Former senator and actor Butz Aquino dies at 76

Pumanaw na ang dating senador na si Agapito 'Butz” Aquino sa edad na 76, hapon ngayong Lunes, August 17. Siya ay tiyuhin nina Pangulong Noynoy Aquino at Queen of All Media na si Kris Aquino.


Pumanaw na ang dating senador at aktor na si Agapito 'Butz' Aquino, kaninang bandang 4:22, Lunes, August 17.

Si Butz ay tiyuhin ni Pangulong Noynoy Aquino at ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Siya ay kapatid ni dating Senator Tessie-Aquino Oreta at ng yumaong si Senator Benigno 'Ninoy' Aquino, ang ama nina Noynoy at Kris.

Ayon sa news reports, kumplikasyon sa iba't ibang karamdaman ang ikinasawi ng ama ng MTRCB board member na si Jackie Aquino.

Sa Facebook post naman ni Senator Bam Aquino, pamangkin din ni Butz, sinabi nitong "natural causes" ang ikinamatay ng kanyang tiyuhin.

"Former Sen. Butz Aquino passed away this afternoon due to natural causes.

"He will be remembered for his bravery and leadership during the martial law days leading to People Power.

"He worked tirelessly until his final days supporting the cooperative movement.

"He was my favorite Ninong, always kind and supportive. He brought joy, happiness and laughter to those around him.

"He will be missed by his loved ones and comrades."

Nagsilbing senador si Butz sa loob ng dalawang termino matapos ang EDSA Revolution noong 1986—mula June 30, 1987 hanggang June 30, 1995.

Naging kongresista rin siya sa second district ng Makati mula 1998 hanggang 2007.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN