.

“Mahirap po talagang magsabi ng age, siguro may mga priorities lang po na uunahin.

“Kapag may dumating… lahat naman po ng bagay na nangyayari sa buhay ko, ipinagdarasal ko.

“Kung darating, will ni Lord,” sabi niya.

Nag-e-entertain ba siya ng mga manliligaw?

“Medyo strict po ako,” sagot ni Julia.

Baka si Coco ang nag-iistrikto sa kanya pagdating sa manliligaw?

“Hindi, walang ganun!” natawang sabi niya.

“Ang suwerte nga po, ang mga sinasabi niya, mga advice talaga.

“Dapat lang talagang isipin ang mga advice.”

Sa edad na 20, mukhang ang prayoridad talaga ni Julia ay magpayaman.

Paliwanag niya, “Gusto ko lang umahon kung ano kami dati at gusto ko lang din pong ma-secure yung future ng mga kapatid ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong ma-feel nila na kailangan nilang mag-work sa pag-aaral.

“Kung anuman ang hirap na naranasan ko, ayokong maranasan nila yun.

“Naibibigay ko naman po, pero gusto ko po hanggang future ng mga kapatid ko, ma-secure ko talaga.”


CLOSE TO COCO. May pangalawang bahay na rin si Julia na nabili. Yung una ay sa Antipolo na tinitirhan nilang pamilya.

Naging inspirasyon niya rin si Coco sa pag-invest sa bahay?

Pag-amin niya, “Sobra.

“Siya nga po yung sinasabi ko na super close ko at inspiration ko ngayon.

“Makikita mo ang journey niya from way back… hindi naman siya Coco Martin agad, trinabaho niya talaga.”

Ang totoo, hindi pa raw siya nakakarating sa bahay ni Coco.

Natatawang sabi ni Julia, “Hindi pa po kasi hindi pa niya ako ini-invite, hanggang Kris TV ko lang siya napanood.

“Sinabi ko po, pero siyempre busy po, at saka hindi pa naman siya nagpapa-party.”

Anong masasabi niya sa napakalaki at magandang bahay ni Coco na unang na-feature sa YES! Magazine?

Ayon kay Julia, “Super happy po kasi noong nakakatrabaho ko siya, nakakapag-usap po kami.

"Kung paano siya nagsimula sa indie, kung paano po siya nakapasok sa ABS-CBN.

“Happy ako na nakita ko yung progress ng buhay niya.

“Makikita mong family-oriented talaga siya at, yun, ibinigay niya sa family niya.”

Mas naging maingay nga ang espesyal na relasyon o pagkakaibigan nila dahil sa nakitang sila ang magka-date sa nakaraang premiere night ng The Love Affair.

Kung sakaling maging handa naman na si Coco na seryosohin kung anuman meron silang dalawa, handa na ba siya?

“Paano ba? Siguro paalam muna siya sa lola ko!” natawang sagot ni Julia.

“Close sila dahil siguro lola’s [boy] rin si Coco.

“Ang hirap sabihin dahil super close talaga kami kaya hindi ko masabi na, sige, ready na.

“Siguro go with the flow lang din at hindi ko naman maikakaila na siya talaga ang close ko ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN